You are on page 1of 5

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Bilang ng Modyul 3
Diskripyon ng Batayang Kaalaman sa Wika
Modyul
Bilang ng Oras APAT NA ORAS
Linggo 3
Petsa Sept 7-11,2020

Paksa:
1. Pagbasa
Kahulugan
Katangian
Kahalagahan
2. Uri ng Pagbasa
Tahimik na Pagbasa
Malakas na Pagbasa
Sagabal sa Pagbasa
Layunin:
1. Natutukoy ang kahuluga,katangian at kahalagahan ng pagbasa
2. Nakakagawa ng isang aktwal na pagbasa.

Introduksyon

Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan na malalim


at mapanuring pagbasa,pagsulat at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba`t ibang larangan , sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa
at ng mga mamamayang Pilipino,Nakatuon ang kursong ito sa
makrong kasanayang pagbasa at pagsulat,gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino bilang lunsaran
ng pagsasagawa ng pananaliksik ( mula sa pangangalap ng datos
at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa
publikasyon at presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin
at realidad na mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa
iba pang bansa.Saklaw rin ng kursong ito sa paglinang sa kasanayang pagsasalita,partikular sa

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

presentasyon ng pananaliksik sa iba`t ibang porma at venue.Pre-requisite sa kursong Kontekswalisadong


Komunikasyon sa Filipino ( KOMFIL)

TALAKAYAN

Pagbasa

Ang Pagbasa ay isa sa lima na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at


pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay
proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa
babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang
tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng maakda.
Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita,
pakikinig ,pagsusulat at panonood.
Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito
ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring
mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang
mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pagkalibangan.

Uri ng Pagbasa

Tahimik – isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang binabasa.

Ilang mungkahi upang mapabilis ang pagbabasa nang tahimik:


1. May mabuting kundisyon ng paningin.
2. May wastong liwanag.
3. May tahimik na kapaligiran.
4. May sapat na sirkulasyon ng hangin.
5. Huwag paisa-isa ang pagbasa ng salita, basahin ang buong kaisipan.
6. Kaliwa pakanan ang kilos nang mata.
7. Isaalang-alang ang mga bantas na ginamit upang maunawaan ang detalye.
8. Huwag ikibot ang labi kapag nagbabasa ng tahimik.
9. Kung baguhan pa lamang ilagay ang hintuturong daliri sa labi.
10. Magsanay sa pagbasa nang mabilis.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Malakas – isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang binabasang teksto.

Ilang mungkahi upang maging maayos ang pagbasa ng malakas:

1. May mabuting kundisyon ng paningin.


2. May sapat na lakas ng tinig.
3. May wastong tindig.
4. May malusog na pangangatawan.
5. Mahusay na pandinig.
6. Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha.
7. May tamang pagbigkas.
8. Isinaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin, pagtaas o pagbaba ng tinig at
pahinto.
9. Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa.
10. Tumingin sa tagapakinig.

MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA

1.Kalagayan ng Pag-iisip
Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang pagbasa. Maaring pagmulan ito ng kabiguang
mag-ugnay ng mga sagisag sa mga salitang ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang
tumugon sa mga bagay na bagasa at mahinang pagsasaulo ng mga bagay na nakita.

2. Pagbasa nang walang direksyon


Kailangang maunawaan ng isang tao kung bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa pagbasa?
Bumabasa ba siya ng pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa kasalukuyan? Bumabasa ba
siya ngmga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok sa paalaran?

3. Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang kanilang
pagkakasulat
Mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay.
Mahalagang-mahalaga sa isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita.
Huwag basahin nang minsanan lamang, manapa’y ulit-ulitin.

4. Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa batay sa layunin


Unahin muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap . Katulad halimbawa ng mga aklat.
Sagutin muna ang mga katanungang madadali. Ihuli ang mahihirap.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

5. Hindi paggamit ang mga pananda (marginal notations)


Madaling maunawaan ang diwa ng binabasa kung isasalin sa sarilng mga pananalita, mga parirala
at bilang ang mahahalagang diwang nais ipahayag

6. Kulang sa katatagan ng damdamin


Ang pagkakaroon ng kaba o nerbiyos at iba pang mga psychiatric ay sagabal sa mabisang
pagbabasa. Ang iba pang maaring maging sanhi ng kakulangan sa katatagan ng damdamin ay pagod, pag-
aalala, kakulangan ng kawilihan,kulang sa pagtitiyaga,kawalan ng sigla at hindi normal na saloobin o hilig
sa pagbasa.

Mga Gawain
_________________________________________________________________________________________________________________________
Pagtiyak sa Kaalaman

Isulat kung ano para sa iyo ang malakas na pagbasa at tahimik na pagbasa.

Malakas na Pagbasa Tahimik na Pagbasa

Pagpapahalaga

Kompletuhin ang talahanayan ng pagtataya ukol sa kahinaan at kalakasan ng tahimik at malakas


na pagbasa.Magtala ng mga tiyak na punto ng kahinaan at kalakasan.

Kahinaan ng tahimik na pagbasa Kalakasan ng malakas na pagbasa

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20%


Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%
Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling basahin 5%
________________________
Kabuuan 50 %

41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat


31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat
16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-15-Kailangan pang pagbutihin

Mga Sanggunian

Zafico,Marvin,M.et.al,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Jimczyville Publications,Malabon


City,2016
Maranan,H.Mario,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Mindshapers
Co.Inc,Intramuros,Manila,2018

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like