You are on page 1of 1

Millen Joy Moreno

GEC 12 M.W. 10:00AM-11:30AM

Siyam na Kasangkapang Pampanitikan na nagbibigay-anyo sa akda

1. Nilalaman – tumutukoy sa tauhan, tagpuan, suliranin, aksyon at tema.

Sariling kapaliwanagan: Ang nilalaman daw ay tumutukoy sa mga takbo ng kuwento, mga tao, pangyayari, sermon
at

2. Denotasyon – ito ay karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salitan o pangungusap.

Sariling kapaliwanagan: Ito daw ay yung totoo na kung magbigay kahulugan at wala nang paligoy ligoy pa.

3. Konotasyon – ang tawag sa implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita.

Sariling kapaliwanagan: Ang konotasyon raw tawag sa mga pansariling pakahulugan na may karaniwang
kahulugan.

4. Diksyon – ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang
pagpili ng mga salitang ginagamit.

Sariling kapaliwanagan: Ang diksyon raw ay mga salitang pinipili na mahahalaga.

5. Mga kasangkapang panretorika – tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda upang


makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito.

Sariling kapaliwanagan: Ito raw ay may mga pamamaraan upang makagawa ng mabisang pangungusap.

6. Mga kasangkapang pansukat – tawag sa pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang
bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas.

Sariling kapaliwanagan: Mga pamamaraan upang magkaroon ng magandang daloy at pakahulugan ng mga
panitikan.

7. Mga kasangkapang metaporikal – ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at


kahulugan ng akda.

Sariling kapaliwanagan: Ito raw ay tumutukoy sa kahulugan ng salita batay sa representasyon o simbolismo

8. Tono – ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto.

Sariling kapaliwanagan: Ito ay kung paanong bibigkasin ang salita, kung pataas,pababa at katamtaman na tono ng
pagbigkas upang maipahayag ang saloobin sa pamimigatan ng tono sa pagsasalita.

9. Istruktura – Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang
akda.

Sariling kapaliwanagan: Ito raw ay ayos, porma o komposisyon ng mga bagay-bagay o pangungusap.

References:

https://prezi.com/wtherkfymspm/mga-kasangkapang-pampanitikan-na-nagbibigay-anyo-sa-akda/?
frame=6b80341fef4c7111d5ca61726fce963a56f83c51

You might also like