You are on page 1of 34

Basahin ang mga sumusunod na mga

salita
simula yakapin
malambing bahag-hari
lutasin balat-sibuyas
kinaumagahan iminungkahi
Sintaksis (palaugnayan) -
mga sistema ng pagsama-
sama o pag-uugnay ng mga
salita upang bumuo ng
pangungusap.
Mga Kayarian ng Salita
1.PAYAK • Binubuo ng
salitang ugat lamang,walang
panlapi,hindi inuulit at
walang katambal na ibang
salita.
Halimbawa:Anim,dilim,presy
o,langis,tubig
.
2.Maylapi-binubuo ng
salitang-ugat at isa o higit
pang panlapi.
May limang paraan ng
paglalapi ng salita:
a.Inuunlapian-ang panlapi ay
nakakabit sa unahan ng salitang –
ugat
Hal:
kasabay,paglikha,madami,mahusay
b.Ginigitlapian-ang panlapi ay
nakasingit sa gitna ng salita.
Hal:Sinasabi,sumahod,tumugon
c.Hulapi-ang panlapi ay nasa
hulihan ng salita
Halimbawa:unahin,sabihin,linis
in,pasukin,lasapin

d.Kabilaan-ang panlapi nasa


unahan at hulihan ng salita
Halimbawa: Pag-isipan,pag-
usapan,kalipunan
e.Laguhan:ang panlapi ay
nasa unahan,hulihan,at sa
loob ng salita
Halimbawa:Pagsumikapan,
ipagsumigawan,magdinuguan
3.Inuulit-ang kabuuan o isa higit pang pantig sa
dakong unahan ay inuulit.
May dalawang uri ng pag-uulit
a.Pag-uulit na Ganap-inuulit ang buong
salitang-ugat
Halimbawa:Araw-araw,sabi-sabi,sama-
sama,gabi-gab
b.Pag-uulit na Parsyal-isang pantig o bahagi
lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:Aangat,tatakbo,aalis-alis,bali-baligta
.

Tambalan-binubuo ng
dalawang salitang
pinagsasama para makabuo
ng isa lamang salita.
Maydalawang Uri ng
Pagtatambal:
a.Malatambalan o Tambalang
Parsyal-
nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal.Ginagamitan
ito ng gitling sa pagitan.
Halimbawa:Bahay-kalakal,habing-
Ilok,balik-bayan
b.Tambalang Ganap-
nakabubuo ng ikatlong
kahulugang iba kaysa sa
kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama
Halimbawa:
Hampaslupa,kapitbahay,bahaghari
PARIRALA-
lipon ng mga salitang walang buong diwa.
•hindi nagsisimula sa malaking titik
•walang bantas
•hindi kumpleto ang diwa
URI NG PARIRALA

Pariralang Pang-ukol
Pariralang Pawatas
Parirala sa Pangngalan-diwa
Pariralang Pandiwa
Pariralang Pang-uri
Pariralang Pang-abay
PARIRALANG PANG-UKOL

Ito ay pinangungunahan ng mga


pang-ukol na na, sa, ng, para kay,
para sa, alinsunod kay, alinsunod sa,
hinggil kay, hinggil sa at layon na
maaaring pangngalan o panghalip.
HALIMBAWA
Sa pook
Hinggil sa bayan
Alinsunod sa utos
Para sa bata
PARIRALANG PAWATAS
Ito ay binubuo ng pawatas ng
pandiwa at layon o panuring nito.
HALIMBAWA
Umiwas sa bayan
Umibig sa bansa
Manghabol sa bata
PARIRALA SA
PANGNGALANG-DIWA

PANDIWA nagdusa
PINAGHANGUAN magdusa
PANGNGALANG DIWA pagdurusa
s
PARIRALANG PANDIWA

 nag-araro sa sakahan
 nagwalis sa silid
 guguhit ng larawan
 naglako ng dyaryo
Pariralang Pang-uri
Ang parirala ay ginagamit upang
mag-bigay turing sa pangngalan
o panghalip.

Halimbawa: Si Bianca ay isang babaeng may


kalukuhan.
Si Maria ang maganda.
Hinahangaan ang magaling
Pariralang Pang-abay
ang parirala ay sumasagot sa tanong na
saan at kailan
Halimbawa: pupunta sa parke.
tumakbo nang mabilis
lumisan kaninang hapon
GAMIT NG PARIRALA
PARIRALANG PANGNGALAN
Ito ay ginagamit bilang paksa at kaganapang
pansimuno.
Bilang paksa
Hal. Ang maglinis ng bahay ay kanyang hilig.
Kaganapang pansimuno
Hal. Ang medalya ay para sa iyo.
PARIRALA SA PANG-URING GAMIT

Ito ay ginagamit bilang panuring ng


pangngalan.

Hal. Ang Underground River sa


Palawan ay isang
napakamagandang tanawin sa ating
bansa.
PARIRALA SA PANG-ABAY NA
GAMIT
Ito ay ginagamit bilang panuring ng pandiwa,
pang-uri at pang-abay
SUGNAY
Pangkat ng mga salita na may simuno at
panaguri
Maaring makapag-iisa
Maaaring di-makapag-iisa
Madaling matukoy kung nasa pangungusap
URI NG SUGNAY
Sugnay na makapag-iisa
-makapag-iisa ang sugnay kung sa loob ng
pangungusap ay nabuo itong may simuno at
panaguri at buo ang diwa.
-maari itong gawing buong pangungusap kung alisin
sa pangungusap at lalagyan ng bantas.
Halimbawa;
Binubuhay nilang muli ang kagubatan dahil
kailangan nila ito.
Kung iisipin lang ng naato ang kapwa nila
maiiwasan ang pagiging sakim.
Humiram si Kris ng lapis para sa
pagbuo ng tula.
Sugnay na di makapag-iisa

-Hindi makapag-iisa ang sugnay kung ito ay


pinangungunahan ng pangatnig.
-may paksa at panaguri ngunit hindi buo ang
kaisipang ipinahahayag.
Halimbawa:
Kung iisipin lang ng tao ang kapwa nila
Dahil kailangan nila ito
Kaya hindi ako nakapasok
GAMIT NG SUGNAY
PANGNGALAN

Ang sugnay na di-makapag-iisa ay


nasa pangngalang gamit kapag paksa
ng pangungusap.
Halimbawa: Hindi ko alam kung bakit sila
nawawala.
PANG-URI
Pang-uri ang sugnay kapag ang sugnay
na di-makapag-iisa ay panuring ng
pangngalan na pinangungunahan ng
panghalip na pamanggit nan a, -ng,
kung matutumbasan sa Ingles ng mga
salitang “who, which and that”.

Halimbawa: Ang lalaking dumalaw sa


kanila ay kasintahan ni Kris.
PANG-ABAY

Nagiging pang-abay ang sugnay


kapag ang sugnay na di-makapag-
iisa ay panuring ng pandiwa, pang-
uri o pang-abay.

Halimbawa: Sila ay aalis bukas kung


nakabili na sila ng tiket.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1:Sumulat ng tig- iisang
halimbawa gamit ang kayarian ng salita.
Pangkat 2:Gumawa ng dalawang
pangungusap at tukuyin ang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di makapag-
iisa.
PANUTO:Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa
at bilugan naman ang sugnay na di makapag-iisa.
1.Sarili lang nila ang kanilang inintindi,sapagkat sila’y
sakim.
2.Yumayaman sila, dahil sa iligal ang kanilang
hanapbuhay.
3.Dahil marunong at wastong gumamit ang mga
tao,hindi nauubos ang ating kailangan sa gubat.
4.Pinapakain nila ang kanilang pamilya sa maling
paraan,kaya kasama sila sa karma.
5.Nag-aaral sila nang mabuti,dahil gusto nilang
makapagtapos.

You might also like