You are on page 1of 17

ANG KULTURANG PILIPINO

Aralin 5
_______________________________________________________________________________

PANIMULA

Ang bawat indibidwal ay may natatanging kaugalian at katangian na


bukog-tangi o kakaiba sa ibang indibidwal. May sarili siyang pamamaraan sa
kanyang ikinikilos, pananalita at nakagawiang gawin upang matamo ang kanyang
mga mithiin sa buhay. Natututuhan niyang makihalubilo sa iba na gamit ang
sariling wika at paraan ng pakikitungo sa iba. Sa aspektong ito, kultura ang
nagpapakilala sa kaniyang identidad bilang tao upang mabuhay sa mundong
ibabaw. Ang anumang katangian, kaugalian, paniniwala at ikinikilos ay
maituturing na kultura.

Mula sa pagkasilang ng isang indibidwal, kasapi na siya sa komplikadong


sosyal na grupo. Ang kaniyang pakikipamuhay sa lipunang kinabibilangan ay
isang mahalagang pangangailangan para makamit ang kanyang mga pangarap sa
buhay. Dahil dito, naging kasangkot na siya sa lipunan ng kanyang pamilya, sa
mundo ng kanyang mga kalaro o ibang batang kanyang nakakasalamuha at
maging sa malawak na tatahaking buhay kasama ang ibang tao. Sa pagmulat ng
kanyang isipan, kasali na rin siya sa lipunan ng kanyang mga kamag-aral,
kasamahan sa trabaho at ang pag-adap ng banyagang kultura kung siya man ay
mapalad na makarating sa ibang bansa. Upang matamo ang mapayapang sosyal
na pakikitungo, kailangan niyang alamin at maunawaan ang kultura ng iba.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

1. Nabibigyang kahulugan ang kultura.

2. Napahahalagahan ang sariling kultura .

3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga kulturang Pilipino.

4. Napahahalagahan ang kultura ng iba .

5. Nasusuri ang pagkakatulad ng mga kultura ng mga katutubong pangkat sa


Mindanao.

6. Natutukoy ang mga paraan ng pakikitungo sa ibang indibidwal na may


ibang kultura.

_____________________________________________________

BALANGKAS NG PAKSA

KABANATA 2

Aralin 1 – Ang Kulturang Filipino

1.1 . Kahulugan ng Kultura


SUBUKIN NATIN !

PANUTO : Basahin ang mga sumusunod na senaryo at sagutin ang tanong na nasa ibaba
nito. Maaari ring gawing pasalita ang kanilang sagot.

Senaryo A.

Bagong salta ka sa isang pamayanan na pinaninirahan ng mga tao


na may kakaibang kultura. Ang kulturang ito ay wala sa kinagisnan
mong kultura.

1. Panno ka makikitungo sa kanila?


2. Paano ang iyong paraan upang makuha mo ang kanilang loob
upang kayo ay magkakasundo?

Kung ako ay isang bagong salta sa isang pamayanan na mayroong kakaibang kultura at itong
kulturang ito ay walang kinagisnan kung kultura ang gagawin ko ay oobserbahan ko muna ang
mga taong nakatira dito sa pamayanan na ito, kung ano ang kanilang paraan ng pamumuhay at
iyon ay aking pag aaralan upang hindi ako ang nakakaiba sa kanila.

Senaryo B.

Naimbitahan ka ng iyong kaibigan sa kanilang salusalo.


May naobserbahan kang kakaibang kultura habang ika’y
nakikisalamuha sa kanilang pamilya. Ang kulturang ito ay hindi
mo nakasanayang gawin.

1. Ano ang iyong gagawin?

Kung ako ang nasa kanyang posisyon ang gagawin ko ay magmamasid at pag aralan ang
kanilang kultura upang ipakita na nirerespeto ko ang kanilang kultura. Ako ay makikihalubilo at
makikisalamuha sa mga taong nakapaligid at subukan sabayan ang kanilang kultura.
PAG-ISIPAN MO ! (CMO 1 S.2019)

A. PANUTO : Mag-isip ng tatlong senaryo na may kinalaman sa pagpapahalaga sa


sariling kultura at kultura ng iba.

1. Senaryo A :
Sa isang pamilya kung saan ang mga bata ay nagmamano at gumagamit ng po at opo
ngnagpapakita bilang respeto sa mas nakakatanda at ito ay patuloy parin na ginagamit
atpinapahalagahan ng mga Pilipino.

2. Senaryo B :
Isang pamilya kung saan sabay sabay na na maghapunan at bago sila kumain ay
dapatsabay sabay muna silang magdasal upang magpasalamat sa may taas sa
biyayang binigaybinigay sa kanila. Patuloy parin itong ginagawa at pinapahalagahan
nga mga tao sa kasalukuyan.

3. Senaryo C :
Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga
tambay at ang mga taong-bayang na nasa malapit dito ay agad agad ding tutulungan
ang drayber maayos ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang
inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay
sabay bubuhatin ang mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang
di gaanong madama ang kabigatan nito.

B. PANUTO : Ibigay ang kahulugan ng Kultura ayon sa iyong sariling opinyon o


konsepto.

Ang kultura ay isang pangkalahatang terminolohiya na


sumasaklaw sa kaugalian at tradisyon ng sangkatauhan, kabilang
na ang mga kaalaman, paniniwala, sining, batas, nakagisnan,
kakayahan, at nakasanayang gawain ng bawat isa.

Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang kultura ng mga tao.


Kung ang isang bansa ay nasakop ng ibang lahi, malaki ang
KULTURA tyansa na mabago ang kanilang kultura, o hindi naman kaya ay
magsanib ang dalawang magka-ibang kulturang ito upang
bumuo ng panibago
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .
Napakahusay Katamtaman Di-gaanong
Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

ANG KULTURANG PILIPINO

1.1. KAHULUGAN NG KULTURA

Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang-


ugat na linang (culture) at linangin (to develop/ to cultivate). Kung kaya, ang kultura o
kalinangan ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao
( Timbreza, 2008).

Sang-ayon kay Edward Burnett Tyloy na tinaguriang Ama ng Antropolohiya,


ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang
dito, ang kaalaman, paniniwala, sining.

Ipinahayag ni Leslie A. White, ang kultura ay isang organisasyong phenomenal na


sumasaklaw sa aksyon at iba pang mga kasangkapan, ideya, kilos at valyu.

Iba pang kahulugan ng kultura ayon sa iba’t ibang awtor ;

a.Hudson (1980) - binigyang kahulugan ang kultura bilang socially achieved knowledge.

b.Ward Goodenough (2006) - Ayon sa kanya, ang kultura ay naituturing na patterns of


behaviour (way of life) at patterns for behavior (designed for that life).

c.Timbreza (2008) - Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutuhang
huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang
lahi o mga tao
MGA KATUTUBONG PANGKAT
Sa Cotabato nakatira ang mga
T’Boli. Gumagawa sila ng tela
para sa mga damit mula sa
T’Nalak na hinabi mula sa
hibla ng abaka. Maaaring
magasawa ng marami ang mga
lalaki, nagpapalagay ng tatu o
hakang ang mga babae. Ang
kanilang ikinabubuhay ay
pangangaso, pangingisda, at
pangunguha ng mga prutas sa
kagubatan.

Larawan ng isang T’boli sa Cotabato

Ang mga Maranao o


Meranaw ay nakatira sila sa
paligid ng lawa ng Lanao. Ang
kahulugan ng “ranao” ay lawa
kung saan hinango ang
kanilang pangalan. Ang
Marawi ang tinaguriang
lungsod ng mga dugong
bughaw ng Maranao. Buo pa
rin at hindi nai-
impluwensiyahan ang kanilang
kultura katulad ng disenyo ng
damit, banig at sa kanilang mga

Ang mga Tausug na nakatira


malapit sa dagat ay mga
mangingisda, at magsasaka
naman ang mga nasa loobang
bahagi. Naninisid ng perlas na
kanilang ipinangpapalit ng
tanso at bakal sa mga taga
Borneo at ng pagkain sa mga
magsasaka. Ang kalakalang ito
ang nagdala ng Islam sa Sulu.
Ang mga Sama-Badjao ay
naninirahan sa Sulu. Sama ang
kanilang wika. Nakaira sila sa
bangkang-bahay na may iisang
pamilya na binubuo ng dalawa
hanggang tatlongpu.
Pangingisda ang pangunahin
nilang hanapbuhay. Gumagawa
din sila ng mga Vinta at mga
gamit sa pangingisda tulad ng
lambat at bitag. Karamihan sa
mga Badjao ay mga Muslim.

Ang mga Subanen ay


matatagpuan sa kabundukan ng
Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur.
Kayumanggi ang kanilang
kulay at may makapal at
maitim na buhok. Naniniwala
sila na sa iisang ninuno lang
sila nagmula.

Ang mga Bagobo ay


matatagpuan sa mga baybaying
golpo ng Davao. Maputi ang
kutis at kulay mais ang
kanilang buhok na may natural
na kulot. Napapangkat sa tatlo
ang tradisyunal na lipunan ng
mga Bagobo. Ang Bayani, ang
Mandirigma, at ang pinuno ng
mga ito ang Datu na
tumatayong huwes, nag-aayos
ng gulo at tagapagtanggol ng
tribo.
Ayon sa mga Yakan ng Basilan, noong
1970’s sa panahon ng Batas Militar,
karamihan sa mga Yakan ay
naninirahan sa mga malalayong bundok
upang makaiwas sa mga kaguluhang
nagaganap sa mga kabayanan. Dahil
dito, sila’y tinatawag noong mga
“Yakan Puntukan” na
nangangahulugang mga taong bundok.
Kaya naman nabanggit din ng mga
Yakan na kilala din sa pagtatanim o
pagsasaka kung saan ito na ang
pangunahing hanapbuhay ng mga
Yakan sa Basilan hanggang sa
kasalukuyan. Pinatotohanan ito sa
artikulo ni Gorlinski sa Britannica
Encyclopedia kung saan sinabi niyang
ang mga Yakan ay tinatawag na inland-
dwelling agriculturalists kung saan sila
ang orihinal na tagatustos ng mga bigas
sa mga Tausug at Sama na mga
pangkat-etnikong naninirahan din sa
probinsiya ng Basilan at ilan pang
mga kalapit na isla sa rehiyon.

Ang mga Mangyan ay nakatira sila


sa liblib na pook ng Mindoro.
Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa
kagubatan, pangisdaan at kalakal sa
Mindoro. Sinaunang alpabeto ang
gamit sa pagsulat ng mga
pagpapantig. Ang ambahan ang
kanilang panitikan na napanatili sa
pamamagitan ng pag-ukit nito ng
kutsilyo, mga kagamitan at sa mga
lalagyan ng nganga.
GAWIN NATIN !

GAWAIN 1
PANUTO : Ipaliwanag sa sariling ideya ang mga katagang binanggit ng mga awtor sa
kanilang pagpapakahulugan sa kultura.

Ayon kay Hudson (1980) na ang


HUDSON (1980) kultura ay nakakahulugan ang socially
acghieved knowledge na ang ibig
“Socially achieved knowledge” sabihin nito ay ating natutuhan sa
lipunan o ating naiakma sa ating
lipunan.

Ayon kay Ward Goodenough (2006)


na ang kultura ay maituturing na
WARD GOODENOUGH (1980) patterns of behaviour (way of life) at
patterns for that behaviour (way for
“Patterns of behavior (way of life) . life) na ibig sabihin ay ang kultura
ang syang paraan ng buhay ng isang
tao at ito rin ang pamamaraan ng
pamumuhay ng isang tao.

LESLIE A.WHITE
Ayon kay Leslie White na ang kultura
“Organisadong phenomena na ang syang nagpapakilala sa isang tao
sumasaklaw sa aksyon.” kung ano ang kaniyang paniniwala,
aksyon at iba pang kasangkapan.
GAWAIN 2
PANUTO : Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa “ Mahal ko, kultura ko”.

Mahal ko, Kultura ko

Ang aking kultura ay nararapat naming ipagmalaki. Ito ang naguugnay sa


amin, dahilan ng aming pagkakaisa paguunawaan at nagiging tulay sa aming
pagkakakilanlan. Isa ito sa mga yaman, na kailanman ay hindi ko ikakahiya. Lumilipas
ang panahon, respeto sa bawat grupo ng tao aynawawala, mga tao sa mundo ay
napupuno ng pagmamalit at panghuhusga. Ngunit sa kabila nito ay hindi ko parin ito
ikahihiya, dahil ito ang aming kultura at dito kami nagmula.

Ito ay aking ipagmamalaki sa iba at ibabahagi ang mga kaugalian na nararanasan,


maliitin man nila ito ay hindi ko parin sila pakikinggan. Payo ko lamang sa mga
nanghuhusga, respetuhin naman natin ang bawat isa. Lahat ng taoy may sariling
paniniwala, hindi naming hinuhusgahan ang inyo kaya sana'y ganon din kayo sa aming
paniniwala. Naniniwala ako na uunlad ang bansa kung mayroon tayong respeto at
disiplina sa kultura ng bawat isa.
GAWAIN 3 (CMO 2 S.2019)
PANUTO : Magtala ng mga bagay na iyong nakagawian bilang bahagi ng inyong
Kultura. Ilarawan at ipaliwanag ito ayon sa sariling saloobin.

Pagmamano - ito’y madalas ginagawa ng mga nakakabata sa kanilang mga magulang o mga
nakakatanda sa kanila. Ito ay isang paraan kung saan kukuhanin ang kamay ng mas
nakakatanda at ilalagay sa noo upang ipakita ang paggalang at pagrespeto.

Paggamit ng “po at opo” na nakakatanda - ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakakatanda. Sa


bawat pagsagot at pakikipag-usap sa kahit sino ay lagi itong ginagamit dahil isa rin ito sa
paraan ng pagpapakita ng respeto at patuloy pa itong ginagamit

Pagdiriwang ng Eid tuwing buwan ng Mayo - ito ay nakagawian ng bawat muslim upang
idiwang ang mga sakripisyo na ginawa ng aming propeta. Kami ay may mahaba bukang-
likaw-paglubog ng araw pag-aayuno. Hindi kami maaaring kumain o uminom ng kahit na ano
na hangga’t hindi pa umaabot ng alas sais ng gabi o kung hindi pa namin naririnig ang adhan
o pormal na anunsyo.

Pamamanhikan – isa ring mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang pamamanhikan.


Isinasasagawa ang pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong
magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamayng kaniyang nobya sa harap ng kanilang
mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan. Paglatapos nito ay may salo-salo at
sa hapag pinag-uusapan ang detalye ng kasal. Bagamat modern na ang panahon ngayon, isa ito
sa nanatili pa ring mga kaugalian ng mga Pilipino.
Gawain 4

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, suriin ang mga pagkakaiba, pagkakatulad at kahalagahan
ng pagpreserba ng mga kultura ng mga katutubong pangkat.

Pagkakaiba:

Gaano man kayaman at kayanong ang kultura ng isang lipunan, maaaring manganib ito kung
hindi ito patuloy na pagyayamanin, bibigyang halaga, at iingatan. Ang adbokasiyang pang
edukasyon ay siyang susi upang patuloy na ating linangin at payabungin ang ating
iniingatang kultura.

Bilang isang Pilipino, nasa atin ang tungkulin na bigyang buhay ang ating panunumpa, ang
ating pangako na huwag pabayaan ang ating kasaysayan, ang ating wika, ang ating kultura.
Tayo ang may responsibilidad na maipasa ito sa susunod na henerasyon, dahil kung tayo
mismo ay titigil na tumangkilik, magbigay halaga, at maisadiwa ay kasama nating
mamamatay ang mga magagandang kaugalian na ating minana sa ating mga ninuno. Kung
kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig
ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

Pagkakatulad:

Ang mga makabuluhang gawaing tulad ng musika, koro pag-awit, pagtugtog ng orkestrang
kawayan, rondalla, pamanang sayaw, mga pista at rito, balagtasan, zarzuela, pagguhit o surat
baybayin, at iba pa, ay nagpapatunay na ang kultura ay kakambal ng ating pagkatao at
pagkakakilanlan bilang isang lipunan. Ito ay bahagi ng maraming gawi na humuhubog ng
mga natatanging kaugalian, mga paniniwala, at mga tradisyon, ang isang bayan. Ang nga ito
ang siyang sumasalamin sa ating buhay, ang mga ito ay ang paraan mg ating buhay.

Ang sining at kultura ng isang bayan o lalawigan ay siyang nagiging pagkakakilanlan ng


isang komunidad, ng isang lahi. Makikita kung gaano kayaman at kayabong ang diwang
makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang pangkulyurang
kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-salin ng maraming henerasyon

Kahulugan:

Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito


ang sining, wika,musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan, pananamit, kaugalian,
tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao.

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may
sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at
kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.
KABANATANG PAGSUSULIT

PANUTO : Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at ilapat ito sa nakalaang patlang
bago ang bilang.

a. Hudson (1980) f. kalinangan


b. Ward Goodenough (2006) g. Salazar (1996)
c. Timbrea ((2008) h. cognition
d. Edward B. Tylor i. Donna M.Golnick
e. Leslie A. White j. kultura
F. Kalinangan 1.Ang salitang kultura ay may katumbas na ____
E. Leslie A. White 2. Ay nagsabing ang kultura ay isang organisadong phenomena
na sumasaklaw sa paraan ng pag-uugali.
C. Timbrea 3. Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga
natutuhang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon.
B. Ward Goodeough (2006)4. May kulturang ginagawa o sinusunod dahil iyon ang
kinagisnan ng isang grupo o pangkat.
A. Hudson (1980) 5. Nakuha ang kultura sa mga kasamahan na nasa paligid
lamang.
I. Donna M. Golnick 6. Ang kultura ay ginagamit para sa maayos na paraan ng may
kapangyarihan at mga makapangyarihang tao.
G. Salazar (1996) 7. Walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan at
kaluluha na siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.
H. Cognition 8. Ito ay ang pagkaalam sa lahat ng bagay na magbibigay-
patnubay sa tao na pagkilala niya sa kapaligiran at sa ibang tao.
D. Edward B. Taylor 9. Ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak
na saklaw.
J. Kultura 10. Ito ay nagpapakilala kung sino at ano tayo.

II- PANUTO : Basahin ang senaryo na nasa ibaba. At ibigay ang iyong tugon sa tanong . (5
pts)

Senaryo :

Inatasan ka ng iyong guro na magsagawa ng pananaliksik tungkol sa kultura ng mga


katutubo partikular sa mga katutubong Sama Badjao . Nabatid mo sa iyong sarili na ang
kanilang kultura ay ibang-ibang sa kulturang iyong kinamulatan at nakasanayan.

1. Ano ang dapat mong gawin upang makuha mo ang kanilang loob na makipag-
cooperate sa datos na iyong kailangan para sa iyong pananaliksik? Magbigay ng 5
paliwanag.

Ang una kong gagawin ay oobserbahan ko kung pano sila makipag usap sa kanilang
kasama at pag aralan ito. Maaari rin akong maghanap ng impormasyon sa internet
kung paano pakitunguhan ang mga katutubo ito. Kailangan kong unawain at intidihin
kung ano ang paraan ng kanilang pag uusap upang makuha ko ang sagot na kalaingan
para sa aking pananaliksik.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .
Napakahusay Katamtaman Di-gaanong
Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
2.Kaangkupan sa paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN

You might also like