You are on page 1of 1

Mga Halimbawa ng Panitikan

1. Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa


buhay ng tao.
2. Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at
nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.
3. Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop
at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.
4. Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may
pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.
5. Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito
ay kadalasang piksyon.
6. Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.
7. Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at
kadalasan ay marami itong yugto.
8. Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng
may-akda sa mga bagay-bagay.
9. Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang
mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.
10. Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento
ay kumakatawan sa mga uri ng tao.
11. Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga
mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
12. Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o
mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay
ipinapahayag sa ibabaw ng establado.
BASAHIN RIN: Tanyag Na Mga Pilipino Sa Larangan Ng Panitikan (Filipino)

You might also like