You are on page 1of 2

ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Ang makrong kasanayang PAGSASALITA at PAGSULAT ay napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ay mga kasanayang
ekspresibo at produktibo o mga kasanayang ginagamit sa pagpapahayag ng ideya o kaalaman at damdamin o
emosyon.
Kaisahan - ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.
TANDAAN: Tono, Ideya, Layunin, Tagapag-ugnay

SEMANTIC MAPPING - ito ay ginagamit upang mapanatili ang kaisahan sa isang pagtatala
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS - tumutukoy sa pagkakahanay ng ideya o pangyayaring tinalakay
1. Panghalip Panao at Panghalip Pamatlig
2. Paggamit ng mga Salitang naghahayag ng Karagdagan
3. Paggamit ng mga Salitang naghahayag ng Pagsalungat
4. Paggamit ng mga Salitang naghahayag ng bunga ng sinundan
5. Paggamit ng mga Salitang naghahayag ng Pagkakasunod sunod ayon sa Panahon
6. Paggamit ng mga Salitang Magkasingkahulugan at maging ang Pag uulit
DIIN O EMPASIS
 Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisiyon
DIIN SA PAMAMAGITAN NG POSISYON
 Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang pangungusap sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang
set ng mga pahayag. Sa simulaing ito, ang bawat bahagi ay binibigyan ng proporsyonal na diin ayon sa halaga,
laki at ganda at iba pang sukatan.
DIIN AYON SA PAGPAPARES-PARES NG MGA IDEYA
 Ang paglalahad ng mga ideya sa pamamagitan ng pagpapares-pares ng mga ito ay nakapagbibigay ng malinaw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay

BALANGKAS
Ang Pagbabalangkas
 maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal sa pagkakasunod sunod
 pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan
 nagbibigay-hudyat sa paghahati ng mga kaisipan
 nagsisilbing gabay
TATLONG KATEGORYA NG BALANGKAS

• Dibisyon - pinanandaan ng mga Bilang Romano (I,II, III, IV)


• Seksyon - pinanandaan ng malalaking titik ng Alpabeto (A, B,C,D,E...)
• Sub-dibisyon - pinanandaan ng Bilang-Arabiko (1,2,3,4,5,...) (minsan ay may paghahati sa sub-dibisyon na ang
malilit na titik ng alpabeto ang panandan)
URI NG BALANGKAS

1. Paksang balangkas - isinusulat sa salita o parilala ang mga punong kaisipan


2. Pangungusap na balangkas - binubuo ng mahahalagang pangungusap na sadyang bahagi na nga sulatin
3. Patalatang balangkas - binubuo ng grupo ng pangungusap na nagbubuod sa mga gawaing salita.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG BALANGKAS

1. Basahin muna nang pahapyaw ang isang teksto bago magtala ng mga paksa o detalye.
2. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
3. Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.
4. Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
5. Gumamit ng wastong bantas.
6. Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

You might also like