You are on page 1of 24

PARABULA AT

MGA ELEMENTO
NITO
Parabula
• hango sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang
pagtularin.
• Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula
o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa
isang pangyayari na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral.
ELEMENTO NG PARABULA
Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na
hinango sa Banal na Bibliya na maaaring
makapagbigay ng magandang aral sa
mambabasa.
Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang
kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy
sa lugar na pinagdausan ng kuwento,
oras at panahon.
Banghay
•Ito ang paglalahad ng pagkasunud-
sunod ng mga pangyayaring
naganap sa kuwento
Aral o Magandang Kaisipan

•Ito ang matututunan ng isang


mambabasa matapos mabasa ang
isang kuwento.
GRAMATIKA: Pagsasalaysay
at Pang-ugnay
PANG-UGNAY
mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.
Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala,
sugnay at pangungusap gaya ng pangatnig, pang-angkop, at
pang-ukol.
PANGATNIG (Conjunction)

• ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay


ng isang salita o kaisipan sa isa pang
salita o kaisipan sa isang
pangungusap.
PANGATNIG (Conjunction)
• Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.
• HALIMBAWA: o, ni, maging, man
•  Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng
pagsalungat
• HALIMBAWA: Subalit, datapwat, bagama’t
• Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
• HALIMBAWA: gaya ng, kung, kapag, ‘pag sakali
PANGATNIG (Conjunction)
• Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit,
nagsasaaad kadakilaan.
• HALIMBAWA: Sapagkat, dahil  sa, palibahasa
PANG-ANGKOP (Ligature)
• ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa  at
salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap
lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
May dalawang uri ng pang-angkop.
PANG-ANGKOP (Ligature)
• Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag ang unang
salita ay natatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito
isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
• Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita
ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
PANG-UKOL (Preposition)
• ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng
kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang
salita sa pangungusap.
• HALIMBAWA: Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod
sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina
Mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay

• Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang


madagdagan o di - kaya ay mapag-iisa ang
pangyayari o mga impormasyon.
• Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag
ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari
 Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng
isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o
nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa
Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong
gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga
ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat
bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito.
May mga angkop na pangugnay na ginagamit sa pagsasalaysay.
Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang
mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng
nakapaloob sa akdang pampanitikan 
MAHAHALAGANG GAMIT NG PANG-UGNAY O
PANANDANG PANDISKURSO

Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon


 Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa
paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o
pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga
salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa
dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
 Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
 Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad
ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta
maging sa pagpapahayag ng kondisyon kasi. Samantalang
sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-
ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa
bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya,
kaya naman, tuloy at bunga.

You might also like