You are on page 1of 5

PAN 101 SINESOS

DEKONSTRUKSYON

Si Jacques Derrida (1930) ay isang Pranses na


pilosopo na kilala sa paglikha ng konsepto ng
dekonstruksyon. Sa pamamagitan nito, kanyang
hinamon ang ideya sa Kanluraning kultura na ang
teksto ay mayroong isang malinaw at permanenteng
kahulugan. Sa halip, ipinakita niya na ang mga
pananalita ay mayroong maraming maling pag-akala
at ang interpretasyon ay hindi lamang limitado sa
intensyon ng manunulat. Ang dekonstruksyon ay
naglalayong ipakita ang iba't ibang mga layer ng
kahulugan sa isang teksto, na nagbibigay diin sa
papel ng mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan,
hindi lamang ang manunulat.
FEMINISMO

Ang feminismo sa panitikan ay isang pagsusuri na tumitingin sa mga akda at awtor


mula sa pananaw ng feminista. Ipinapakita ng feminista na ang panitikan ay hindi
neutral at produkto ito ng lipunan at kultura. Ang feministang pag-aaral ng panitikan
ay naglalayong bigyang-diin ang papel ng mga kababaihan bilang mambabasa at
manunulat.
Tinututukan ng pagsusuri ang mga imahen at papel ng mga babae sa panitikan, at ang
mga tema at karakter na kanilang kinakaharap. Sa pamamagitan nito, ipinakikita na
ang mga akda ay konstruksyon ng manunulat at ng kanyang kultura, na nagpapakita
ng dominasyon ng mga lalaki sa lipunan. Sa kasaysayan, lumakas ang
pangangailangan na bigyang-pansin ang partisipasyon ng mga kababaihan sa lipunan,
at may pagnanais na baguhin ang tradisyonal na pananaw na ang panitikan ay
nakatuon lamang sa karanasan at mundo ng kalalakihan.
FEMINISMO

Sa Amerika, kilalang peministang manunulat sina


Jane Austen, Maya Angelou, Alice Walker, Toni
Morrison, at Louisa May Alcott, habang sa
Pilipinas, mga peministang manunulat sina Joi
Barrios, Ruth Elynia Mabanglo, at Lualhati
Bautista.
Thank you

You might also like