You are on page 1of 9

Ikalawang Modyul Para sa Unang Aralin

I. Pamagat ng Yunit : Kapaligiran Aking Aalagaan

Sa yunit na ito ay matututuhan ng mga mag-


aaral ang paggamit ng wikang Filipino upang
madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit
ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag
ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan
nang may lubos na paggalang sa kultura ng
nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.

i. Kompetensi / Layunin : Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng


modyul
na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay :

2.1 Natutukoy ang mga bahagi at elemento ng


binasang kwento (simula, kasukdulan,
katapusan) F4PB-li-24

Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal:


pang-impormasyon, pang-aliw, panghikayat)
F4PDI-e-2
Nasusuri ang pagkakaiba ng mga salitang
magkakasingkahulugan at magkakasalungat
DBS

Naibibigay ang kahulugan ng


salitasapamamagitan ng pormal na depinisyon
(kasingkahulugan at kasalungat)F4PT-la-1.10;

Nakagagamit ng mga pangngalan sa


pangungusap DBS

Bilang ng Sesyon Mga Gawain Laang Minuto

Unang Sesyon Panimulang Pagsusulit- Pre test NGS 5 minuto


Phase 1 – “I Do”
Pre-recorded Lesson 25 minuto

Pangwakas na pagsusulit- Post test NGS 15 minuto

Engage - Paglusong
Ikalawang Sesyon Malikhaing Pagkukwento 25 minuto
Phase 2 – “We Do”

Explore - Pagsagwan

Pagsagot sa mga tanong bilang


pagpapalalim ng pag-unawa 20 minuto

Explain – Paglalayag
Ikatlong Sesyon Pagtukoy sa ibat ibang bahagi ng kwento
Phase 2 – “We Do” gamit ang kwentong binasa 45 minuto

Elaborate - Pagsisid
Ikaapat na Sesyon Pagsagot ng Modyul 25 minuto
Phase 2 – “We Do” 20 minuto

Mini Task 1

Evaluate - Pagdaong
Ikalimang Sesyon Lagumang Pagsusulit 45 minuto
Phase 3 – “You Do”

II. Kagamitang Pampagkatuto : Pluma 4, Pre-recorded Lesson, Videos,


Module,
Powerpoint

III. Oras / Araw na Target :

IV. Pangunang Salita ng Guro


Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na
nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa
bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon. Ang mga
halimbawa ng kwentong bayan ay Alamat Mito Parabula at Pabula.

V. Panimulang Gawain:

Phase 1 – “I do” Unang Sesyon

Bago mo simulan ang gawaing nakapaloob sa modyul na ito, sagutan mo muna ang inihandang
paunang pagsusulit ng guro.

Subukin Mo (Pre-test)
Piliin ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig ng pangungusap at MALI kung hindi.

T M 1. Ang mga bahagi ng Kwentong Bayan ay Simula, Kasukudulan at katapusan


T M 2. Ang kwentong Bayan ay tumutukoy sa mga pinagmulan ng bagay.
T M 3. Sa Simulang bahagi mababasa ang mga tauhan, tagpuan at suliranin.
T M 4. Ang Kwento ni Juan Tamad ay isang halimbawa ng Pabula.
T M 5. Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
Pre-Recorded Lesson: Mga Kwentong Bayan.

Kwentong Bayan
Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na
nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa
bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
Ano ano ang mga halimbawa ng kwentong bayan-

Una ay Alamat
1. Alamat-Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan
ng isang bagay, pook, tao o hayop.
2. Mito-Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa
mga nilalang o mga tao.
3. Parabula- Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng
aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula.
4. Pabula- Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga
bagay na nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung
saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.

Mga Halimbawa:
Ilan sa mga kilalang kwentong bayan ay ang “Alamat ni Maria Makiling“, “Si Juan at ang mga
Alimango“, “Alamat ng Bayabas” at marami pang iba.

Si Juan tamad ay isang kilalang tauhan sa mga kuwentong-bayang Pilipino.


Tanyag sya dahil sa labis na katamaran. Maraming bersiyon ng kanyang kwento ang nagp
salin-salin sa bibig ng mga Pilipino tungkol sa kanyang labis na katamaran at minsa’y
kahinaan ng ulo na nagdudulot ng katawa tawang mga eksena.

Hindi tukoy kung sino ang lumikha ng tauhang Juan Tamad subalit nuong 1919,
isang hindi kilalang manunulat ang naglathala sa Maynila ng aklat na pinamagatang Ang Buhay na
Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia sa Caharian nang Portugal. Ang aklat na ito
ay naglalaman ng 78 na pahina ng mga tulang may tig aapat na taludtod sa bawat saknong at pitong
saknong bawat pahina tungkol sa pakikipag sapalaran sa Portugal ng isang batang nagngangalang Juan
Tamad na anak nina Fabio at Sofia. Bukod dito’y marami pang ibang kwento at maging pelikula ang
nalikha na pawang si Juan Tamad ang insipirasyon.

Sa kwentong babasahin mo ay may ibang mukha ni Juan ang makikila mo. Hindi pala sya tamad
kundi masipag subalit hindi siya maintindihan ng mga tao kaya napagbintangan siyang tamad.

Ngayon ating alamin ang mga bahagi ng kwento:

1. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino
ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang
panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento
para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan
ng kwento.
 
Ngayon ay subukan natin ang iyong kaalaman. Mag log in sa inyong Aralinks NGS at sagutan ang
Gawain blg 8 Natutuhan mo ba?

Gawain Blg. 8: Natutuhan Mo Ba? (Post-Test)


Piliin ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig ng pangungusap at MALI kung hindi.

_____1. Ang SIMULA, GITNA at KASUKDULAN ay tinatawag na element ng kwento.


_____2. Matatagpuan sa SIMULA ng kwento ang mga tauhan, tagpuan at suliranin.
_____3. Ang GITNA ng kwento ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
_____4. Ang WAKAS ng kwento ay binubuo ng kakalasan at katapusan.
_____5. Ang kuwentong Juan Masipag ay halimbawa ng isang maikling kwento.  

Konklusyon:

Sa iyong journal, magsulat ng isa hanggang dalawang pangungusap tungkol sa iyong natutunan sa araw
na ito.
Hal: Sa araw na ito, aking natutunan na,____________________________________________________

1ST Phase 2 – “We Do”Ikalawang Sesyon

A. Paglusong (Engage)
Pangunang Salita ng Guro
Paano mo maipapakitang masipag ka sa inyong tahanan?
ano kaya ang maaaring mangyari sa isang taong masipag pagdating ng araw?
Gawain Sagutan: Simulan Natin
Pluma ph. 78-79

1. Masasabing masipag ang isang tao kung siya ay____________________________________


2. Masasabi naming TAMAD ang isang tao kung siya ay________________________________
3. Pagkatapos mong maisulat ang iyong paliwanag, masasabi mo bang ikaw ay:
TAMAD o MASIPAG
Ipaliwanag ang sagot na nilagyan mo ng tsek:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain: Basahin natin ang kwentong
si Juan Masipag Pluma ph. 81-83
Matapos basahin ang kwento ni Juan Masipag, sagutan ang mga ss. Na katanungan sa Pluma ph. 85
Gawain: Sagutan ang Sagutan Natin B
Pluma ph. 85
Basahin at Kilalanin ang tauhan batay sa kanilang kilos o sinambit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Naku, ito talagang si Juan ay napakatamad! Mukhang nagaabang nanaman sa pagkahulog ng bunga
ng bayabas!” si Mang Emong ay___________________
a. mapanghusga
b. masipag
c. palabiro

2. “Mang Emong kaya po ako nakahiga ay inaabangan ko kayo dahil gusto ko sanang ibigay sa inyo ang
isang supot ng bayabas. Labis labis sa akin ang napitas ko kaya sa inyo na ito.” Si Juan ay________
a. masayahin
b. mapagbigay
c. mapaghiganti
3. “Magandang araw po aling Teresita, Juanita.” Si Juan ay________
a. maagap
b. masikap
c. magalang

4. “Ayaw ko pong tanghaliin sa bukid dahil mas mabilid kaming nakatatapos ng aking kalabaw kung
indi kami nakabilad sa tirik na araw habang nagtatrabaho.” Si Juan ay________
a. masayahin
b. mapagbigay
c. mapaghiganti

5. “Aba’y kay lalaki ng mga hito. Tiyak na masarap ang ma ito!” Si Aling Teresita ay________
a. nagbibiro
b. nahihiya
c. natutuwa

Phase 2 – “We Do” Ikatlong Sesyon


Pagpapatuloy ng pagsagot sa modyul.

Gawain: Character Problem Solution


Pagtukoy sa mga bahagi at elemento ng binasang kwento

Mga tauhan: Mga tagpuan:


1. Simula

2. Gitna

3.Wakas

Pagsagwan (Explore)
Gawain Blg : Suriin mo! (Video Analysis)

Panuorin ang maikling video clip na “Sipag at tiyaga, ginamit ni Vin Dela Cruz para maging milyonaryo
bago pa mag-kolehiyo”

https://www.youtube.com/watch?v=XqvZZdhfNXE

Gawain: Think Talk


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa napanuod na video clip.
- Paano nakatulong ang pagsusumikap at pag sisipag sa pagtatagumpay ni Vin sa buhay?
- Anong aral ang natutunan mo mula sa napanuod?

Konklusyon:
May mga taong nagtagumpay sa buhay sa kabila ng ng kahirapan dahil sa pagsusumikap at pagsisipag.
Lahat ay makakaya basta’t ang tao ay masipag, matiyaga at may determinasyon sa buhay.

Phase 3 – “You Do”

Lagumang Pagsusulit Blg. 1


Lupit ng Kalikasan
Punla 5
 
Ang kalikasan bagamat hindi nakapagsasalita ay naghahatid ng mensahe sa mga mamamayan sa
sarili nitong paraan. Kaunting pagbaha, sandaling paglakas ng ulan, iyan ang mga paraan ng ating Inang
Kalikasan para mangusap sa atin at para paalalahanan tayo kapag nakalilimot na.
Taon-taon, ang iba’t ibang lugar sa ating bansa ay sinasalanta ng mga bagyo at baha. Maraming
namamatay at nawawalan ng tahanan dahil sa mga kalamidad na ito. Maraming pananim ang nasisira.
Maraming mahihirap ang lalo pang naghihirap dahil sa mga epekto ng mga bagyo at baha.
Bakit nga ba napakadalas ng pagbaha ngayon? Ano ba ang dahilan nito? May kinalaman ba ang
tao sa mga pangyayaring ito? May magagawa ba tayo upang maiwasan ang pagbaha?
Kasakiman at kawalan ng disiplina ang dahilan ng madalas na pagbaha. Kasakiman, sapagkat walang
patumanggang pinuputol ng mga tao ang mga punongkahoy sa mga bundok at gubat upang ipagbili nang
magkamal sila ng limpak-limpak na salapi. Ang malaking ugat ng punongkahoy ay sumisipsip ng tubig-
ulan. Dahil sa kalbo na ang mga bundok, wala nang sumisipsip ng tubig-ulan kaya pagbuhos ng malakas
na ulan ay tuloy-tuloy ito sa mga kapatagan at dito na naiipon kaya bumabaha.

Paano nagiging sanhi ng pagbaha ang kawalan ng disiplina? Maraming tao ang hindi
nagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran. Bunton-bunton ang mga basura. Tinatapunan din ng basura
ang mga kanal at nagbabara ang mga ito. Ang mga bunton ng basura at baradong kanal ay pumipigil sa
pagdaloy ng tubig. Naiipon ang tubig kaya nagbabaha.
Malaki ang maitututlong ng bawat isa sa atin upang maiwasan ang pagbaha. Magtanim tayo ng mga
punongkahoy. Gawin nating luntian ang ating paligid. Maglinis tayo ng paligid. Itapon natin nang wasto
ang mga basura. Alisin natin ang mga bara sa kanal. Tayo na!

I. Bilugan ang salitang nagpapahiwatig ng kasingkahulugan ng naguguhitang salita sa


pangungusap.

1. Magiging mabuti ang buhay ng taong may disiplina sa sarili.


a. alam b. isip c. kontrol d. tiwala
2. Sinasalanta ng bagyo ang kanilang mga pananim taon-taon.
a. dinadaanan b. dinadalaw c. nalalanta d. sinisira
3. Pangarap ng maraming tao na sila’y magkamal ng maraming salapi.
a. gumastos b. magkaroon c. magbigay d. mag-ipon

4. Napakadalas niyang magkasakit sapagkat kulang siya sa sustansya.


a. napakahirap b. bihira c. malimit d. napakatagal
5. Unti-unti nang nauubos ang mga puno sa kagubatan dahil sa walang patumanggang gawain
ng mga tao.
a. tuloy-tuloy b. putol-putol c. pahinto-hinto d. madalas-dalas

6. Ang kalikasan bagamat hindi nakapagsasalita ay naghahatid ng mensahe sa mga mamamayan


sa sarili nitong paraan.
a. nagbibigay b. nagsusukli c. nag-aalok d. nagsusumamo

7. Kasakiman at kawalan ng disiplina ang dahilan ng madalas na pagbaha.


a. mapagbigay b. makasarili c. masungit d. walang pakielam

II. Isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot ayon sa binasang akda.

____8. Ano ang dahilan pagbaha sa paligid ayon sa kwento?

a. Di paglillinis sa paligid c. Kapabayaan ng mga mamamayan


b. Pag-iipon ng basura sa kalsada d. Pagtatapon kung saan-saan ng mga tao

____9. Ano ang tawag sa pangyayaring gawa ng kalikasan?

a. Sakuna b. Tag-ulan c. Kalamidad d. Aksidente

____10. Ano ang tunay na dahilan ng pagbaha ngayon?


a. Tambak ng basura c. Malakas na buhos ng ulan
b. Kawalan ng disiplina d. Baradong mga daluyan ng tubig
____11. Ano ang nangyari sa mga kabundukan at kagubatan sa bansa?
a. Naubos ang mga pananim na puno c. Tinayuan ng malalaking gusali ang lugar
b. Pinatag ang mga kabundukan sa bansa d. Nawala ang mga tagapag-alaga ng pananim

____12. Ano ang epekto ng bagyo at baha ayon sa binanggit sa teksto?


a. Kahirapan c. Pagkawala ng trabaho
b. Pagkamatay ng hayop d. Pagkasira ng pananim

III. Isulat sa patlang ang A kung SIMUNO, B kung KAGANAPANG PANSIMUNO ang
pangngalang naguguhitan sa pangungusap.

____13. Pneumonia ang sakit na dumapo sa kanyang katawan. B


____14. Si Aling Belen ang nagturo sa anak ng pagluluto ng kare-kare. A
____15. Si Kapitan Basilio ay isang magaling na kapitan sa lugar namin. B
____16 Nababahala ang mga mamamayan sa epektong dulot basura sa daan. A
____17. Nakasalubong niya ang kanyang tiyahing namimili ng gulay sa palengke. A
____18. Si Mang Andres ang tagahatid sa kanyang anak na nagtatrabaho sa Makati. B
____19. Dapat pangalagaan ang ating kapaligiran upang maging maginhawa ang buhay. A
____20. Ang lugar na ito ay naging pasyalan ng pamilya tuwing walang pasok sa paaralan. B
____21. Sakit ang dulot ng maruming kapaligiran. A
____22. Ang DENR ang organisyayong naglalayong protektahan ang kapaligiran. B
____23. Layunin ng bawat miyembro na maging malinis ang paligid. B
____24. Ang ilog Pasig ay isa sa dapat na bantayan at pangalagaan. A.

IV. Basahin ng Mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang iyong sagot kung ito ay OPINION o
REAKSYON at salanguhitan ang pariralang ginamit sa bawat pangungusap.

OPINYON REAKSYON 25-26. Para sa akin, hindi dapat huminto ng pag aaral si Andres da
pandemya. Maraming paraan upang maipagpatuloy pa ang pag-aaral.
OPINYON REAKSYON 27-28. Anong ganda ng Pilipinas!
OPINYON REAKSYON 29-30. Sobrang baho ng mga basura na nagkalat sa lansangan!
OPINYON REAKSYON 31-32. Naniniwala akong malalagpasan ng mga tao ang problema sa basura
ito ay pagtutulung tulungan.
OPINYON REAKSYON 33-34. Gusto ko lang bigyang diin na, hindi masama ang gumamit ng lik
yaman ngunit dapat natin itong palitan.
OPINYON REAKSYON 35-36. Kay sarap ng lutong kare kare ni aling Nena!
OPINYON REAKSYON 37-38. Sa aking karanasan, mas masarap mamuhay sa probinsya.
IV. Tingnan ang larawan. Ibigay ang iyong sariling opinion at reaksyon gamit ang larawan
sa ibaba.

Rubrik: 1 puntos – angkop ang sagot 1 puntos – tamang gamit ng salita

39. OPINYON:

Sa aking palagay, ang ating mundo ay unti unti nang nasisira dahil sa kagagawan ng mga tao.
Halimbawa na lamang ng mga dahilan ay ang polusyon at ang patuloy na pang aabuso sa
kalikasan.

40. REAKSYON:
Anong sama ng mga tao! Unti unti ng nasisira ang kapaligiran dahil sa patuloy na pang aabuso
rito!

You might also like