You are on page 1of 21

Talata

Ito ay isang serye ng mga pangungusap na


magkakaugnay at nakaayos sa isang paksa.
Ito rin ay nagpapakita sa mambabasa kung
saan ang pasimula at pagtapos ng kapitulo
ng isang sanaysay o essay at mauunawaan
ang pangunahing ideya nito.
Talata pangungusap
binubuo o

magkakaugnay na pangungusap
nagpapahayag

kabuoan

Pagkukuro palagay paksang-diwa


Mga Uri ng Talata (Ayon
sa Kinalalagyan ng
Komposisyon)
Panimulang Talata – Ito ay
nagsasaad ng paksa at layunin ng
isang pagpapahayag sa isang
malinaw na paraan. Tinitiyak nito
kung ano ang ipinaliliwanag,
pangangatwiranan ilalarawan o
isasalaysay at kung minsa’y kung
paano ang gagawing pagtalakay o
paglapit sa paksa.
Talatang Ganap – Ang pagpapaunlad
ng mga pangunahing bahagi ng sentral
na ideya ang pangunahing tungkulin
ng mga talatang ganap. Karaniwang
nakikita ito sa kalakhang bahagi ng
sulatin na sa kabuuan ay pagtalakay
nang ganap sa mga paksang
pangungusap sa kanyang kaisahan at
ganap na paglinang sa paksang-diwa
ng sulatin sa kanilang kabuuan.
Talata ng Paglilipat-diwa – Mahalaga
ito tungo sa ikapagtatamo ng ugnayan at
kaisahan ng mga pahayag. Nilalagom
nito ang mga sinundang seksyon ng
komposisyon o ipinahihiwatig ang
pagsulong ng paksang tinalakay.
Kadalasang sinasabi rito ang
pagkakaugnayan ng alinmang dalawang
magkasunod na bahagi ng komposisyon.
Talatang Pabuod –
Ginagampanan ng talatang ito
ang paglalagom o pagbubuod
sa mahahalagang pahayag sa
katawan ng komposisyon.
Natatagpuan ito sa gawing
hulihan ng komposisyon.
Malayang Talata – Kapag ang talata ay
nagpapahayag ng isang paksa lamang,
ito ay tinatawag na malaya. Ito’y para
nang isang maikling komposisyon.
Madalas gamitin ito ng mga manunulat
ng pangulong tudling, mga kolumnista
at sa mga sumusulat ng patalastas.
Mga Uri ng Talata (Ayon sa
Paksa o Nilalaman)
 Talatang Naglalahad – Ito ay talatang
nagpapaliwanag, nagbibigay-katuturan
at pakahulugan.
 Talatang Naglalarawan – Layunin ng
talatang ito ang ipamalas sa bumabasa o
nakikinig ang isang larawan sa kabuuan
sa hangad na ipinakitang isang bagay ay
naiiba sa mga katulad nito.
 Talatang Nagsasalaysay – Ito ay
talatang nagsasaad ng pangyayari o
karanasan upang makapagbigay ng
damdamin sa mamababasa.
 Talatang Nangangatwiran – May
layunin ang talatang ito na patunayan
sa tulong mga katibayan o katwiran
ang katotohanan ng isang palagay o
proposisyon.
Katangian ng Mabuting Talata

 Nagtataglay ng isang paksang


pangungusap, lantad o di-lantad
 Nagtataglay ng isang diwa, hindi
lamang bahagi nito.
 May kaayusan. Ang pangungusap
nito ay isinaayos sa paraang kaakit-
akit.
 May kaisahan (unity). Alisin
ang di-kaugnay na bagay.
 Pagkakaugnay ng mga
pangungusap (coherence)
 Pagbibigay-diin sa Punong
Kaisipan (Empahsis)
 May karampatang haba. Gumamit ng payak na
pangungusap. Iwasan ang sunud-sunod na
maiikling pangungusap gayundin naman ang
sunud-sunod na mahahabang pangungusap.
 May wastong kayarian. Ito ay may wastong
pasok at palugit; nagtataglay ng mga salitang
dapat mapasama roon at hindi sa iba pang
talata.
 Gumagamit ng wastong pang-ugnay ayon sa
diwa ng sinusundan talata ng isang
komposisyon.
Paraan ng Pagbuo ng Talata

 Depenisyon
 Paghahambing at
Pagtutulad
 Sanhi at Bunga
Kaayusan ng Talata

1.      Ayusin nang kronolohikal o
ayon sa pagkakaganap ng mga
pangyayari.  Karaniwan ang ayos na
ito sa mga komposisyong
pagsalaysay o palahad.
2.      Ayusin ayon sa pananaw sa bagay
o pangyayari, gaya halimbawa ng
malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa
loob-palabas o kabalikan nito, o mula sa
kanan-pakaliwa o kabalikan nito.
3.      Iayos na mula sa
masaklaw patungo sa
ispesipiko.  Ito ang
karaniwang ayos na ang
paksang pangungusap ang
unang pangungusap ng talata.
“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na
mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at
sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at
pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan.
Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay
pati ng mga apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang
lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila
ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro
nito, at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan. “
Bumuo ng isang
TALATA tungkol
sa
"New Normal
Education“

You might also like