You are on page 1of 9

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

I. Pangkalahatang Ideya (Overview)


Sa panahon natin ngayon , hindi maitatatwang laganap na ang iba’t ibang
uri ng isyu. Habang tumatagal ay mas lalong lumala ang mga isyung ito,
mapalokal man o nasyinal. Sa araling ito ay ating pag-uusapan ang mga isyung
naging talamak , hindi lamang sa ating bansa kundi maging na rin sa ibang bansa.

II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto (Intended Learning Outcomes)


A. Nailalarawan ang mga iba’t ibang isyung panlipunan mapalokal man o nasyunal;
B. Nakagagawa nang makabuluhan at kapaki-pakinabang na pamamaraan kung
paano mabibigyang solusyon ang mga isyung panlipunan,
C. Nakagagawa ng isang video presentation na may kaugnayan sa mga isyung
lumalaganap ngayon sa ating lipunan.

III. Paunang Gawain (Topic Opener)

1. Ano ang kayang gawin ng wika bilang isang midyal sa mga napapanahong isyung
panlipunan?
___________________________________________________________

2. Paano mababago ang mga pananaw ng isang taong naninirahan sa loob at labas ng
ating bansa sa pamamgitan ng wikang pambansa? Ilahad ang kasagutan.
___________________________________________________________

3. Bilang isang Pilipino, papaano mo pinapailalim at binabalangkas ang mga gabay etikal
kaugnay sa paggamit ng iba’t ibang porma ng midyal?
___________________________________________________________
Korapsyon

Ano nga ba ang kahulugan ng korapsyon?


Mula sa kanyang Denotasyon, ito’y nangangahulugang pagmamalabis,
pagkapahamak, katiwalian. Maaaring kapag sinuri sa konotasyong pakahulugan ng
bawat indibidwal ang salitang korapsyon lokal at nasyonal man ay kakikitaan ng
negatibong pananaw.
Isama na rin natin ang pinaghalawan ng korapsyon ng mga entri sa diksyunaryo:
 Mula sa kalikasan: araw, galamay, ambunan, arbor, green
 Mula sa pang-araw-araw na bagay: bahaw, baterya, hamborjer, brown bag, bukol,
butas
 Mula sa pang-araw-araw na kilos: bisto, hilot, himas, diskarte, estimahin, masahe, luto,
lusot, lukot, laglag, gapang, shopping
 Mula sa krimen: bangag, bantay-salakay, bisikleta gang, colorum
 Mula sa pelikula: bituing walang ningning, tinimbang ka ngunit kulang
 Mula sa sensya: bacteria, buwaya, buwitre, double-dead, virus
 Mula sa sports: game-fixing, balato
 Mula sa korte: fixcal, falsification of records, blood money, hood in uniform, retainer
 Mula sa pag-aaginaldo: goodwill money, regalo
 Mula sa trabaho: 15:30, apprentice, boundary, agent, backer, downpayment, DTR,
commission, Republic Act 1530
 Mula sa eleksyon: dagdag-bawas, vote shaving, vote padding
 Mula sa cellphone: panload, G-100, G-300, S300
 Mula sa edukasyon: grades for sale, principal
 Mula sa kababalaghan: ghost employee, ghost meeting, ghost project, ghost delivery
 Mula sa relasyon: principal, backer, ninong, ninang, padrino, kapit-an
 Mula sa pagsusugal: tong, balato
 Mula sa estado: bureaucrazy, for official use only
 Mula sa proper nouns: Chimnatown, Department Store pf Justice, Drakula, Greedy
Group Plus

Mga Karaniwang Termino Sa Salitang Korapsyon

Areglo - Pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit


hindi katanggap-tanggap.

Ayos - Katulad ng areglo.

Backer - Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na


resulta kapalit ang partikular na presyo.

Barya-barya - Maliit na paglalagay.

Kumisyon - Kabayaran sa transaksyong illegal.

Lagay - Maaari ding suhol.

Lakad - Pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon, partikular sa


pagkuha ng permit o lisensya.

Lutong-makaw - Katawagan sa pagdedesisyong mas pinaboran ang isang panig


nang walang batayan.

Rebate - Katulad ng kumisyon

SOP (Standard - Ang awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay sa


Operating opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang transaksyong
Procedure) illegal.

Suhol - Maaari ring lagay.

Tongpat o Patong - Halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o


serbisyo na magsisilbing kabayaran para sa pagsasagawa ng
transakyon.

Padulas - Perang pambayad upang mas bumilis ang transakyon.

Pang-Merienda - Maliit na lagay.

PORMA NG KORAPSYON
Panunuhol - Ang pagbibigay ng benepisyo upang
maimpluwensyahan ang kilos o desisyon
ng isang tao. Maaari itong maging
espesyal na pabor, regalo, pang-aaliw,
pagbibigay-trabaho, pautang, o iba pang
maibibigay upang makapang-udyok.

Pangingikil - Paggamit ng pananakot, paninira, o iba


pang pagbabanta upang mapuwersang
makipagtulungan ang isang tao.
Kickbacks - Illigal na kabayaran sa isang taong may
awtoridad na magpasya o mang-
impluwensya sa mapipiling bigyan ng
isang kontrata o transaksyon.

State capture - Isang sitwasyon na magbabayad ang


makapangyarihang indibidwal o grupo sa
mga opisyal ng pamahalaan upang
maipasa ang mga batas o regulasyon na
makapagbibigay nang hindi patas sa
kalamangan sa nasabing indibidwal o
grupo.

KORAPSYONG PRIBADO –SA –PRIBADO


Purchasing at procurement - Regalong pera o pang-aaliw na ibinibigay
ng sales representative ng isang
kumpanya sa purchasing manager ng isa
pang kumpanya upang makakuha ng
produkto o serbisyo.

Pautang o iba pang serbisyong pinansyal - Kabayaran ng isang kumpanya sa bank


manager o loan officer upang makuha ang
approval sa pautang.

Pag-eempleyo at pagbibigay ng - Regalong ibinibigay sa personal director


promosyon ng kumpanya upang masiguro ang pagka-
empleyo o promosyon ng nagbibigay nito.

Audits - Kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng


isang accounting firm ng kumpanyang ino-
audit upang hindi na nila pansinin ang
ilang iregularidad.
MGA SALIK NG KORAPSYON
Publisidad at promosyon - Kabayaran ng isang kumpanya sa mga
mamamahayag upang pumanig ang mga ito
sa kumpanya o upang hindi ilabas ng mga ito
ang mga negatibong isyu laban sa kumpanya.

Hindi malinaw, kumplikado at - Ang mga batas o regulasyong hindi malinaw


madalas na nagbabagong batas at o hindi nagkakaugnayan ay nagbibigay nang
regulasyon pagkakataon sa mga opisyal ng pamahalaan
upang malaya nilang bigyan ng sariling
interpretasyon.
Kawalan ng transparency at - Kapag walang nagbabantay sa mga
accountability transaksyon, ang pamantayang ginagamit sa
pagpasok sa mga transaksyong ito ay hindi
nasusukat. Ang mga taong sangkot sa
transaksyong ito, kung gayon, ay hindi na
mapasasagot sa kanilang mga nagiging
aksyon.

Kawalan ng kumpetisyon - Ang mga kumpanyang may monopoly0 sa


pagbebenta ng produkto/bilihin o pagbibigay
ng serbisyo ay mayroong malakas na
impluwensya upang masuhulan ang mga
opisyal ng pamahalaan upang ang mga
desisyon nito ay mapanigan ang kanilang
interes .

Mababang pasahod sa pampublikong - Kapag ang mga opisyal ng pamahalaan ay


sector hindi nababayaran nang sapat upang
makapamuhay nang matiwasay, malakas ang
tukso ng korapsiyon upang madagdagan ang
kanilang kita. Gayundin, sa baba ng kanilang
suweldo, madalas na hindi na nila inaalala
ang pagkatanggal sa trabaho sa oras na
mahuli silang nasangkot sa korapsiyon.
Kulang, pabago-bago, at hindi patas - Kapag ang batas ay hindi ipinapatupad nang
na pagpapatupad ng batas at patas, alam ng mga taong maaari silang
regulasyon manuhol upang maiwasan ang multa at iba
pang parusa.

Konsepto Ng Bayani
Ang salitang bayani ay isang simpleng salita lamang, subalit kung ikakabit ito sa pangalan
ng sinumang tao’y bumibigat ng kusa at patuloy na papatungan ng mga perpektong
responsibilidad. Una, kapag kinilala kang bayani habang nabubuhay ay kikilos ka nang maayos,
modelo at kapita-pitagan sa lipunang ginagalawan, at ikalawa nama’y kikilalaning bayani sa
iyong paglisan sa mundong ibabaw ay pag-aaralan lahat ng mga nangyari sa buhay mo na
nagmarka sa karamihan o di kaya’y kapupulutan ng aral ng mga kabataang nagsisimula pa
lamang gumalaw sa ating lipunan. Ang ikalawa ang pinakamainan sa lahat sapagkat ambisyon
ito ng karamihan. Naitanong mo na ba sa sarili kung papaano ka aalalahanin ng mga taong
nakasalamuha mo? Ano ang sasabihin sa iyo ng mga kabataang makaririnig sa kuwento ng
buhay mo? Nakakikilabot kung pakaiisipin sapagkat wala na tayo para marinig ang kanilang
sasabihin at hindi na natin ito maririnig para man lamang maipaliwanag natin kung sila’y
nalalabuan.
Marami ang kahulugan ng salitang bayani sa Sandaigdigan. Alamin natin ang ilan sa mga
ito;
https//Brainly.ph.>Senior high School>History

 Dec 11,2015- Ang Bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang gawain.
Layunin nila na makatulong sa iba pa upang maging maayos ang buhay.
 Ang salitang Bayani ay ginagamit na pantukoy o pang-uri, sa mga taong naglalaan
ng tulong o pagpapahalaga sa kapakanan ng iba.
 Ang kahulugan ng Bayani ay ang mga taong may paggalang sa kapwa.hindi
lamang sina Andres Bonifacio ang naging bayani. Lahat ng tao ay may paggalang
sa kapwa tao.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kabayanihan

 Ang isang Bayani ay taong mayroong kabayanihan, at mayroong kaugnayan sa


pagiging magiting o matapang.

https://mgarandomnanaisipan.wordpress.com

 Nov.10,2016- Bayani o sabihin na nating “hero” sa salitang Ingles. Ayon kay


Merriam Webster, “A hero is; a man admired for his achievements and noble.
www.bayani.com/kuta/kah.ph

 Ano ang kahulugan ng Bayani? ni Julio Gomez dela Cruz, Jr. at Marlon C. Magtira.
Ang salitang Bayani ay may sariling kasaysayan.

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18438449131

 June 3, 2015- Ang kahulugan ng Bayani na nakaugnay sa bayan ay nagbabago,


ang konsepto ng bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan.

Kalagayan Ng Serbisyong Pabahay, Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon, Bagyo,


Climate Change, Mabilis Na Urbanisasyon, Malawakang Pagkawasak Ng Kalikasan At
Iba Pa

NARITO ANG SAMPUNG (10)


ISYU

De-kalidad at Freedom of
Kontraktuwalisasyon Makamasang Information Bill
Edukasyon

Trapik sa Metro Pagpapalaya sa Pagresolba sa


Manila mga Bilanggong Problema sa Droga
Pulitikal

Mass Transport Tunay na Reporma Pagresolba sa


System sa Lupa Kahirapan

Biktima ng Bagyong
Yolanda
IV. Pagsusuri

Mula sa napag-aralan na leksyon na 10 isyung nangangailangan ng pagbabago, kung


ikaw ang papipiliin , ano ang bibigyan mo ng natatanging pansin? Bakit?
Pangatuwiran ang kasagutan na dapat may malaking epekto ito sa mga kasamahan
niya.

V. Pagtiyak sa Kaalaman
Gawain Blg. 1. Bigyan nang masining na nilalaman ang bawat isyung naghihintay ng iba
pa/karagdagang solusyon at pagbabago.
1. Kontraktuwalisasyon
__________________________________________________________________

2. Trapik sa Metro Manila


__________________________________________________________________

3. Mass Transport System


__________________________________________________________________

4. De-Kalidad at Makamasang Edukasyon


__________________________________________________________________

5. Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal


__________________________________________________________________

6. Tunay na Reporma sa Lupa


__________________________________________________________________

7. Biktima ng Bagyong Yolanda


__________________________________________________________________

8. Freedom of information Bill


__________________________________________________________________

9. Pagresolba sa Problema sa Droga


__________________________________________________________________

10. Pagresolba sa Kahirapan


__________________________________________________________________
Gawain Blg. 2
Sa pamamagitan ng isang video presentation, magpakita ng isang isyung
lumalaganap ngayon sa ating lipunan na may kaugnayan sa ating naging talakayan.
(2-3 minutes).

You might also like