ni: Mubarak M. Tahir •Ano ang ipinakitang pag- uugali ng batang paruparo sa kuwento? •Paano naipakita ang pagsuway ng batang paruparo sa kaniyang mga magulang? Ibigay ang mga dahilan kung bakit naging suwail ang mga anak sa magulang. Ano ang Pabula? • Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ay mga hayop. Ano ang Pabula? • Ito rin ay isang uri ng panitikan na may layunin na magbigay ng mga aral sa pamamagitan ng mga kwentong may mga tauhang hayop. Kadalasan, ang mga tauhang hayop ay nagpapakita ng mga katangian na nakikita rin sa mga tao tulad ng kasakiman, kabutihan, katalinuhan, at katapangan. Mga Katangian ng Pabula Mga Katangian ng Pabula • May karaniwang naglalaman ito ng isang moral na aral o pangaral na naglalayong magbigay ng payo sa mga mambabasa. Ito ay madalas na inilalahad sa huli ng kwento. Mga Katangian ng Pabula • Ginagamit ang mga hayop bilang mga tauhan. Sa halip na mga tao, ang mga hayop ay nagpapakatao at nagpapakita ng mga kilos at katangian na karaniwang nauugnay sa mga tao. Mga Katangian ng Pabula • Ang mga hayop ay hindi binibigyan ng totoong pangalan ngunit ay binibigyan ng mga pangalan na nauugnay sa kanilang uri o mga katangian tulad ng “si Matsing” o “si Leong Tuko”. Mga Katangian ng Pabula • Mayroong pagkakatulad ng pabula sa “talinghaga” dahil sa pareho nilang ginagamit ang mga di-totoong kuwento upang magbigay ng isang aral. Gayunpaman, ang talinghaga ay madalas na may mas kumplikadong simbolismo kaysa sa pabula. Mga Katangian ng Pabula • Ang pabula ay karaniwang maikli at simple na kuwento, na mayroong malinaw na pagkakabuo ng mga karakter, plot, at moral na aral. Mga Elemento ng Pabula Mga Elemento ng Pabula • Mga tauhang hayop – Ito ang mga karakter sa kwento na kadalasan ay mga hayop na nagpapakita ng mga katangian ng tao, tulad ng kasakiman, kabutihan, katalinuhan, at katapangan. Mga Elemento ng Pabula • Tagpuan – Ito ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa kwento. Mga Elemento ng Pabula • Banghay – Ito ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kwento, na karaniwan ay mayroong isang suliranin o hamon na kinakaharap ng mga tauhang hayop. Mga Elemento ng Pabula • Aral – Ito ang pangunahing layunin ng pabula, na naglalayong magbigay ng mga moral na aral o payo sa mga mambabasa. Aesop Jean de la Fontaine The Brothers Grim Jacob at Wilhelm