You are on page 1of 1

Ang Aking Natutunan sa Sibika.

Matapos ang aking pag-aral ng mga kontemporaryong isyu na kinahaharap ng


mga Pilipino. Nalaman ko ang kahalagaan ng karapatan sa bawat linalang. Ilan dito ang
same-sex marriage, abortion, atbp. Natutunan ko rin ang iba’t-ibang suliranin katulad ng
unemployment, climate change, at ang patriarchy. At nalaman ko rin ang mga ideya na
maaring magpaganda sa ating lipunan. Isa na dito ang globalisasyon. Marami akong
natutunan na maganda sa pag-aral ko ng mga kontemporaryong isyu, pero para saakin
ang pinaka-mahalaga kong natutunan o ang pinaka-tumatak sa aking isipan ay ang
kaparaan kung paano gumawa ng argumento at kung paano ang kritikal na pag-iisip at
ang tamang pag-suri sa mga iba’t-ibang isyu.

Ang dahilan kung bakit tayo ay nag-aaral ng kontemporaryong isyu ay para


malaman natin kung gaano ka-importante ang mga tao. Pag-nalaman na natin kung
gaano ka-importante ang mga tao, malalaman natin kung ano ang dapat gawin para sa
isyu na kinahaharap. Dahil natutunan ko rin ang tamang pag-suri, nalaman ko rin ang
mga maling ginagawa mali nang ating gobyerno, lalo na kapag linabag nila ang
karapatan ng mga tao. Dahil rin dito nalaman ko ang tamang pag-suri ng mga batas at
kung ano ang mga mali sa kanila. Isa pa sa pinaka-mahalaga kong natutunan sa pag-
aaral ng kontemporaryong isyu ang kahalagaan ng edukasyon at kung paano ako
matutulungan nito sa aking paglaki at sa kinabukasan. Nagpapasalamat ako sa pag-aral
ng kontemporaryong isyu dahil kung wala ito, hindi ko malalaman kung ano ang mga
iba’t-ibang solusyon sa mga ito. Hindi ko rin malalaman ang mga kabuluhan na
nangyayari sa atin bansa. Kaya naman ang pag-aral nito ay napakahalga para saakin.

Kapag nag-aral ka ng mga kontemporayong isyu, marami kang matutunan na


maganda. Marami ka rin maiintindihan na mga mahahalaga na aralin. Ako ay tila nag-
papasalamat sa aking guro na si Ms. Macy dahil kahit na makulit kami ng 10-b,
napaintindi niya parin saamin ang iba’t-ibang konsepto at ang kahalagaan ng
kontemporaryong mga isyu. Iilan lang ito sa pinaka-mahalaga na aking natutunan. At
inaasahan kong mas-matuto pa sa sunod na pag-aral ko ng kontemporaryong mga isyu.

You might also like