You are on page 1of 10

PANGNGALAN

VINCENT IAN PERALTA


EDRIAN LEAL
Pangngalan
Ito ay mga salitang tumutukoy sa
ngalan ng …
Uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
• Pantangi
▫ Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa tiyak at
tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain, at pangyayari.
• Pambalana
▫ Ito ay mga balana o pangkaraniwang ngalan
ng mga bagay, tao, pook,, hayop, at pangyayari.
▫ Ang mga pangngalang ito ay di-tiyak o walang
tinutukoy na tiyak o tangi.
Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto
• Tahas
▫ Ito ay mga karaniwang pangngalan na nakikita
at nahahawakan.
• Basal
▫ Ito ay mga pangngalang pangkaraniwan na di
nakikita o nahahawakan pero nadarama,
naiisip, nagugunita o napapangarap.
Kasarian ng Pangngalan
PANLALAKI
 ▫ Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng lalaki.
PAMBABAE
 ▫ Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng babae.
Di-tiyak
 ▫ Pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae.

Walang Kasarian
 ▫ Pangngalang tumutukoy sa bagay na walang
kasarian.
Kailanan ng Pangngalan
• Isahan
▫ Gumagamit ng panandang ang, ng, si, ni, kay, at
pamilang na isa.
• Dalawahan
▫ Gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at
pamilang na dalawa.
• Maramihan
▫ Gumagamit ng mga panandang mga, sina, nina,
kina, o iba pang pamilang na higit sa dalawa.
Kayarian ng Pangngalan
• Payak
▫ Ito ay binubuo na salitang-ugat lamang.
• Maylapi
▫ Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi. Ang mga panlapi ay maaaring nasa unahan,
gitna, o hulihan.
• Inuulit
▫ Ito ay pag-uulit ng salitang-ugat o ng una at ikalawang
pantig ng salitang-ugat.
• Tambalan
▫ Ito ay dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa
lamang.
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
• Ang pangngalan ay nasa kaukulang PALAGYO
kung ito ay ginamit bilang:
▫ Simuno
Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
▫ Pangngalang Pamuno
Ang pamilya ko, ang mahal ko ay ipinagmamalaki
ko.
▫ Kaganapang Pansimuno
Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
▫ Pantawag
Anak, sundin mo ang utos ng iyong mga magulang.
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
• PAARI
ang pangngalan kung may dalawang
magkasunod na pangngalan sa loob ng
pangungusap at ng huli ay nagsasaad ng
pagmamay-ari.

Ang bahay nina Inay at Itay ay konkreto.


Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
• Ang pangngalan ay nasa kaukulang PALAYON
kung ito ay ginamit bilang:
▫ Layon ng Pandiwa
Gumawa ng dampa si Tatay para sa amin.
▫ Layon ng Pang-ukol
Naghahanda para sa kamag-anak ang aming
magulang.

You might also like