You are on page 1of 20

Naisusulat ang talatang:

-binubuo ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas
Pagbabalik-aral
Panuto: Piliin ang angkop na teknik
na ginamit sa
pagpapalawak ng paksa sa
sumusunod na talata.
Ang gamot ay sustansiyang kaiba sa
idinulot ng pagkain na nakapagbabago sa
gawain ng katawan o isipan. Ito ay
maaaring galing sa mga halaman o
pinaghalong produkto na ginawa ng mga
eksperto.
Pagbibigay-katuturan
Dahil sa modernong panahon, ang mga kabataan
ay mas lalong nagiging malikhain dahil sa
kahiligan nilang manggalugad sa bagong
teknolohiya o gadyet ngayon. Kung noon, pawang
papel at bolpen lang ang gamit ng mga kabataan
sa klase, ngayon ay marami na silang pagpipilian
dulot ng teknolohiya.

Pagtutulad
Hindi hadlang ang kahirapan kung may pagtitiis
at determinasyon sa pagkamit sa mga hangarin o
pangarap sa buhay. Maraming mga pagsubok ang
haharapin, mayaman man o mahirap talagang
mararanasan mo ang mga unos sa buhay. Marapat
lamang na manalig ka sa Diyos na siyang lumikha
sa bawat tao.

Pagsusuri
Pagsulat ng
Talata
Talata
Ang talata ay isang maikling
kathang binuo ng mga
pangungusap na magkakaugnay,
may balangkas,may layunin, at may pag-
unlad.
Talata
Ang kaisipang
nakasaad sa pinakapaksang pangungusap
na maaring
lantad o di –lantad.
Talata
Upang maging mabisa ang isang talata,
ito ay dapat na may isang paksang
diwa, buong diwa, may kaisahan,
maayos ang pagkakalahad,
at may tamang pagkakaugnay at
pagkasunod-sunod ng mga kaisipan.
Bahagi ng Talata ayon sa
kinalalagyan sa komposisyon.

Panimula
Ito ang nasa unahan ng isang komposisyon.
Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin ng
manunulat at kung ano ang kanyang
ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o
inilalahad.
Bahagi ng Talata ayon sa
kinalalagyan sa komposisyon.
Mga Uri ng Talatang Panimula
Panimulang talatang nagpapaliwanag
Panimulang talatang naglalahad
Panimulang talatang naglalarawan
Panimulang talatang nagsasalaysay
Bahagi ng Talata ayon sa
kinalalagyan sa komposisyon.

Gitna
Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang
komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng
mga sumusuportang ideya upang ganap na
matalakay
ang nais bigyang linaw ang manunulat.
Bahagi ng Talata ayon sa
kinalalagyan sa komposisyon.
Wakas
Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang
komposisiyon. Dito nakasaad ang mahahalagang
kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan
ginagamitan ito ng mga panandang nagsasaad ng
pagtatapos ng talata upang bigyang-linaw ang kabuoan
ng komposisyon.
Bahagi ng Talata ayon sa
kinalalagyan sa komposisyon.
Mga Uri ng Talatang Pangwakas
Pagtatanong
Kongklusyon
Pagbubuod
Paghahamon
Mga Dapat Tandaan
1. Para sa pamagat ng isang talata,
dapat alamin mo muna ang
paksang-diwa o paksang
pangungusap.
Mga Dapat Tandaan
2. Ang paksang pangungusap
ang pinagtutuunan ng mga
detalye upang mabuo ang diwa
ng talata.
Mga Dapat Tandaan
3. Ginagamitan ng malalaking
titik ang mahahalagang salita sa
pamagitan ng talata o kuwento.
Mga Dapat Tandaan
4. Sinisimulan sa malaking titik
ang unang salita sa pamagat.

You might also like