You are on page 1of 14

GRAMATIKA AT RETORIKA

➔ Kaayusan at Pagbuo ng Salita sa Pangungusap


➔ Pagpili ng Mabisang salita para sa Pangungusap
➔ Tayutay, Idyoma, Tamang Gamit ng Salita
Gramatika at Retorika
➔ Kaakibat ng pagpili ng mga salita ay ang gramatika upang
maging wasto, malinaw ang mensaheng nais ipaabot ng
nagpapahayag.

➔ Ang gramatika ay may kinalaman sa tungkulin (function) ng
mga salita at ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap

➔ Code switching - ay ang paggamit ng magkakaibang wika sa
loob ng isang pahayag.

➔ Ayon kay Galileo Zafra (2000), “Istrikto ang wika sa
usapin ng code switching. Kung Filipino, Filipino ang
dapat gamitin, kung wala sa leksikong Filipino ay saka
papasok ang panghihiram. Kung nais mag Ingles, Ingles
lang. Hindi maaring 50-50 na hatian o 75-25 kaya”.
Kaayusan ng mga Salita sa Pagbuo ng mga Pangungusap
➔ Paksa/simuno – ang pinag uusapan sa pangungusap.
◆ Halimbawa: Ang mga paring Kastila ay nagmalabis sa
kanilang karapatan.
➔ Panaguri- bahaging naglalarawan sa paksa o simuno.
◆ Halimbawa: Ang mga paring Kastila ay nagmalabis sa
kanilang karapatan.

➔ Dalawang Ayos ng Pangungusap
◆ Ang karaniwang ayos ng pangungusap at binubuo ng panaguri
sa unahan at simuno sa hulihang bahagi. “Maganda ako”.

◆ Ang mga pangungusap sa di-karaniwang ayos ay binubuo ng
simuno sa unahan at panaguri sa hulihang bahagi. “Ako ay
maganda”.
Organisasyon ng Ideya
➔ Planado ang ideya, Naaangkop ang simula, gitna, at
wakas, May pagkasunod-sunod ang istruktura ng mga
pahayag at balangkas
➔ Narito ang mga sumusunod na hakbang sa pagbuo ng
Balangkas:
◆ Una, basahin ng pahapyaw ang paksa bago gawin ang
balangkas.
◆ Pangalawa, balangkasin ang pangunahing kaisipan.
◆ Pangatlo, huwag isama ang impormasyong walang
kinalaman sa paksa.
◆ Pang-apat, higit na mainam na gamitin ang mga
sistematikong balangkas sa mga paksang mahirap
ipahayag.
Pagbili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag
ANTAS NG WIKA
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling
antas-panlipunan siya kabilang

➔ Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap


at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
◆ Pambansa - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng mga paaralan
◆ Pampanitikan - ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat
sa mga akdang pampanitikan

PAMBANSA PAMPANITIKAN

Ina Ilaw ng tahanan

Baliw Nasisiraan ng bait

Magnanakaw Malikot ang kamay


Pagbili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag
➔ Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na
madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.
◆ Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Makikilala rin ito
sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang punto.
◆ Kolokyal - Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan
at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.
◆ Balbal - Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang
mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at
may pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan.

Pambansa Lalawiganin Pambansa Kolokyal Pambansa Balbal

Upo Tabayag Aywan Ewan Matanda Gurang

Kalamansi Kalamunding Tara na Tana Kapatid Utol


TAYUTAY
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
➔ Pagtutulad (Ingles: Simile)
◆ Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,
pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad
ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
● Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
● Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

➔ Pagwawangis (Ingles: Metaphor)
◆ Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang
mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo,
kagaya ng atbp.
● Si Jon ay lumalakad na babae.
● Malakas na lalaki si Ken.
➔ Pagtatao (Ingles: Personification) - Ito ay pagsasalin ng
talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
◆ Ang mga damo ay sumasayaw.
◆ Tumatawa ng malakas ang mga puno.
➔ Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole) - Ito ay lubhang pinalalabis
o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
◆ Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
◆ Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
➔ Pag-uyam(Ingles: Sarcasm/Irony) - Isang tayutay na kung saan
ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
◆ Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa
madumi mong kwarto.
◆ Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga
tagihawat ng mukha mo
➔ PANAWAGAN (APOSTROPHE) - ito ay isang tayutay na may kagyat na pagtutol
sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan
ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing
bagay.
◆ O ibon, maamong sa iyong paglipad, Isakay mo ako sa angkin mong
pakpak.

➔ PADAMDAM (EXCLAMATION) - ito ay isang tayutay na nagmumula sa bulalas


ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin o
isang talata na may gayong pananalita.
◆ “Ayan, ang kabaong na pasan ng tao. Irog, sumama ka at kakilala mo!

➔ PARADOHA (PARADOX) - ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang


pahayag na sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusuing
lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan
◆ “Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay “Kaya kong tumayo’t gumawang
mahusay!” Kung ito’y totoo, siya ay bulaan.
➔ PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE) - ito ay isang tayutay na bumabanggit sa
bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan. Maaring ang
kabuuan naman ay katapat ng isang bahagi.
◆ “Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo 2. Pitumpu’t apat na
buhay ang ibubuwis ko

➔ PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY)- ito ay isang tayutay na ginagamit ang


pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan.
Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkaugnay.
Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan.
◆ “Siya’y laking iskwater,” – basagulero o palaaway
◆ “Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sa
sariling sikap at mga karanasan

➔ PATAMBIS (ANTITHESIS) ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay o ibang


bahagi ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon
◆ “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno, Sa akin ay pawis ang dapat
ibugso; Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo! Binhi hindi bomba!
Pawis hindi dugo!”
➔ Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question) - Mga tanong ito na
hindi nangangailangan ng sagot.
◆ Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at
mamahailin?
◆ Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa
mga sunud-sunod na mga problema natin?

➔ Pag-uulit(Ingles: Alliteration) - Ginagamit nito ang magkatulad na
titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit
sa isang pangungusap.
◆ Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
◆ Masipag maglaba ang mga magulang ko.
IDYOMA
Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa
komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang
pagbibigay kahulugan.

➔ ilaw ng tahanan – ina


➔ haligi ng tahanan – ama
➔ bukas ang palad – matulungin
➔ taingang kawali – nagbibingi-bingihan
➔ buwayang lubog – taksil sa kapwa
➔ malaki ang ulo – mayabang
➔ pantay na ang mga paa – patay na
➔ maitim ang budhi – tuso
➔ kapilas ng buhay – asawa
➔ bahag ang buntot – duwag
Mga Matalinhagang Pananalita
➔ Ang talinhaga ay mula sa mga salitang “talino” at
“hiwaga” na ang ibig sabihin ay isang pahayag na hindi
tahasang ibinibigay ang kahulugan - nakatago o hindi
lantad
➔ Halimbawa
◆ Parang pinag-awayan ng aso’t pusa
◆ Balat-sibuyas
◆ Kulubot na ang balat
◆ Magkibit-balikat
◆ Balimbing
◆ May pakpak ang balita
TAMANG GAMIT NG SALITA

You might also like