You are on page 1of 3

Besinio, Kathleen M.

BS Psychology 1A
Masining na Pagpapahayag

Organisasyong Pasalita at Pasulat na Komposisyon


Ang komposiyon ay paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay
interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran, at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal. Itinuturing din itong pinakapayak na paraan ng pagsulat ang komposisyon.
Mga uri ng Komposisyon:
1. Deskriptibong Komposisyon – Pagbuo ng larawan sa isip ng mambabasa sa
pamamagitan ng kanilang imahinasyon.
2. Naratibong Komposisyon – Pagsasalaysay ng mga magkakaugnay-ugnay na
pangyayari. Layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon patungkol sa mga
pangyayaring batay sa pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa isang maayos at
maliwanag na paraan.
3. Ekspositoring Komposisyon – Paggawa ng isang malinaw, sapat, at walang pagkiling
na pagpapaliwanag patungkol sa isang paksa. Layunin lang nito ang makapagbigay ng
impormasyon.
4. Argumentatibong Komposisyon – Pagbibigay kapatunayan sa isang katotohanan gamit
ang mga pangsuportang impormasyon o ebidensya. Sa komposisyong ito, ang manunulat
ay mayroong pinapanigan at layunin nitong mahikayat ang mga mambabasa sa
paninindigan ng sumulat.
Mga Kailangan sa isang Komposisyon:

• Kaisahan
• Kohirens
• Diin o Emphasis
• Hulwaran ng Teksto
Kaisahan - Tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang
komposisyon.
Ang isang komposisyon ay kinakailangang may kaisahan sa:

• Tono
• Layunin
• Ideya
• Tagapag-ugnay
Maari ring gumamit ng Semantic Web sa paggawa ng komposisyon upang mas maisaayos
ang mga impormasyong kakailanganin sa isang sulaytin.

Kohirens – Ito ang pagkakaugnay-ugnay ng ideya sa isang komposisyon.


Mga salitang ginagamit upang mapanatili ang ugnayan sa komposisyon:
A. Paggamit ng panghalip na panao at panghalip na pamatlig
Panao - ako, ko, akin, ikaw, siya, niya, kami, tayo, kayo, natin, ninyo, sila, kanila,
nila, atbp.
Pamatlig - ito, iyan, iyon, nito, niyan, noon, ganito, ganire, ganyan, gayon, dine,
diyan, ayan, atbp.

B. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan (pandagdag)


Halimbawa: Paggamit ng at, saka, at pati

C. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pasalungat (paninsay o pasalungat)


Halimbawa: Paggamit ng subalit, ngunit, bagama't, at datapwat

D. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan (pananhi)


Halimbawa: Paggamit ng dahil, sapagkat, at palibhasa

E. Paggamit ng mga salitang naghahayag pagkakasunod-sunod ayon sa panahon:


Halimbawa: ngayon, bukas, pagkatapos, sa susunod na taon, kahapon, atbp.

F. Paggamit ng mga salitang makasingkahulugan at maging ang mga pag-uulit ng


mga salita.
Halimbawa: Lahat ng nagugustuhan ni Kaloy ay magagandang babae. Napupukaw
ang kaniyang atensyon sa kanila. Kung kaya, kapag may dumadaang babaeng
marikit, siya'y napapatitig talaga.
Diin o Emphasis – Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa
loob ng isang komposisyon.
Iba’t-ibang uri ng diin o emphasis:
A. Diin sa pamamagitan ng Posisyon – Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang
pangungusap sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag
o talata
B. Diin sa pamamagitan ng proporsyon – Ang bawat bahagi ay binibigyan ng
proposyonal na diin ayon sa halaga, laki, ganda, at iba pang sukatan.
C. Diin ayon sa pagpapares-pares ng mga ideya – Ang paglalahad ng ideya sa
pamamagitan ng mga ito ay nakapagbibigay ng malinaw na pagkakatulad o pagkakaiba
ng kanilang pagkakaugnay.
Hulwaran ng Teksto –Isang modelo na sinusunod upang mas maging maayos ang paglalahad
ng impormasyon sa isang sulatin.
Apat na Hulwaran ng Teksto:

• Sikwensiyal ng Pangyayari
• Kronolohikal ng mga Bagay
• Kaayusan ng Bagay sa isang Espasyo
• Lohika ng Impormasyon o Datos

You might also like