You are on page 1of 22

1.

Panitikan: Parabula
Akda: Alibughang Anak
Grammatika: Salaysay, Kayarian ng Salita

Ano ang Parabula?


Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya
ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat.

Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga aral na
mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang pamumuhay.
Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag.
Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao
o sa paligid.

Mga Halimbawa ng Parabula

1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)


2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)

Ang Alibughang Anak


May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng
bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay
na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya
agad ito makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at
nagtungo sa malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang
kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang
taggutom sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang
tagapag-alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati
pagkain ng mga baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa
kanya ng kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa
nito ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang
makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at


halik ang nagbalik na anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na
ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong
mga alila," sabi ng anak sa ama.
Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng
pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling
singsing, at binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din
siya ng isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang
pagdiriwang.

"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang


kanyang pagbabalik," ang sabi ng nagagalak na ama.
Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang
tahanan. Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang.
Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang
galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.

"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay


hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang
alibugha ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo
nang malaki at magdiriwang!"

Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang
lahat ng akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong
namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita."
Salaysay
- ay isang akdang nagsasalaysay. Ito ay isang paraan upang pagpapahayag
na nagkukwento. isang uri ng pagsusulat kung saan ang layunin ay
magpaliwanag, magbigaykaalaman, o maglarawan
- Isang paraan ng pagpapahatag ng nagkukuwento ang pagsasalaysay
- Nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring
pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan
- Ito ay may simula, gitna at wakas.

Kayarian ng Salita

1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi


inuulit, at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa:
Anim, dilim, presyo, langis, tubig

2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May


limang paraan ng paglalapi ng salita:

a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat


Halimbawa:
Kasabay- paglikha, marami
b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa:
Sinasabi, sumahod, tumugon
c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita
Halimbawa:
Unahin, sabihin, linisan
d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa:
Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita
Halimbawa:
Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan
3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay
inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit:

a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat


Halimbawa:
Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama
b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:
Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo


ng isa lamang salita.
May dalawang uri ng Pagtatambal:

a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng


dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan
Halimbawa:
Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa
kahulugang iba kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama
Halimbawa:
Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang


Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos
walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan
nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba
pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita.

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita


bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang
salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
2.
Panitikan: Awit, Elehiya at Iba Pang Tulang Pandamdamin
Akda: Mahatma Gandhi
Grammatika: Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Awit, Elehiya, at Iba Pang Tulang Pandamdamin

Ang awit (dalitsuyo) bilang isang tulang liriko o pandamdamin ay


may paksang nauukol sa matimyas napagmamahal, pagmamalasakit, at
pamimighati ng isang mangingibig. Halimbawa nito ang awit o Kundiman
nanahihinggil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa paniningalang-pugad ng
mga binata. Madalas ang himig ngawit ay malungkot at mapanglawa.
Halimbawa nito ay ang tulang “Kay Selya” ni Francisco Baltazar.
Ang Elehiya (dalitlumbay) naman ay tulang may dalawang katangiang
pagkakakinlanlan. Una, ito ay isang tulang pananangis, lalo na sa pag-alala sa
isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni.Batay
sa uri ng paksa, ang elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng
damdamin kaysa sa ibang estilo ngpanulaan. Ang isang halimbawa nito ay ang
“Isang Punongkahoy” na sinulat ni Jose Corazon de Jesus bago siyamamatay.

Bukod sa dalawang nabanggit ay may iba pang uri ng tulang


pandamdamin at ito ay ang sumusunod:

Ang pastoral (dalitbukid) na ang tunay na layunin ay maglarawan ng


tunay na buhay sa bukid. Ang ganitonguri ng pamumuhay ang karaniwang
kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Isang halimbawa nito ay ang
“BahayKubo” na isinulat ni Victor S. Fernandez.
Ang oda (dalitpuri) na sa makabagong panulaan ay isang uri ng tulang
liriko na may kaisipan at estilong higitna dakila at marangal. Wala itong tiyak
na bilang ng pantig o kaya’y tiyak na bilang ng mga taludtod sa
isangtaludturan. Isang magandang halimbawa nito ay ang tulang
“Manggagawa” na sinulat ni Jose Corazon de Jesus.
Ang dalit (dalisamba) naman ay isang maikling awit na pumupuri sa
Dios. Ito ay isang maikling tulang lirikona nilikhang may aliw-iw ng awit
subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na maydalawa,
tatlo o kaya apat na taludturan, may apat na taludtod bawat isa.
Ang soneto (dalitwari) ay tulang may labing apat na taludtod.
Karaniwang ang unang walong taludtod aynagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtatala sa
malalim nakahulugan ng buhay at kalikasan. Ang sumusunod
namang mga saknong ay nagsasaad ng katuturan atkahalagahan ng
sinasabi ng walong unang taludtod. At ang huling taludturan naman ang
siyang pumapawi saisinasaad ng sinundang taludtod. Mahalagang
malamang ang isang soneto ay hindi basta lamang tula nabinubuo ng
labing–apat na taludtod sa halip ito ay naghahatid ng aral sa mga bumabasa.
Isang halimbawa nitoay ang tulang sinulat ni Jose Villa Panganiban na may
pamagat na “Buhay at Kamatayan.”

Alam mo ba?
Si Mohandas K. Gandhi ay isang dakilang guro, isang idealista,
at praktikal na tao. Siya ay higit na kilala sa pangalang “Mahatma” na hango
sa wikang Sanskrit na ang ibig sabihin ay “Dakilang Kaluluwa” o
“Dakilang Nilalang.” Binigyang-diin niya ang pagmamahal sa sandaigdigan at
paggamit ng mapayapang paraan sa paglutas ng mga suliraning pambansa at
pandaigdig man. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 2, 1862 sa Porbandar,
India. Ang kanyang ama ay si Karamchand Gandhi at ang kanyang ina ay si
Putlibai. Ang kanyang ina ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kanya.
Si Putlibai ay isang mapagmahal na ina. Itinuro niya sa kanyang mga anak
ang malaking kahalagahan ng pagdidisiplina sa sarili, ang di-karahasan, at ng
pagiging tapat.
Si Mohandas K. Gandhi ay nagsumikap na sundin ang landas ng katotohanan
kahit noong siya’y bata pa. Minsan, bumisita ang Education Inspector sa
kanilang paaralan at nang napansin ng kanyang guro na mali ang
pagkabaybay niya ng salitang kettle ay tila sinenyasan siyang kumopya
sa kanyang katabi upang maging perpekto ang record ng klase. Hindi niya
ito ginawa.
Noong siya’y labin tatlong taong gulang pa lamang, ikinasal siya kay Kasturbai
na labintatlong gulangdin, ayon sa kaugaliang Hindu. Nanirahan sila sa bahay
nina Gandhi. Nagpatuloy pa rin si Mohandas ng pag-aaral at hinangad niyang
maturuan ang kanyang asawa.

Mahatma Gadhi
Amado V. Hernandez
Ang paglilider mo’y namumukod-tangi
Pulos halimbawa’t walang talumpati;
Iyong inaakay ang buo mong lahi
Sa paghihimagsik na may ibang uri.

Wala kayong armas na gamit sa laban


Kundi boykoteo ng dayong kalakal;
Kung wala nang damo’y lilipad ang balang,
Kung wala nang ginto’y lalayas ang dayuhan!

Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,


Unang tinupad sa sinasalita;
Nagubad ng telang sa Londres nalikha,
Naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.

Walang automobile, walang sulat hiyas,


Wala kang palasyo’t salaping inimbak,
Walang katungkulan ang sahog ay limpak
Pagkamakabaya’y sakripisyong lahat.

Namulat ang India… daling iwinaksiang


diwang alipin…nais magsarili…
Ang Britanya’y tila di makatanggi…
Tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!
Mapalad ang India’t may Mahatma…

Ikaw,
Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
At ang katutubo’y kuskusan ng paa!
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng
Damdamin
Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais
bigyang-diin o pangibabawin upang higit na maipahayag ang kaisipan o bagay
na nais maiparating. Sa ganitong sitwasyon ay mahalagang matutuhan kung
paano mapasisidhi ang pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga
kataga o pahayag.
Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing
damdamin.
1. Sa papamagitan ng pag-uulit ng pang-uri
Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling
wika
Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka-at kay-,


pinaka, ka-an upang mapasidhio maipakita ang pasukdol na katangian ng
pang-uri.
Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumisita sa bansa.
Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan s palatuntuna.
Kapita-pitagan ang mga Pilipinong gumagamit ng sariling wika.

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod,


hari, sakdal, tunay, lubhang, at ngpinagsamang walang at kasing upang
mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Walang kasingsarap sa pandinig ang wikang Filipino.
Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.
Ubod ng lakas ang plakpak na natanggap niya mula sa manonood.

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


Paggamit ng panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
Masipag Magpakasipag
magsanay magpakasanay
Paggamit ng panlaping mag-at pag-uulit ng unang pantig ng salitang –ugat
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsalita magsasalita
magtanong magtatanong

Pagpapalit ng panlaping-um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit


sa unang pantig
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
bumili magbibilihan
gumawa magagawaan

Pagpapalit ng panlaping –u sa panlaping magpaka-


Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
tumalino magpakatalino
humusay magpakahusay

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya


ng…
Padamdam- Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
Sugod!
Kay hirap ng buhay!
Laban!
Ang tapang!

Maikling Sambitla- ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin


o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Naku!
Ara!
Grabe!
Ay
3.
Panitikan: (Uri ng) Maikling Kuwento
Akda: Sino ang Nagkaloob?
Grammatika: Panandang Pandiskurso

Maikling Kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang


mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan.

Iba pang Uri ng Maikling Kuwento


1. Kuwento ng Pakikipagsapalaran - sa ganitong uri ng kuwento, ang
pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan
2. Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang pangyayari ay sadyang
kapuna-puna, makabuluhan at agbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.
3. Kuwentong Talino - sa ganitong uri ng kuwento ang pang-akit ay wala sa
tauhan o sa tagpuan kundi sa mahusay na pagkakabuo ng balangkas. Ito ay
pnumpuno ng suliraning dapat lutasin na hahamon sa katalinuhan ng babasa.
Ang ganitong uri ng kuwento ay karaniwang walang tiyak na katapusan.
4. Kuwentong Sikolohiko - ang ganitong uri ng kuwento ang pinakamahirap
sulatin sapagkat sinisikap nitong pasukin ang kasulok-sulukang pag-
iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
5. Apologo - ang layunin ng kuwentong ito ay hindi lumilibang sa
mga
mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
6. Kuwentong Pangkaisipan - sa ganitong uri ng kuwento, ang
pinakamahalaga ay ang paksa,
diwa, at kaisipan ng kuwento.
7. Kuwentong Pangkatauhan - ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay
ang katauhan ng pangunahing tauhan.
Sino ang Nagkaloob?
Mula sa salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-salaysay ni Ahmed Basheer
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas
Isang mayabang na hari at may pitong anak na dalagang may
nakasisilaw na kagandahan at busilak na kawalang-malay. Mahal na mahal
niya ang kanyang mga anak, lalo na ang pinakabata. Hindi lamang iyon ang
pinakamaganda sa lahat kundi siya ring pinakamahusay magluto sa buong
kaharian. Tuwing umaga, bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong
niya ang kanyang mga anak, “Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang
nagkakaloob ng lahat ng inyong kinakain?” Anim sa kanila ang dagling
sumasagot, “Amang hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain.” Ngunit
ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa.
Sabi nito, “Ama, Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat
ng ating kinakain, kinukuha natin sa Kanya.”
Ang sagot na ito’y ikinagalit pa lalo ng hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon,
at inutusan nito ang isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng
gubat.
Habang ang dalaga’y nakaupo sa gubat, at malungkot na pinag-iisipan
ang kanyang kasawian, siya’ynakatulog. Kinaumagahan ay nagising siya sa
malamig at malamyos na himig ng isang plawta. Dumilat siya at nakita ang
isang binatang tumutugtog ng plawta.
Nang tanungin ng prinsesa ang lalaki kung paano itong
napunta sa gubat, sumagot ang lalaki, “Pinapastulan ko po ang mga
kalabaw ng aking amo, at kahapo’y nawalan ako ng isa. Kaya natatakot akong
umuwi, at lagi kong tinutugtog ang aking plawta para maakit bumalik ang
nawawalang kalabaw. Pero kayo, magandang prinsesa, paano kayong napunta
rito sa gubat?”
Ang sagot ng prinsesa, “Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging
katulong ko, at magkasama tayong hahanap ng matitirhan.”
Pumayag ang binata at sila’y naglakbay patungo sa silangan. Maghapon
silang naglakbay nang gutom at uhaw. Nang humahaba na ang mga anino at
lumalamig na ang hangin, sila’y dumating sa mga pader ng isang siyudad.
Ang sabi ng prinsesa, “Pumasok ka sa siyudad at hanapin doon ang
pinakamayamang mag-aalahas. Sabihin sa kanyang isang prinsesa ang
naghihintay sa kanya sa labas ng pader.”
Madaling nakabalik ang lalaki, kasama ng pinakamayamang mag-
aalahas ng siyudad. Bilang kapalit ng kaakit-akit na kuwintas na may
pambihira at napakamamahaling mga bato, ibinigay ng mag-aalahas ang lahat
ng hiniling ng prinsesa-isang kabayong may montura (saddle) para sa kanya,
salapi, at para sa binata ay isang barong angkop sa isang katulong ng
maharlika.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang prinsesa at ang binata. Sa wakas,
dumating sila sa isang lugar na nagustuhan nila, at ang prinsesa’y
nagpasiyang magpatayo roon ng sarili niyang munting palasyo. Tinuruan din
niya ang hamak na pastol ng kalabaw ng tungkol sa mga sining ng
pakikipaglaban at ng kapayapaan.
Isang araw, habang sila’y namamasyal, sinabi ng prinsesa sa binata,
“Pakikuha mo ako ng kaunting inumin at ako’y mamamatay na sa uhaw.”
Ang binata’y agad naghanap ng tubig. At dahil Diyos ang nagkakaloob,
ay madaling nakakita ang binate ng isang batis ng malamig na tubig. Pinuno
niya ang isang tasa at paalis na siya nang makakita ng magaganda’t
nagkikislapang mga rubi na nasa ilalim ng tubig. Pumulot siya ng ilan at inipit
ang mga iyon sa mga lupi ng kanyang turban.
Pagkaraan ng isang buwan at kalahati, ang palasyo’y yari na, at ang
prinsesa at ang kanyang katulong ay lumipat na roon. Madalas kunin ng lalaki
sa kanyang turban ang mga rubi at pinaglalaruan niya ang mga ito. Isang
araw, naisip niya kung susundan niya ang batis, maaaring makita niya ang
pinagmumulan ng gayong kagagandang hiyas.
Inihatid siyang palayo nang palayo ng batis sa silangan, hanggang
matagpuan niya ang sariling nakatayo sa tapat ng pader ng isang malaking
palasyo. Ang batis ay umaagos sa ilalim ng pader. Gumapang siyang papasok
at naglibot-libot doon. Tila walang tao sa palasyo. Sa wakas, nabuksan niya
ang isang tarangkahan patungo sa isang patyo sa loob na inaagusan ng batis
ding iyon. At doon sa tabi ng batis ay nakalagay ang ulo ng isang magandang
babae, may dugong pumapatak mula roon. Ang mga patak ng dugo ay nagiging
mga
rubing kumikislap pagbagsak sa tubig. Sa di-kalayuan, nakabuwal ang walang
ulong katawan ng babae.
Tumakbo siyang palayo ngunit natalisod siya sa isang makapal na
tablang nakabuwal sa lupa. Biglang-bigla, lumipad ang putol na ulo at muling
umugnay sa katawan, at ang babae ay muling nabuhay.
Naaawang tinignan ng babae ang natakot na binata at sinabi, “Binata,
anong kapalaran ang nagdala sa iyo rito? Tumakbo ka para makaligtas,
kundi’y aabutan ka rito ng genie at lulurayin ka niya.”
Naglakas-loob ang binata at nagtanong ito, “Sino ka?”
“Ako’y anak ng Hari ng mga Diwata,” sagot ng babae. “Ang pangalan ko’y
Lai Pari, o Pulang Diwata. Ibig akong mapangasawa ng genie na may-ari ng
palasyong ito, pero galit ako sa kanya. Kaya ikinulong niya ako rito. Tuwing
umaga, bago siya umalis para maghanap ng makakain, inilalagay niya ako sa
mahiwagang tablang ito at ang ulo ko’y natatanggal. At pagbalik niya sa gabi,
binubuhay niya akong muli. Nadidinig kong dumarating na siya. Dali, ibalik
mo sa dati ang tabla para mamatay akong muli, at magtago ka’t galit iyon.”
Sinunod ng binata ang utos ng Pulang Diwata, at katatago pa lamang
niya nang mabilis na pumasok ang na genie, “Nakakaamoy ako ng tao!
Nakakaamoy ako ng tao!”
Mabilis na binuhay ng genie ang babae at winika, “Nakaaamoy ako ng
tao at ako’y gutom na gutom. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tao para
makain ko siya.” Ngunit nagmaang-maangan ang Pulang Diwata. Kaya muli
siyang pinatay ng genie at ito’y nagpatuloy sa pangangaso.
Pagkaalis ng genie, pagapang na lumabas mula sa pinagtataguan ang
binata at muli niyang binuhay ang babae sa pamamagitan ng mahiwagang
tabla. Nagplano sila ng pagtakas. Sinabi sa kanya ng Pulang Diwata na
pumanaog siya sa isang munting kuwartong madilim, na katatagpuan niya ng
isang loro sa isang gintong hawla. “Pag nangangaso ang genie, iniiwan niya ang
kanyang kaluluwa sa lorong iyon, at kung wala siyang kaluluwa, mamamatay
siya,” paliwanag niya. “Dali, dalhin mo sa akin ang loro.”
Kadadala pa lang ng binata ng loro nang biglang ang mundo’y waring
niyaning ng kulog at bagyo. Sa pagsumbat ng usok ay lumitaw ang genei, na
halos mabaliw sa galit.Tiyak na papatayin niya ang dalawa. Ngunit mabilis na
kinuha ng Pulang Diwata ang loro mula sa hawla at sinakal ang ibon.
Pagdaka’y bumagsak sa lupa ang genei, at namatay na parang bato.
Nakatakas ang dalawa mula sa palasyo ng genie, dala-dala ang
mahiwagang tabla. Isinama ng binata sa pag-uwi ang Pulang Diwata.
Masiglang tinanggap ng prinsesa ang diwata, at madaling naging
parang magkapatid ang dalawang babae. Tuwing gabi, nahihiga sa
mahiwagang tabla ang Pulang Diwata, ang kanyang ulo’y natatanggal sa
kanyang katawan, at ang dugo’y nabubuong bunton ng kumikinang na mga
rubing walang
kapantay sa kaagandahan. Tuwing umaga, ginagalaw ng prinsesa at ng binata
ang tabla, at ang Pulang Diwata ay muling nabubuhay.
Pagkaraan ng ilang panahon, nagpasiya ang Pulang Diwata na
umalis para sa isang mahabang paglalakbay. Gayunman, bago umalis,
nagtayo siya ng isang bagong palasyo para sa prinsesa sa tulong ng
mahiwagang tabla, at inanyayahan nila ang maraming panauhin sa
malaking handaan sa bagong palasyo. Kabilang sa mga panauhin ay ang
amang hari ng prinsesa. Ang prinsesa mismo ang nagluto ng mga paboritong
pagkain ng hari para sa handaang iyon.
Nang makaupo na ang mga panauhin para sa handaan, ang hari’y
napaiyak, ang mga luha’y gumugulong sa kanyang balbas. Ang lasa ng
masarap na pagkain ay nagpagunita sa kanya ng anak na dalagang noong
nagdaang panahon ay nagluluto ng gayong pagkain para sa kanya.
Kaydalas niyang pagsisihan ang pagpapalayas sa anak, at kaydalas niyang
hanapin iyon sa kagubatan ngunit hindi siya nagtagumpay.
Tinanong ng Pulang Diwata ang hari kung ano ang dahilan ng
kalungkutan nito. Sinabi ng hari kung ano ang nangyari. Nagtanong ang
diwata, “Pero mahal pa po ba ninyo ang inyong anak?”
Ang sabi ng hari, “Oo, ang tanging hiling ko lamang ay makita siya bago
ako mamatay.”
Bilang sagot, pumalakpak ang Pulang Diwata, at hayun! Sa harap ng
hari ay nakatayo ang prinsesa, ang nawalang anak na dalagang ngayo’y nasa
hustong gulang na, hindi ikapito o pinakabata sa katalinuhan.
Nagyakap at napaiyak ang dalawa. Sa wakas, lumuhod ang prinsesa at
nagwika, “O, Ama kong Hari, hindi po ba ang Diyos na mabait, ang Diyos na
mahabagin, ang siyang nagkakaloob ng lahat ng bagay? Tingnan ninyo kung
paanong ibinigay Niya sa akin ang palasyong ito at ang malaking
kayamanang mga rubi, samantalang hindi man lamang ninyo matagpuan
ang isang nawawalang anak.”
Napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali. “Oo,” sabi niya, “Ang
Diyos ang tunay na nagkakaloob ng lahat.” At ang hari at ang kanyang anak ay
nabuhay na maligaya mula noon.
Panandang Pandiskurso
Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag ang
paggamit ng panandang pandiskurso. Maaaring ang pananda ay
maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay
maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Ginagamit din ang
mga ito upang ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay-
halimbawa, opinyon, at paglalahat.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga panandang pandiskurso.


1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
bandang huli.
nang sumunod na araw
sa dakong huli
pagkatapos

2. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso.


a. Pagbabagong-lahad
kung tutuosin
sa ibang salita
sa ganang akin
kung iisipin
b. Pagtitiyak
kagaya ng
tulad ng
c. Paghahalimbawa
halimbawa
isang magandang halimbawa ay
sa pamamagitan
d. Paglalahat
sa madaling sabi
bilang paglalahat
bilang pagtatapos
e. Pagbibigay-pokus
pansinin na
bigyang-pansin ang
tungkol sa
f. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
ang sumunod
ang katapusan
una

3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda


kung ako ang tatanungin
sa tingin ko
bagaman
sa aking palagay
kaya lamang
4.
Panitikan: Alamat
Akda: Ang Alamat ni Prinsesa Manorah
Grammatika: Etimolohiya

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan.

Alamat ni Prinsesa Manorah


Salin ni Dr. Romulo N. Peralta

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.


Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon
mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama
V ng Thailand. Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at
ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang
Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa
maalamat na kaharian ng Bundok Grairat.
Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at
kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at
nagagawang itago ang kani-kanilang
pakpak kung kanilang nanaisin.

Sa loob ng kahariang Krairat


(Grairat), nakatago ang kagubatan ng
Himmapan kung saan din namamahay ang
mga nakatatakot na nilalang na hindi
kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng
kagubatan, nakakubli ang maganda at
kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong
kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na
sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan).
Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng
kaniyang meditasyon.

Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa


kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong
kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa
nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung
mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak
ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa
ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa
sarili kung paano niya ito mahuhuli.

Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na


kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi
sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-
agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang
dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring
makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at
nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon.

Hindi natuwa ang


dragon nang marinig ang
balak ni Prahnbun, ngunit
napapayag din itong
bigyan niya si Prahnbun
ng makapangyarihang
lubid na siyang
ipanghuhuli niya sa
Prinsesa Manorah.
Nagpasalamat ang binata
at patakbong umalis na
dala-dala ang
makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang
mga kinnaree.

Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang


lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang
pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa
kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.

Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah


upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at
maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo
papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa
Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang
prinsipe.

Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit
niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at
binayaran siya nito ng napakalaking halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si
Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay
na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa
kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong
pangyayari, masayang-masaya sila at agadagad nagbalak
na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at
Prisesa Manorah.

Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan


isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t
matiwasay habambuhay.

Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa


pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend sa wikang Ingles ay
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o katawagan
na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.

Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng


mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang
salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at
“legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.”

Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang


sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.

Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang


impormasyong magpapayabong pa sa iyong kaalaman at pinag-aaralan ukol
sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa.

Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?


Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na
kasanayan, o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo,
iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa.
Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal.

Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng


isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng isang
gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang
lugar.

Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano


siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o
binibigyang-buhay.

Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang


kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan
ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung paano tatanggapin ng
mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito.

Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag

1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari na


may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan o
patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan,
ayon sa, at iba pa.

Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen
sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na
inaangkat ng bansa ay makatutulong sa kasalukuyang
krisispangkalusugan.
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung
bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o katuwiran.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-
aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko,
sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.

Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.

Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang


pinagmulan o etimolohiya upang magamit ito nang wasto at naaayon sa
sitwasyon.

Ano ang etimolohiya?

Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng


mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas
ng panahon.

Paraan ng Pinagmulan ng Salita

• Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng


pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita.

Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin


Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na
mababait at masisipag.

• Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.
Halimbawa: Apir – Up here
Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito
sa kaniyang mga kapatid.

• Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa


ugat ng salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na
ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at
istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita na
nagbago ang kahulugan.

Halimbawa: obrero o manggagawa – obra


Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi
ipinagkaloob ng pamahalaan ang dagdag sahod
nilang hinihingi.

• Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog.

Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak


Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa
kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig.
\

You might also like