You are on page 1of 9

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto sa Pananaliksik

Content Pagsasalin: Katuturan, Kahalagahan, Mga


Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagasalin

Content Standards Matukoy ang kahulugan ng pagsasalin,


kahalagahan at katangiang dapat taglayin
ng tagasalin sa pamamagitan ng mga
gawain at talakayan.

Performance Standards Nakapagtatanghal ng isinaling tula

Learning Competencies a. Natutukoy ang paksang tinalakay;

b. Naiuugnay ang paksang tinalakay sa


pang-araw-araw na buhay;

c. Nakapagsasalin ng tula.

Specific Learning Outcomes Sa loob ng dalawang oras, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakatutukoy ng wastong pahayag tungkol


sa pagsasalin;

b. Nakapagbabahagi ng kahalagahan,
katangian at gamit nito tungo sa
pananaliksik; at

c. Nakapagtatanghal ng isinalin na maikling


tula.

Time Allotment 120 minuto

Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

I. Introduction/ Activity

Magandang umaga! Sa araw na ito,


inaasahan ko na mauunawaan at matukoy
ninyo ang paksang ating tatalakayin,
magbahagi kayo ng kahalagahan ng
paksang ating tatalakayin at makagagawa
kayo ng pagsasalin. Malinaw ba?
Opo

II. Motivation / Activity

Ngayon ay may gawain tayo na kung


tawagin ay "Punan ang Blank"

Kapag ang linya ay nakasulat sa


ingles, sasagutin ninyo ito sa Filipino at vice
versa kaya pinamagatan itong "Punan ang
Blank" ang inyong sagot ay isusulat ninyo
ang sagot sa ibibigay ko na materyal.
Hintayin ninyo ang "Go" sign ko.

Handa na ba ang lahat?

1. The _______ that prays together,


stays together. (Pamilya)
Handa na po!
2. I love you; you love me! We're a
______ family. (Masaya)
1. Family
3. Diringgin ko ang _____ ng aking
mga magulang. (Advice)

4. Nanay, Tatay gusto ko'ng tinapay! 2. Happy


Ate, Kuya gusto ko'ng _____. (Coffee)

5. Nang isilang ka sa mundong ito,


3. Payo
laking tuwa ng _____ mo. (Parents)

4. Kape
Maraming salamat sa pakikilahok!

5. Magulang

III. Instruction Delivery / Analisis

Batay sa ginawa ninyo kanina, may


ideya na ba kayo tungkol sa paksang ating
tatalakayin ngayon?

Pagsasalin po

Tumpak! Ang ating tatalakayin


ngayon ay pagsasalin.

Ano ba ang kahulugan ng pagsasalin?

Paglilipat po mula sa isang wika patungo sa


iba pang wika

Tama. Ayon kay Bernales (2012), ang


pagsasaling-wika ay paglilipat sa
pinagsasalinang-wika ng pinakamalapit na
katumbas sa diwa at estilong nasa wikang
isinasalin.

Ayon naman kay Reyes (2016), ito ay


paglilipat ng kahulugan mula sa isang wika
patungo sa iba pang wika

Naintindihan ba ang kahulugan ng


pagsasalin?

Mahusay. Ano kaya ang kahalagahan


ng pagsasalin?
Opo.

Maaari ka bang magbigay ng


halimbawa? Mas nauunawaan po natin ang isang
pahayag.

Halimbawa po ang isang teksto ay


nakasulat sa ibang lengguwahe kagaya ng
korean, kapag isinalin po sa wikang ingles o
filipino, mas nauunawaan po natin ang
Napakahusay! Tama ang sinabi ng
inyong kaklase. Sa pamamagitan ng teksto.
pagsasalin, mas nauunawaan natin ang
isang pahayag. Ano pa?

Okay. Paano mo nasabi? Magbigay


ng halimbawa. Sa pamamagitan po ng pagsasalin, mas
nakakapag-isip tayo nang malalim.

Nag-iisip po tayo nang malalim kung ano


Magaling! Isa pang halimbawa, may
ang katumbas ng isang salita tungo sa iba
nagtanong kung ano ang filipino ng
pang salita.
drawing. Sa pamamagitan ng tanong na
iyan, ang iyong utak ay gumagana kung
kaya't napapagalaw rin ang iyong pag-iisip.
Mahalagang malaman natin na sa
pagsasalin, hindi lamang wika ang iyong
isinasalin bagkus ay nagsasalin ka rin ng
kahulugan.

Naunawaan ba ang kahalagahan ng


pagsasalin

Magaling!

Sa tingin ninyo, ano ba ang katangian


na dapat taglay ng isang taong magsasalin?

Tumpak! Ano pa?


Opo maam.

Tama! Ano pa?

Okay, maraming salamat sa inyong


May sapat na kaalaman po.
kasagutan! Alamin natin kung ano ang
katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin
ayon kay Reyes (2016) Nakakaintindi po.

1. Sapat na kaalaman sa mga sangkot


na wika at kultura
Marunong po magsalin
Ano kaya ibig sabihin nito?

Tama! Ang sapat na kaalaman sa


mga wika ang bukod tanging paraan upang
maging matagumpay o komunikatibo ang
isang tagapagsalin sa kaniyang ginagawa.

2. May sapat na panahon

Bakit kaya kabilang ang sapat na


panahon?
Dapat alam po ang dalawang wika

Tama! Dapat binibigyan ng


tagapagsalin ng sapat na panahon ang
kanyang sarili upang makapagsalin. Para
mas makapag-isip pa.

3. Malawak ang pagbabasa

Ano ang ideya ninyo ukol diyan?

Kasi po kapag walang sapat na oras, hindi


Okay tama. Hindi dapat nakasandig
magiging maayos ang pagsasalin
sa isang sanggunian o diksyunaryo ang
pagsasalin. Daan ito upang madagdagan
ang kaalaman sa konsepto at iba pang
bagay na may kinalaman sa pagsasalin.

4. Sumasangguni sa mga awtoridad


na batayan at sanggunian

Huwag bigyan ang sarili ng mataas na


kumpyansa sa pagsasalin. Walang
perpektong pagsasalin. Dapat sumangguni
sa mga sanggunian katulad ng diksyunaryo Dapat po marami siyang alam

upang makabuo ng konsepto at makahanap


ng sapat na pagtutumbas.
Naunawaan ba?

Opo

IV. Practice/ Analysis

Panuto: Basahin ang sumusunod na


pahayag. Sa patlang sa unahan ng bilang,
isulat ang T kung ang diwa ng pahayag ay
tama at M naman kung mali.

___1. Sa pagsasaling-wika, dapat bigyang


diin ang kahulugan ng mensahe at hindi ang
bawat salita.
1. T
___2. Ang isang tagapagsalin ay nararapat
magkaroon ng sapat na kaalaman sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
2. T
___3. Hindi kailangang alam ng
tagapagsalin ang paksa mg tekstong
isinasalin.

___4. Sapat nang malaman ng tagapagsalin 3. M


ang kultura ng isang bansang kaugnay sa
pagsasalin.

___5. Ang alinmang wika ay nakabuhol sa


kultura ng mga taong likas na gumagamit 4. M
nito.
___6. Ang sapat na kaalaman sa gramatika
ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay kailangang matamo ng isang
tagapagsalin. 5. T

___7. May mga wikang nakahihigit sa bisa


ng iba pa.

___8. Bawat wika ay may kanya-kanyang


6. T
natatanging kakanyahan.

___9. Nagkakaroon lamang ng tiyak na


kahulugan ang isang salita kapag ito'y
nagiging bahagi ng parirala o pangungusap.
7. M
___10. Kung magkakaroon ng ibang
pakahulugan sa itutumbas na salita sa salin,
kailangang humanap ng ibang maaaring 8. T
ipalit nito.

9. T

10. T

V. Enrichment / Abstraksyon

Mayroon akong papel dito. Kailangan ko ng


3 tao para bumunot.

1. Ano ang natutunan mo sa araw na ito?

2. Ano ang masasabi mo sa gawain na


ginawa?

3. Saan mo magagamit ang natutunan mo?


1. Natutunan ko po na ang pagsasalin ay
paglilipat ng kahulugan at wika ng isang
wika patungo sa iba pang wika

2. Masasabi ko po na maganda ang gawain


ngayon at natuto talaga ako

3. Magagamit ko po ito sa aming


pananaliksik dito sa paaralan.
VI. Evaluation / Application

Maghanap ng kapares. May ibibigay ako


na piyesa at isasalin ninyo ito. Pagkatapos
ay itanghal ito sa harap

-"Untitled" by Rupi Kaur

-"Let Go" by Shelbi Parsons

-"True Love" by Paul Smith

-"Your Smile on my Mind" by Luke Meyers

Pamantayan:

Nilalaman: 40

Kaugnayan: 30

Kalinawan ng ideya: 20

Katipiran sa paggamit ng salita: 10

Kabuuan: 100

Father Saturnino Urios University

Teacher Education Program

Butuan City
MASUSING BANGHAY ARALIN

SA PAGTUTURO NG FILIPINO XI

Ipinasa ni:

Ipinasa kay:

KAMILLE JOYCE T. HERRERA

Gurong Nagsasanay GNG. ROSARIO R. PEREZ

Gurong Tagapagsanay

Petsa ng Pagtuturo

Ika-31 ng Enero 2019

Grade XI - Aristotle

(7:30-9:30am)

You might also like