You are on page 1of 4

KONTEMPORARYONG ISYU

KABANATA 1

KAHULUGAN NG SALITA

Ang kontemporaryong isyu ay ang mga paksang kasalukuyang tinatalakay at


binibigyang-pansin ng publiko. Ito ay akma sa panahon at kadalasang laganap sa
mga balita at usapan sapagkat naaapektuhan ang karamihan ng mamamayan ng
isang bansa, rehiyon, o ng buong sanlibutan. Ang salitang contemporary ay mula sa
salitang Latin na contemporarus. com na ang kahulugan ay "Kasama" at temporarius
na nangangahulugang "panahon" samantala, ang isyu ay "mga bagay na may
kinalaman sa madla."

NEWS ARTICLE

WIKANG PAMBANSA VS. KOLONYAL EDUKASYON

Pinagtibay kamakailan ng Korte Suprema ang Commission on Higher Education


(CHEd) Memorandum 20 (CMO 20) na nagtatanggal sa wikang Filipino bilang isa sa
mga batayang sabdyek na kailangang kunin sa kolehiyo. Sa kabila ito ng paghahain
ng temporary restraining order (TRO) ng grupong Tanggol Wika noong nakaraang
taon laban sa implementasyon nito.

Kung titingnan, hindi na bago sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ang


pangangailangang patuloy na igiit ang wastong lugar nito sa sistema ng edukasyon.
Bagamat malinaw na pinagtitibay sa Konstitusyong 1987 ang paggamit at
pagpapatatag sa wikang Filipino sa mga paaralan, mauugat sa mahabang
kasaysayan ng kolonyal na edukasyon sa bansa ang patuloy na pagsasawalang
bahala rito habang sa kabilang banda nama’y patuloy na binabantayog ang wikang
Ingles.
Ang pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon ang sagot para sa isang
bansang may mahabang kasaysayan ng kolonyalismo at pangangayupapa sa
dayuhang interes. Ani nga ni Constantino sa kanyang sanaysay tungkol sa
makabayang edukasyon, “Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain
ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake
at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing
layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at
nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng
layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kanikanilang mga sarili.”

Sa bagay na ito, wikang Filipino ang magsisilbing pinakaepektibong daluyan ng mga


makabayang damdami’t adhikain ng isang bansang matagal na panahong alila ng
dayuhang kaisipa’t interes.

BUOD

Ang Kontemporaryong isyu ay nakatuon sa mga tanong na replektibo. Ang mga


impormasyong kaugnay nito ay makukuha sa iba't ibang sanggunian gaya ng mga
aklat, pahayagan, internet, at iba pang uri ng midya. Mayroon itong dalawang
mukha ang personal at ang pambubliko. Ang bahaging personal ay ukol sa epkto ng
isyu sa pamumuhay ng isang tao dulot ng kanyang karanasan at paniniwala ukol sa
lipunan, sa politika, at sa ekonomiya. Ang sidhi ng epekto ng isyu sa isang tao ay
nakabatay rito at sa kanyang pagtugon sa talakayan. Sa kanyang pagtugon,
naibabahagi niya ang kanyang pananaw. Ito ang magpapalutang ng mga tanong
na magbibigay-liwanag sa kanyang sariling mga tanong. Sa proseso ng pagkuha ng
impormasyon, nagiging pampubliko ang isyu kapag may pagbabahaginan na ng
ideya at pananaw batay sa iba-ibang karanasan. Matapos ang talakayan, masusuri
ang sariling pananaw at mapag-iisipan ang implikasyon ng mga desisyong maaring
makaapekto sa mas maraming tao. Ang mga kontemporaryong isyu ay pambubliko.
May epekto ito sa lahat ngunit ang pagbabago at direksiyon ng pagbabago ay
nakadepende sa pakikibahagi ng madla. Kaya mahalaga ang isang mabungang
talakayan ukol dito.
REFLECTION

Ang Kontemporaryong Isyu

Ay mga usaping mainit na tinatalakay hindi lang ng mga lider ng bansa kundi pati na

rin ang mga ordinaryong tao. Mahalaga ang pag-aaral sa mga isyung ito dahil ito'y

kadalasan nang may malaking epekto sa buhay ng karamihan sa mga mamayan.

Epekto ng kontemporaryong isyu sa bansa ay magkakaroon ng maraming problema

ang bansa dahil ang kontemporaryong isyu ito yung mga problema natin sa ating

bansa o isyu natin sa ating bansa tulad ng terorismo, rasismo, early pregnancy,

bullying at iba pa. Ang mga kabutihang dulot ng pag-aaral ng mga

kontemporaryong isyu ay matututo ang mga mamayan sa kung ano ang papel nila

sa isyu at kung paano nila paghahandaan ang isyu at kung paano nila

paghahandaan ang isyu kung ito man ay mauulit. Mahalaga na magkaroon tayo ng

kamalayan sa mga isyu ito upang ito'y mabigyan sulosyon kaagad. Ang kabutihang

dulot ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ay para may kamalayan o may

alam sa mga pangyayari upang maaksyonan ito, makapaghanda sa ano mang

posibleng pangyayari at makatulong. Mahalagang pag-aralan ang

kontemporaryong isyu dahil sa pamamagitan ng mga ito magiging mas alerto tayo sa

mga pangyayari nagaganap sa ating kapaligiran.


ANG KAPALIGIRAN AT ANG KALAGAYAN NG MGA
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
KABANATA 2

KAHULUGAN NG SALITA

You might also like