- ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita,
ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.
Halimbawa ng mga tula:
Bulag Ka, Juan Ang aking pangarap
by: Ariana Trinidad by:Kiko Manalo
Ano ang maikling kwento?
- ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-
akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos.
Halimbawa ng mga maikling kwento:
Ang aral ng dumo , Ang araw at Hangin , Ang buklang taal . atbp
Ano ang nobela?
-Ang Nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag- ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Halimbawa ng nobela:
Ama (nobela) , Ang Huling Timawa , Bgong Kristo , atbp.
Ano ang Sanaysay? Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Halimbawa ng sanaysay:
Sanaysay tungkol sa edukasyon , Sanaysay na nagbibigay ng inspirasyon