You are on page 1of 2

MGA KASANGKAPANG PAMPANITIKAN NA NAGBIBIGAY ANYO SA

AKDA
▪ Ang salitang estetika ay nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis”
nanangangahulugang “pakiramdam” o “dating ng mga anumang
persepsyon sa mgasentido ng tao.”
▪ Ito ay isang uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita.
▪ Kaugnay nito ang sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri:
➢ Sentidong Panlabas
• Paningin
• Pandinig
• Pang-amoy
• Panlasa
• Pansalat
➢ Sentidong Panloob
• Imahinasyon o guniguni
• Memorya
• Pang-unawa
• Huwisyo o pagpapasya

ANG LAYON NG ESTETIKA AY:

➢ Persepsyon ng mga sentidong panlabas


➢ Konsepto bunga ng mga sentidong panloob
➢ Narito ang mga kasangkapang nagbibigay-anyo sa akda
• Nilalaman - Ito ay tumutukoy sa tauhan, tagpuan, suliranin, aksyon at
tema.
• Denotasyon - Ito ay karaniwang likas o literal na kahulugan ng salita
o pangungusap. Itoay mahanap sa diksyunaryo.
• Konotasyon - Tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o
pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaaring dulot ng pahiwatig
na pananaw o saloobin na taglay ngsalita.
• Diksyon - Ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na
bunga ng maingat atmakabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit
ng manlilikha upang makamit niya angpinakamabisang paraan ng
pagpapatalastas ng kaniyang nais ipahatid.
• Kasangkapan Panretorika - Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng
ginagamit ng akdaupang makamtan ang pinakamabisang epekto ng
mga pangungusap at komposisyon atang mga sangkap nito. Ito ay
may kinalaman sa kaayusan ng mga salita o pagkakasunod-sunod ng
mga element ng mga pangungusap.
• Kasangkapan Pansukat - Ang tawag sa mga pamamaraan na
ginagamit ng akda, lalo naang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-
ayang daloy ang indayog ng mga salita atpangungusap kapag ito ay
binibigkas.
• Kasangkapang Metaporikal - Ang mga ginamit na tayutay
na nagpapayaman sakabuluhan at kahulugan ng akda.
• Tono - Ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto;
Matapat ba?Sarkastiko? Nanunudyo? At iba pa.
• Istruktura - Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at
pagkahahanay ng mgabahagi ng isang akda.

Reference: https://pdfcoffee.com/module-1-gec-12-pdf-free.html

You might also like