You are on page 1of 15

1 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

2 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

INTRODUCTION

Ang araling ito ay inihanda para sa iyo upang matutunan mo ang dalawa sa apat na makrong kasanayan,
ang pagbasa at pagsulat .Nakapaloob dito ang ilang aralin, pagsasanay, at pagsubok na sumasaklaw sa
kasanayan, kahulugan, uri at layunin ng pagbasa at pagsulat. Inayos ang mga Gawain upang mabigyan ka
ng sapat nakalaaman hinggil sa paksang ito. Kailangang mapag-aralan mo ito upang magamit nang tama sa
iyong pakikipagkomunikasyon.

Aralin 2: PAGBASA AT PAGSULAT

SPECIFIC LEARNING OUTCOMES

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito,inaasahang:
1. nagagamit ang mga layunin sa pagbasa at pagsulat;
2. naiisa-isa ang iba’t ibang tekniko;
3. nailalahad at naipaliliwanag ang kahulugan ng pagbasa at pagsulat;
4. naiuugnayat sasarilingdamdamin at saloobin ang suliraning nangingibabaw sa pagbabasa ng isang
akda;at
5. nakabubuo ng paraan at ang kahalagahan pagsusulat; isang talumpating may ng pagbabasa at
kaugnayan sa isyung panlipunan/pangkalusugan batay sa makabagong prinsipyo at pananaw hinggil
sa mabisang pagsulat.

PRE-ASSESSMENT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamangsagot.

1. Ito ang pinakagamitin sa lahat ng makrong kasanayan.

a. Pagbabasa b. Pagsusulat
c. Pakikinig d. Pagsasalita

2. Para sa kanila, nakapaloob sa kasanayang pakikinig ang pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at
talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita.
a. Howatt at Dakin b. Manuel at Sauco
c. Alcantara at Espina d. Yagang at Rivers

3. Tumutukoy sa pagkilala at pag-aayos ng mgatunog.

3 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

a. pagpipili b. pag-unawa
c. pagkilala d. pagpapalawak

4. Naipapakita ito sa pag-iling, pagtawa, pagsimangot, at iba pang panandang di-berbal.

a. Direktang feedback b. Indirektang Feedback
c. Naantalang Feedback d. Komprehensyon

5. Pakikinig naisinasagawa kasabay ang iba pang gawain.

a. Mapanuring Pakikinig
b. Malugod na Pakikinig
c. Masigasig na pakikinig
d. Marginal o Passive na Pakikinig

6. Isa itong sistematikong paraan at pagsusuring lohikal sa pamamagitan ng matiyagang pagkuha ng

datos.
a. Pananaliksik b. Pagbasa
c. Pagsulat d. Pakikipanayam

7. Isang anyo o kasanayan ng komunikasyon.

a. Pagbasa b. Pagsulat
c. Pagsasalita d. Pakikinig

8. Ayon sa kanila ang pagsulat ay extention ng wika

a. Peck at Buckhinghan b. Smith at Dechant
c. Lalurio at Bouman d. Webster at Hutch

9. Anumang natutunan sa makrong pakikinig, pagsasalita, at pagbasa ay magiging output ng:

a. wika b. komunikasyon
c. talakayan d. pagsulat

10. Ang layunin nito ay ang magbigay ng impormasyon, kaalaman at aral.

a. Pagbasa b. Pagsulat
c. Pakikinig d. Pagsasalita
4 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

LESSON MAP

KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN
NG PAGBASA

KAHALAGAHAN
AT KAHULUGAN MGA URI NG
NG PAGBASA AT PAGBASA
PAGSULAT

KAIBAHAN NG
DALAWANG
MALAKAS AT
DIMENSYON
MASISINANG
NG PAGSULAT
PAGBASA

Banghay na nagpapakita ng mga nilalaman ng Makrong Kasanayan sa Pagbabasa at pagsusulat

CORE CONTENTS

ENGAGE: PAGBIBIGAY PUNA

PANUTO: Tingnan ang mga larawang ipinakita at sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
5 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

1. Ano-ano ang makikita sa mga larawan sa itaas?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
2. Ano ang pagkakaiba ang bawat larawan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
3. Bakit mahalagang matutunan ang tamang pagbabasa at pagsusulat?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

EXPLORE: BASAHIN AT UNAWAIN!

PAGBASA:
Isang kasanayang pangwika ang pagbasa na tulad ng pakikinig. Kailangan ito upang matamo ang
mabisang pakikipagtalastasan. Mahalagang malinang ito para sa ikatatagumpay ng mga layunin at hangarin
ng nagsasalita.
Isang bahagirin ng komunikasyon ang pagbasa na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Ito
ay pagkilala at pagkuha ng mgaideya at kaisipan sa mga simbolo ng na kalimbag upang mabigkas ng
pasalita ang mga ito.
6 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kay Toze (qtd. Belvez, 1990)“Ang Pagbasa ay lubhang mahalaga sa ikauunlad ng kaalaman o
karunungan ng mga kabataan”.
Para naman kay Villamin (1981), “Ang Pagbasa ay lubhang mahalaga sa ikakaunlad ng kaalaman o
karunungan ng mga kabataan lalo nasa panahon ngayong paunlad ng paunlad ang kabihasnan”. Ang
kakayahan at kasanayang bumasanang may pag-unawa at pagpapahalaga ay susi ng tagapagbukas sa
daigdig ng kaalaman at kawiliihan.

Dalawang Uri ng Pagbasa

1. Malakas na Pagbasa
Layunin nito ang magbigay ng impormasyon at kaalaman, umaliw at magbigay ng aral.
Ginagawa rin ito sa harap ng madla, tagapakinig o mgatagapakinig. Nangkakaroon ng pakikipag-ugnayan
ang bumabasa sa mga nakikinig sa malakasang pagbasa.

Para kay Carmelita Lorenzo (1994),malaki ang papel na ginagampanan ng mambabasasa

ganitong uri ng pagbasa. Nakasalalay sa kaahusayan sa pagbasa ang wastong pang-unawa ng mga
nakikinig sa mga bagay na binabasa. May ilang mga bagay na dapat bigyang-pansin sa pagbabasa nang
malakas:
a. Tindig
Makatutulong ng Malaki sa maginhawang paghinga at pagbigkas ng mga salitang binabasa
ng tamang tindig. Dapatuwid ang tindig at magkalapit ang dalawang pang nakalapat sa tinatayuan.
b. Lakas ng Boses
Dito dapat isaalang-alang na iangkop ang lakas ng boses sa dami ng tagapakinig.
Nakapagpapanto sa mga tagapakinig ang mahina at hindi sapat na lakas ng boses.
c. Paraan ng Pagbigkas
Malaking tulong sapag-unawa ang pagbigkas nang malinaw at tama. Tumutukoy ito sa paraan
ng pagbigkas ng mga salita, pagbigkas ng iba’tibang uri ng akda at pahayag na babasahin at tamang
intonasyon.

d. Paghawak sa Aklat o Anumang Babasahin at Lathalain

Dapat hawakan ang aklat sa kaliwang kamay kapag magbabasasa harap ng klase. Ginagamit
naman ang kanang kamay na pambuklat sa mga pahina na binabasa.

2. Tahimik na Pagbasa
Lubos na konsentrasyon napag-unawa ang kailangan ng mambabasa sa ganitong uri ng
pagbabasa. Dalawang papel ang ginagampanan ng tagabasa sa tahimik pagbabasa, bilang mambabasa at
7 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

bilang taga-unawa ng binasa. Bilang mambabasa kailangang pumili ng lugar kung saan gagawin ang
pagbabasa ng tahimik.

KAIBAHAN NG MALAKAS AT MASINSINANG PAGBASA

Ang pamantayan ng maunlad na pagbasa ay sumasaklaw sa ka kinisan o kadalisayan ng
talasalitaan, masusing pag-unawa, pagpapahalaga sa panitikan at kasanayan sa pag-aaral.
Ang masaklaw na pagbabasa ay ang malayang pagbabasa na nakakaaliw at nakalilibang.
Sa paraang ito, nasisiyahan ang mambabasa na maupo sa isang maginhawang lugar at tahimik na
binabasa ang isang aklat, magasin, pahayagan o anumang babasahing nagpapasigla sa kanyang panlasa
at pagpapahalaga.
Sa kabilang dako naman, ang masinsinan o masidhing pagbabasa ay ang
pagpasasaklase o aklatan. Sa pagbasang ito, ibinubuhos ang panahon upang maunawaang mabuti ang
mga aralin na kailangan sa iba ibang kasanayan sa pagbasa.

URI NG PAMIMILING PAGBASA

1. ISKANING

Uri ng pagbasasa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa material na hawak
tulad ng pagbasasa mga susi n asalita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di
binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang
binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo pangalamin kung nakapasasa isang Board
Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang particular na mpormasyon sa
aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na
pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga
matasa partikular na impormasyon sa isang tiyak napahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong
pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng
numero ng isang taong nais makausap.
8 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilis ang
pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng material nababasahin.
Ito rin ay pagtingin o paghanap sa
mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng
term paper o pamanahong papel, riserts
at iba pa.

Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

3. PREVIEWING

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi

kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang
kabuuan at ang estilo at register ng wika ng
sumulat. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis napagbasa at pag-
unawa sa binabasa. May iba’t ibang
bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga
sumusunod:

a. Pagtingin sapamagat, heding at sub-heding nakaraniwang nakasulat ng italic.

b. Pagbasa ng headingnanakasulatsa ng blue print.
c. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding nakaraniwang nakasulat ng italik.
d. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
e. Pagbasasauna at huling talata.
f. Pagbasasa una at huling pangungusap ng mga talata.
g. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
h. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
9 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

3. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbaw habang may inantay
o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad
halimbawa ng pagbasasa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin
malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat
sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may
hangarin na mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na
may layuning maunawaang ganap ang binabasa
para matugunan ang pangangailangan tulad ng
report, riserts, at iba pa.

7.
RE-READING O MULING PAGBASA
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo
ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa
ng material na binasa.

8. PAGTATALA

Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga

mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker
para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

9. PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng

paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag.
10 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

Hindi basta-basta nagaganap ang pagsulat. kung ang mga tamang sangkap sa pagsulat Nangyari
lamang ito ay mahusay na napag-iisang sistematikong paraan: isang manunulat, karanasan, kawing ng
mgasalita at isang kapaligiran na magsisilbing

Landas tungo sa mabisang paglalahad ng mga ideya at kaisipan.

DALAWANG DIMENSYON NG PAGSULAT

 Pinatnubayang Pagsulat
Tumutukoy ito sa mga gawaing may kaugnayan sa paglalapat ng mga batayang istruktura ng wika,
mgatuntuningpanggramatika, talasalitaan at mga kaanyuang panretorika na natutunan pagbasa at
pagsasalita.

 Malayang Pagsulat
Tumutukoy naman ito sa malikhaing paggamit ng wika sa pagpapahayag ng kaisipan. Sa uring ito ng
pagsulat, kinakailangang mailantad ang mag-aaral sa ibat-ibang anyong panretorika sa pamamagitan ng
malawak na pagbabasa upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagsulat ng komposisyon.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON

 Kontroladong Pagsulat - binubuo ito ng mga Gawain sa pagsulat na maglalaan sa mga mag-aaral
ng ibat-ibang pagsasanay sa pagsulat ng mgapangungusap o talata nawalang kanalian.
 Pinatnubayang Pagsulat - tumatayong tulay sa pagitan ng kontrolado at malayang pagsulat ang
mga Gawain sa hakbang na ito. Mas higit ang input ng mga mag-aral kaysa sa guro.
 Malayang Pagsulat – Hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat ang prosesong ito kundi
kasangkot din ito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa, pagpapaplanu,
pagsusulat, pag-eedit at pagsulatmuli ng nabuong sulatin.

PAGBASA
EXPLAIN: IPALIWANAG MO!
1. Ibigay ang saring pangangahulugan sa pagbasa at pagsulat.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Bakit napakahalaga ang pagsulat at pagbasa? Magbigay ng makatotohanang halimbawa..
11 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga uri ng pamimiling pagbasa?

4. Ano-ano ang mga hakbang ng pagsulat?

5. Paano mo maituturo ng epektibo sa iyong mga bata ang pagbasa at pagsulat upang matuto sila nito?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

EXTEND: TALUMPATI

PANUTO: Sumulat ng isang talumpati gamit ang paksang “Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba
Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-asa”
12 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

RUBRIK NG SARILING PAGTATASA

Krayterya PANGKALAHATANG SARILING ISKOR

ISKOR
1. Katapat
a. Pagkakalutang ng Wika 50%

b. Pagbibigaydiin sa
Damdamin
2. Hikayat
a. Pang-akit sa Madla 50%
b. Maayos at malinaw
c. kaangkupan sa diwa at
damdamin
KABUUAN 100%

EVALUATE: GAWIN NATIN

A. Panuto: Gamit ang Semantic Mapping. Magbigay ng mga salita nasa palagay mo ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagbasa at pagsulat bilang isa sa mga makrong kasanayang pangwika.

MAKRONG KASANAYAN
SA WIKA
13 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

PAGBASA PAGSULAT

Mula sa mga salitang ibinigay, pumiling dalawang salita mula sa pagbasa at dalawa naman mula sa pagsulat
at bigyan ito ng maikling paliwanag kung bakit mahalaga ang mga ito sa pagtamo ng mabisang
pakipagtalastasan

1.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________

2.____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________

3.____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________

4.____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________

5.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________

B. Panuto: Basahin at unawain ang akda na mababasa sa link na nasa ibaba. Sumulat ng isang
mapanuring reaksyong naghahayag ng damdamin at sa loobin tungkol sa mga karaniwang tanong ng
mga kabataan.
14 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

Reaksyon:

___________________________________________________________________________.

TOPIC SUMMARY
Makrong Kasanayan sa Pagbabasa
Kahulugan at kahalagahan
Isang bahagirin ng komunikasyon ang pagbasa na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Ito
ay pagkilala at pagkuha ng mgaideya at kaisipan sa mga simbolo ng na kalimbag upang mabigkas ng
pasalita ang mga ito.
Dalawang Uri ng Pagbasa Layunin nito ang magbigay ng impormasyon at kaalaman, umaliw at
magbigay ng aral. Ginagawa rin ito sa harap ng madla, tagapakinig o mgatagapakinig. Nangkakaroon
ng pakikipag-ugnayan ang bumabasa sa mga nakikinig sa malakasang pagbasa.
Kaibahan ng malakas at masisinang Pagbasa
Ang pamantayan ng maunlad na pagbasa ay sumasaklaw sa ka kinisan o kadalisayan ng
talasalitaan, masusing pag-unawa, pagpapahalaga sa panitikan at kasanayan sa pag-aaral.

POST-ASSESSMENT
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Layunin nito ang magbigay ng impormasyon at kaalaman, umaliwat magbigay ng aral.
a. Malakas na Pagbasa b. Tindig
c. Lakas ng Boses d. Paraan ng Pagbigkas
2. Makrong kasanayan na paglalarawan ng wika sa tekstwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng
paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag.
a. Pagsulat b. Pakikinig
c. Pabasa d. Pagsasalita
15 Module 5 | MAKRONG KASANAYAN

3. Tumutukoy sa mga gawaing may kaugnayan sa paglalapat ng batayang istruktura ng wikang tuntuning
pang gramatika, talasalitaan
a. Pinatnubayang Pagsulat b. Malayang Pagsulat
c. Pinatnubayang Pagsulat d. Malayang Pagsulat
4. Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon.
a. Scanning b. Iskimming
c. Pagtatala d. Kaswal
5. Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.
a. Scanning b. Iskimming
c. Pagtatala d. Kaswal
6. Malaking tulong sa pag-unawa ang pagbigkas nang malinaw at tama.
a. Tindig b. Lakas ng Boses
c. Pagtatala d. Paraan ng Pagbigkas
7. Pagbasa na kung saan ay nagsasagawa ng paggalugad sa material na hawak tulad ng pagbasasa
mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.
a. Scanning b. Iskimming
c. Pagtatala d. Kaswal
8. Malayang pagbabasa na nakakaaliw at naklilibang
a. Masaklaw na Pagbasa b. Lakas ng Boses
c. Pagtatala d. Paraan ng Pagbigkas
9. Lubosnakonsentrasyon napag-unawa ang kailangan ng mambabasasa ganitong uri ng pagbabasa.
a. Masaklaw na Pagbasa b. Tahimik na Pagbasa
c. Pagtatala d. Paraan ng Pagbigkas
10. Tumatayong tulay sa pagitan ng kontrolado at malayang pagsulat ang mga Gawain sa hakbang na ito.
a. Pinatnubayang Pagsulat b. Malayang Pagsulat
c. Pinatnubayang Pagsulat d. Malayang Pagsulat

 REFERENCES

 Leticia C. Pagkalinawan, et al.

 Dr. Eliza E. Bayang (2015) Surigao City
 Aguilar, E. et al (2004). Ang bagong Filipino ngayon. Makati City: Studio Graphic Corporation.
 Alejo, Z (2008. Akademikong Filipino sakomunikkasyon: Filipino I ( pangkolehiyo)
 https://www.google.com/search?
q=makrong+kasanayan+kahulugan&rlz=1C1GGRV_enPH787PH787&sxsrf=ALeKk03K5hMY7kcmGp
JFA45vxzOAe827Cg:1594776942818&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiGv7CJj87qAh
UHfd4KHUMjB6wQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1517&bih=730#imgrc=HcsU-rhV8ulCjM
 http://filipino.cri.cn/301/2017/07/18/106s150679.htm

You might also like