You are on page 1of 30

YUNIT IV

ORGANISASYON NG
PASALITA AT PASULAT
NA KOMPOSISYON
HULWARAN
KAISAHAN
NG TEKSTO
ANG
PAGKAKAU PAGGAWA
TABLE OF GNAY- NG
UGNAY O
CONTENTS. KOHIRENS
BALANGKA
S
DIIN O
EMPASIS
A. KAISAHAN
KAISAHAN
● Ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang
komposisyon.
● Subalit may mga pagkakataon na ang paksang ating gagawan ng pagtalakay ay lubhang
malawak at masaklaw. Isang halimbawa ay ang paksang pag-ibig. Lubhang malawak ang
paksang ito na nangangailangan ng paglilimita. Sa paglilimita rito, maaaring paksain ang
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Tao.
KAISAHAN
● Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng isang komposisyon, kailangang magkaroon din ng
kaisahan ang ideya, layunin at tono sa pagsulat upang mapagdugtong-dugtong ang mga
kaisipan nang malinaw at maayos sa pamamagitan ng ma hiblang tagapag-ugnay.
B.
PAGKAKAUGNAY
-UGNAY O
KOHIRENS
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O
KOHIRENS
• Ito ang aytem ng Retorika na tumutukoy sa pangangailangan ng
kakipilan. Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang
komposisyon kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring
tinatalakay rito. Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa
ng komposisyon.
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O
KOHIRENS
1. Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig

Halimbawa: Isa sa pinakamahalagang tuklas ng tao ay ang komunikasyon, kapag inalis ito, para na
nating pinahinto ang ikot ng mundo.

2. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan

Halimbawa: Iyan ang ngiti - pampalakas-loob, pamawi ng lungkot, pang-alis ng alinlangan at pamuno
ng pagmamahal.
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O
KOHIRENS
3. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat

Halimbawa: Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng mamamayan sa bansang ito ay hindi lamang
nagsasaad ng ligaya at tuwa. Ngunit ni wala isa mang tuminag sa mga nakikiramay. Parang may kinakailangang
bagay na di inaasahang mangyayari.

4. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan

Halimbawa: Dahil sa magandang pakikisama, nakaaamot paminsan-minsan ng kung ano-ano si Aling Marites sa
kapwa tindera. Bunga nito ay may pagkakataong higit na pinapanigan ng alipin ang kanyang panginoon kaysa
kapwa niya.
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O
KOHIRENS
5. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunod-sunod ayon sa panahon
Halimbawa:
Samantala, sa halalang 1969, naulit na naman ang pagbangon ng mga patay para makialam. sa
eleksyon. Pagkatapos naming ubusin ang kalahating lata ng matatabang talaba, kaagad naming
pinuntahan ang sinasabi ni Mark.

6. Bukod sa mga nabanggit, makatutulong din sa pagpapanatiling ugnayan ng paggamit ng mga


salitang magkasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga salita .
C. DIIN O
EMPASIS
DIIN O EMPASIS
Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang
komposisyon.

1. Din sa pamamagitan ng posisyon. Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang pangungusap


sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng ma pahayag o talata. Kung gayon,
ang pamaksang pangungusap ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o hulihang bahagi.
HALIMBAWA:
● PAKSANG PANGUNGUSAP SA UNAHAN NG TALATA
● May kapanatagan ding dala ang kulay berde. Nakapagpapaalala ito sa atin ng kabukiran, kabundukan at
kagubatan, ng kalikasan at kasaganahan ng mapagpalang pagkalinga ng Maykapal sa kanyang nilikha, gaya ng
naantig sa atin sa pagtanaw ng malawak na kaparangan, matatayog na bundok at mga burol na tila nagpapalinaw.
- mula sa Di Laging Pasko ang Berde ni Rene Villanueva

● Isa sa pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Dahil sa wika nagkakaunawaan at
nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig, ito ang midyum upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang
anumang kanyang naiisip, nakikita at nadarama tungkol sa kanyang paligid.
HALIMBAWA:
● PAKSANG PANGUNGUSAP SA GITNA NG TALATA

● Isinilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa isang dampa sa Tanauan, Batangas. Nagmula siya sa isang
angkang mahirap lamang. Ang kanyang mga magulang ay sina Dionisia Maranan at Inocencio Mabini at bagama't
mga dukha lamang ay kapwa mga huwarang magulang sa Tanauan.

- mula sa Apolinario Mabini: Ang Utak ng Himagsikan ni Rolando A. Bernales


HALIMBAWA:
● PAKSANG PANGUNGUSAP SA HULIHAN NG TALATA

● Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, dinakip at ibinilanggo si Mabini dahil sa kanyang labis na
paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya'y palayain, agad siyang umanib sa pangkat ni Emilio Aguinaldo at
kalauna'y naging kanyang tagapayo at kanang-kamay. Simula noon, si Mabini ay tinaguriang Utak ng
Himagsikan.

- mula sa Apolinario Mabini: Ang Utak ng Himagsikan


DIIN O EMPASIS
2. Diin sa pamamagitan ng proporsyon. Sa simulaing ito, ang bawat bahagi ay binibigyan ng
proporsyunal na din ayon sa halaga, laki, ganda, at iba pang sukatan. Pansinin ang kasunod na
seleksyon.

Basahin ito at sagutin ang sumusunod na tanong:

* Anu-ano ang mga kasangang paksa o sub-topics na tinalakay sa seleksyon?


* Pare-pareho ba ang proporsyon ng diin ng mga kasangang paksa?
* Ano sa palagay mo ang naging batayan o sukatang ginamit sa pagbibigay-diin dito?
DIIN O EMPASIS
3. Diin ayon sa pagpares-pares ng ma ideya. Ang paglalahad ng mga ideya sa pamamagitan ng
pagpapares-pares ng mga ito ay nakapagbibigay ng malinaw na pagkakatulad o pagkakaiba ng
kanilang pagkakaugnay. Makatutulong ito sa pagpapahayag ng barayti ng mga implikasyon.

Madali lamang maisagawa ito. Kadalasan, ang pagpapares-pares ng mga ideya ay nagagawa sa
pamamagitan ng paggamit ng salitang at at o.
D. HULWARAN
NG TEKSTO
HULWARAN NG TEKSTO

May ilang hulwaran ng pagsasaayos ng teksto. Maaari itong ibatay sa


sikwensya ng pangyayari, pagkakasunod-sunod o kronolohiya ng mga
bagay, kaayusan ng mga bagay sa isang espasyo o sa lohikal ng mga
impormasyon o datos.
HULWARAN NG TEKSTO
A. Sikwensyal. Sa hulwarang ang mga datos ay inaayos mula sa unang pangyayari
hanggang sa huli o kabaligtaran nito.

B. Kronolohikal. Sa hulwarang ito. ang mga datos ay inaaayos batay sa mga tiyak na
baryabol tulad ng edad, halaga, dami, o tindi.
HULWARAN NG TEKSTO
C. Espasyal. Sa hulwarang ito, ang mga datos ay inaaayos ayon sa layo o distansya. Maaaring
ang paglalarawan ng paksa ay mula sa taas paibaba o kabaligtaran nito, loob papalabas o
kabaligtaran nito, o malapit patungo sa malayo o kabaligtaran nito.

D. Lohikal. Ang hulwarang ito ay gamitin sa ma tekstong argumentatibo. Inaayos ang mga datos
sa hulwarang ito batay sa lohika, kung gayon, maaaring pasaklaw o kaya ay pabuod.
E. ANG
PAGGAWA NG
BALANGKAS
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
Isang sekreto upang matiyak na ang isang komposisyon ay magtaglay ng
Kaisahan, Pagkakaugnay. ugnay at Diin ay ang maingat at matalinong
pagpaplano nito. Ang paggawa ng balangkas, kung gayon, ay isang
teknik upang makamit ang mga nabanggit na aytem sa pagsulat.
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
Ang balangkas ay ang pinakakalansay ng isang akda. Ito ang pagkakahati-hating mga
kaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito.
Ang isang balangkas ay nahahati sa tatlong kategorya: dibisyon, sub-dibisyon at seksyon.
Ang ginagamit na pananda sa dibisyon ay mga Bilang Romano (1, II, III, IV, atbp.), sa
sub-dibisyon ay mga malalaking titik ng alpabeto (A, B, C, atbp.) at sa seksyon ay mga
Bilang-Arabiko (1, 2, 3, 4, atbp.).
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
May dalawang uri ng balangkas:

Paksang Balangkas (Topic Outline) at

Pangungusap na Balangkas (Sentence Outline).

Narito ang Paksang Balangkas ng kasunod na seleksyon:


ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
I. Kahulugan ng Fraternity
* Etimolohiya
* Depinisyon
* Ang Sorority at Confraternity
II. Mga Batayang Kaalaman Hinggil sa Fraternity
* Uri
* Layunin
* Katangian
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
III. Pahapyaw na Kasaysayan

* Sinauna at Midyibal na Panahon


• Sa Pilipinas

1. Fraternity of Odd Fellows


2. Freemason, Lodges
3. Katipunan
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
IV. Mga Adbentahe ng Pagsali sa Fraternity

* Dahilan sa Pagsali ayon sa mga Kabataang Mag-aaral


• Mga Kilala at Matagumpay na Taong Naging Miyembro ng Fratenity/Sorority

1. Sa Amerika
2. Sa Pilipinas
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
V. Mga Peligro ng Pagsali sa Fraternity

* Frat Wars
• Hazing
• 1. Mga Biktima ng Hazing

• VI. Kongklusyon
MARAMING SALAMAT!!

You might also like