You are on page 1of 10

FILIPINO 10

MODYUL 6
MGA PANG-UGNAY
Ang PANG-UGNAY ay salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap;
maaaring dalawang salita, dalawang parirala, o
dalawang sugnay ang pinag-uugnay.

Mayroong Tatlong Uri ng Pang-ugnay


1. Pang-angkop
2. Pangatnig
3. Pang-ukol
1. PANG-ANGKOP – Ito ay tumutukoy sa mga katagang nag-
uugnay sa salitang tinuturingan. Gumagamit ng katagang na sa
pagitan ng tinuturingan at ng panuring. Ito ay inihihiwalay sa
naunang salita na nagtatapos sa katinig, maliban sa n.
Gumagamit din ng katagang –ng na ikinakabit sa salitang
nagtatapos sa patinig. Kung ang salita ay nagtatapos sa n,
tinatanggal ang n at ikinakabit ang –ng.

HALIMBAWA:
Isang mahusay na manlalaro ng basketbol si James Yap.

Nakakilala siya ng isang mabuting kaibigan.


2. PANGATNIG – tulad ng pang-angkop, ang pangatnig ay nag-
uugnay din ng isang salita o kaisipan sa isa pang salita o kaisipan
sa isang pangungusap. Gumagamit ng sumusunod na salita :
dahil, sapagkat, ngunit, palibhasa, maging, at iba pa.

HALIMBAWA:
Mabuti ang naging pakikitungo nila sa kaniya dahil siya ay
nagpakita rin ng kabutihan.

Masipag mag-aral si Lena ngunit palagi siyang nahuhuli sa


klase.
3. PANG-UKOL – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad
ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap. Ginagamit ang mga salitang : para sa, ukol sa,
laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol
kay/kina at iba pa.

HALIMBAWA:
Ayon sa aming guro, kailangan naming pagbutihin ang aming
perfromance task.

Naghanda kami ng maraming pagkain para sa lahat.


Mahalaga ang malinaw na paghahatid ng mensahe sa mga mambabasa o
tagapakinig. Mayroong dalawang uri ng paglalahad ng impormasyon, ito
ang tuwiran at di-tuwirang pahayag. may mga pagkakaiba ang dalawa
tulad ng paggamit ng mga panipi at ang pagpalit ng mga panghalip.

TUWIRANG PAHAYAG – ito ay sipi ng eksaktong mensahe o impormasyong


tinuran o ipinahayag ng isang tao. Gumagamit ito ng mga panipi ( “ “ ) upang
ipakita ang buong sinabi ng taong nagpahayag.

HALIMBAWA :
“ Edukasyon ang pinakamahalagang yaman sa mundo,” wika ni Nanay.

DI-TUWRIRANG PAHAYAG – binabanggit lamang muli nito kung ano ang


tinuran o sinabi ng isang tao. Hindi ito ginagamitan ng mga panipi. Madalas
rin ay ginagamitan ito ng mga pang-ukol tulad ng : alinsunod sa/kay, batay
sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa.

HALIMBAWA:
Winika ni Nanay na ang edukasyon ang pinakamahalagang yaman sa
mundo.
PAGSASANAY
Tukuyin ang pangungusap kung anong uri ng pang-
ugnay ito nababagay.

1. Pinag-uusapan na nila ang mga balakin nila hinggil sa


darating na eleksiyon.
2. Matanda na si Juan ngunit malakas pa rin siya.
3. Ang pag-aaral ay kailangang pagbutihin.
4. Hindi kami pinapayagang lumabas ng bahay sapagkat
maraming sakit na kumakalat.
5. Dapat magsuot ng face mask alinsunod sa protocol ng
pamahalaan.

You might also like