You are on page 1of 16

Ano ang

Kontemporaryong Isyu?
Mr. John Emmanuel A. Gruta
Araling Panlipunan Department
emsky0512@gmail.com
Ang Paksa Ngayon
1. Ano ang isang kontemporaryong isyu
2. Bakit mahalaga ito pag-aralan
Mula sa mga mag-aaral

Bumuo ng limang grupo. Pag-usapan sa


mga kagrupo: Ano ba ang ilan sa mga
madalas pag-usapan ngayon sa social
media at sa balita?
Mula sa mga mag-aaral

Mula sa mga usaping napag-usapan,


pumili ng isa.
Sagutin ang mga katanungan.
1. Nangyayari pa ba ang napiling usapin sa
ngayon?
2. Malaki ba ang usapin na ito sa Pilipinas? Sa
ibang bansa?
3. Ano ang epekto nito sa buhay natin?
4. Kung ito ay problema, ano ang maaaring
solusyon?
Ano ang kontemporaryong isyu
Kontemporaryo- nagaganap sa kasalukuyan
Isyu- paksa, tema, o suliranin na nakakaapekto
sa lipunan

-Pagsamahin ang kontemporaryo at isyu. Anong


kahulugan ang mabubuo?
Ano ang kontemporaryong isyu
Kontemporaryong Isyu- pangyayari o
ilang suliranin na bumabagabag at
nagpapabago sa kalagayan ng mundo sa
kasalukuyang panahon.
Dapat Tandaan
Ang isang pangyayari o suliranin ay
kontemporaryong isyu kapag:
1. Mahalaga sa lipunang ginagalawan
2. May epekto o impluwensya sa lipunan, maaring
positibo o negatibo
3. Nagaganap sa panahon ngayon
4. Ito ay may maraming panukalang solusyon
Dapat Tandaan
Mahalaga ring malaman na:
1. Hindi kasama sa kontemporaryong isyu ang
mga bagay na tapos na o naganap sa nakaraan.
2. Pero kontemporaryong isyu ang mga usapin
galing sa mga nakaraang pangyayari na
nararanasan pa rin sa panahon ngayon.
Halaga ng Pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu
1. Nalilinang nito ang pansariling kakayahan
at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip
2. Nalilinang nito ang pagiging mabuting
mamamayan
Mula sa mga mag-aaral
Alin sa mga sumusunod ang kontemporaryong isyu?
1. Male suicide
2. Pagiging legal ng cannabis
3. Dinosaurs noong Jurassic Period
4. Kawalan ng trabaho
5. Pagkapresidente ni Erap Estrada
Discuss
Sabihin ang saloobin:

“Para sa iyo, anong kontemporaryong isyu sa


ating bansa ang pinakamahalaga? Bakit?”
Values
Vanitas vanitatum, et omnia vanitas
Pagiging mabuting mamamayan
Seeker of Truth
-Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay
nangangailangan ng mapanuring pag-iisip. Wag basta-
basta maniniwala sa mga post at sabi-sabi.
-Pag-unawa sa mga aspeto ng mga isyu sa lipunan-
ekonomiya, kultura, pamahalaan, heograpiya, at
pansibiko
Pagiging mabuting mamamayan
Pagmamalasakit
-Kaya tayo nag-aaral ng kontemporaryong isyu para
mayroon tayong pakialam at malasakit.
Sa Susunod
Sa susunod na dalawang araw ng araling
panlipunan:
-Lesson 2
-Seatwork 1-1

You might also like