You are on page 1of 8

I.

Pamagat ng Yunit : Kapaligiran Aking Aalagaan

Sa yunit na ito ay matututuhan ng mga mag-aaral ang


paggamit ng wikang Filipino upang madaling maunawaan at
maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman,
magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na
paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng
mensahe.

II. Kompetensi / Layunin : Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng modyul na


ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay :

Natutukoy ang mga bahagi at elemento ng binasang


kwento (tauhan, tagpuan, banghay) F4PB-la-97
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-
impormasyon F4PB-Ia-d-3.1
Natutukoy ang pagkakaiba ng opinyon at reaksyon DBS
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa
isang napakinggan/napanood na isyu o usapan F4PS-
ld-i-1
Natutukoy ang mga gamit ng pangngalan sa binasang
teksto DBS
Nakasusulat ng natatanging kwento tungkol sa
natatanging tao sa pamayanan, tugma o maikling tula
F4PU-la-2, F4PU-lc-2.2
III. Kagamitang Pampagkatuto : Pluma 4, Pre-recorded Lesson, Videos, Module,
Powerpoint

IV. Oras / Araw na Target : Agosto 1-5

Bilang ng Sesyon Mga Gawain Laang Minuto


Unang Sesyon Pre test NGS 5 minuto
Phase 1 – “I Do” Pre-recorded Lesson 25 minuto
Post test NGS 15 minuto
Engage - Paglusong
Ikalawang Sesyon Mga bahagi ng elementong 25 minuto
Phase 2 – “We Do” binasa (tauhan, tagpuan, banghay)
Explore - Pagsagwan
Tekstong pang impormasyon 20 minuto
Explain – Paglalayag
Ikatlong Sesyon
Phase 2 – “We Do” Pagkakaiba ng Opinion at 45 minuto
Reaksyon
Elaborate - Pagsisid
Ikaapat na Sesyon 25 minuto
Phase 2 – “We Do” Pagsagot ng Modyul 20 minuto
Mini Task 1
Evaluate - Pagdaong
Ikalimang Sesyon 45 minuto
Phase 3 – “You Do” Mahabang Pagsusulit Blg. 1

V. Pangunang Salita ng Guro


Ang paksang tatalakayin sa bahaging ito ay tungkol sa maikling kwento. Ito ay isang anyo ng
panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-
iiwan ito ng kakintalan o impresyon lamang sa isip ng mga mambabasa. Ang bawat maikling kwento
ay may mahahalagang elemento. Ang mga sangkap na ito ang kadalasang nag iiwan ng kakintalan
sa kaisipan ng mga mambabasa. Ito ay nagbibigay ng mabubuting aral na maaaring gamitin ng
mambabasa sa kanyang buhay.
Nakapaloob din sa tatalakaying aralin ang gramatika kung saan matututunan ang wastong gamit ng
pangngalan at bilang bahagi ng pananalita na magiging gabay sa maayos sa pakikipagtalastasan sa
ating kapwa.

VI. Panimulang Gawain:

Phase 1 – “I do” Unang Sesyon

Bago mo simulan ang gawaing nakapaloob sa modyul na ito, sagutan mo muna ang inihandang paunang pagsusulit
ng guro.
Subukin Mo (Pre-test)
Piliin ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig ng pangungusap at MALI kung hindi.

T M 1. Matatagpuan sa ating kapaligiran ang mga pangangailangan natin sa buhay.


T M 2. Dapat pagsama-samahin sa iisang lalagyan ang mga basurang ating itatapon.
T M 3. Napapadali ang isang gawain kapag ito’y pinagtutulong-tulungang gawin.
T M 4. Nararanasan lamang ang pagbaha sa mga lugar na malalayo at sementadong daan.
T M 5. Bahagi ng kapaligiran ang mga gusali, bahay at iba pang istrukturang makikita sa palibot.

Pre-Recorded Lesson: Ang Huling Balete sa Ilog Pasig

Ang maikling kwentong ito ay may pamagat na, “Ang Huling Balete sa Ilog pasig”. Ayon sa kwento, ang ilog
pasig ay isa sa pinaka maganda at pinaka malinis na ilog, at dahil dito, meron itong ang isang malaking puno na ang
tawag ay punong balete. Ayon sa kwento, ito ay nagiging pasyalan ng mga tao. Sa tabi ng punong balete, dito
makikita ang malinis at malawak na ilog pasig. Ito ang nagsisilbing paliguan ng mga bata at pasyalan ng mga tao at
sa mga punong nakatanim rito, makikita ang napakaraming ibon at paru paro. Ngayon, ang Ilog Pasig dahil nga
malinis, nagsisilbi itong labahan ng mga nanay at ito rin ang pangisdaan ng mga tao. Dito na lang Hinuhuli ang mga
naglalakihang mga isda at sa Ilog Pasig dito ang nagsisilbing pasyalan ng mga tao. Marami ring mga bangka ang
namamasyal, dahil malinis ang tubig. Subalit paglipas ng panahon eto na ang kinalabasan ng Ilog Pasig. Punong-
puno ng basura! Halos hindi na nga maaninag ang ilalim ng tubig.
Subalit maraming mga mamamayan ang gustong maibalik ang dating malinis na ilog kaya gumawa sila ng
hakbang kung papaano muling maibabalik ang kagandahan ng ilog. Isang babae ang namuno at dahil sa
pagtutulungan ng bawat isa ito ang kanilang ginagawa, nililinis ang maruming mga kanal na dumadaloy patungo sa
Ilog Pasig at eto na kinalabasan, marami ang humanga at nagulat sila na pwede pa palang ibalik ang kagandahan
ng ilog. Wala na rin mga Kubo o bahay na nakatira nakatirik diyan sa tabi ng ilog Pasig. Mayroong isang
mahalagang bilhin ito yun. Ayon sa kwento sana tumulong sila sa paglilinis nito at kung hindi man ito maibalik sa
dating kalagayan, sanay huwag naman nilang hayaang itoy tuluyang mamatay at nang makita ito ng mga susunod na
henerasyon o ayan yan ang tungkol sa kwento ng huling Balete sa Ilog Pasig.

Maikling kwento- Ito ay anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong kwento na kayang tapusing basahin sa
isang upuan lamang.
Mga element ng kwento:
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Gamit ng Pangngalan
Tinatawag na Pangngalan (sa Ingles: noun) ang mga salita o parte ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan, bagay
pook, hayop o pangyayari. May ibat ibang gamit ang pangngalan sa pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga
gamit ng Pangngalan sa pangungusap:
1. SIMUNO- Ang pangngalang pinag uusapan sa pangungusap.

Halimbawa: Ang Red Cross ay tumutulong sa mga nangangailangan ng dugo.


2. KAGANAPANG PANG PANSIMUNO- Ang simuno at isa pang pangngalang nasa panaguring tinutukoy dito ay
iisa lamang.
Halimbawa: Ang Red Cross ay isang organisayong tumutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Matapos mong mapanood at mapakinggan ang pre-recorded na aralin na aking inihanda ay nais ko namang
malaman ang iyong natutuhan sa araw na ito.

Maglog-in sa iyong account sa Aralinks NGS para sa Gawain Blg. 2: Natutuhan Mo Ba?
Panuto: Piliin ang TITIK ng tamang sagot ayon sa napanood na balita.
https://news.abs-cbn.com/video/news/10/08/19/pagpalit-ng-papel-sa-mga-plastic-packaging-di-
nakatutulong-sa-kalikasan
Gawain Blg. 2: Natutuhan Mo Ba? (Post-Test)
Maramihang pagpipilian

Panuto: Piliin ang TITIK ng tamang sagot ayon sa napanood na balita.


_______1. Bakit maraming mga Pilipino ang bumibili ng produktong nakalagay sa maliliit na plastic?
A. nakakatipid B. napakagaan C. mura D. madaling itapon
_______2. Ano ang masamang epekto ng patuloy na paggamit ng plastic sa ating kapaligiran?
A. dumarami ang gastos B. tambak ng basura C. humina ang produksyon D. tinamad maglinis
_______3. Paano nakatulong ang binanggit na sari-sari store na mapagalagaan ang ating kapaligiran?
A. bihirang mamalengke B. nagdala ng boteng lalagyan C. naglaan ng basurahan D. maramihan kung mamili
_______4. Makipagtulungan tayo sa ating barangay upang makamit natin ang pagbabago. Ano ang kasarian ng
salitang barangay?
A. panlalaki B. di-tiyak C. pambabae D. walang kasarian
_______5. Ano ang unang pangngalang binanggit sa pangungusap na ito: Napanood ng kapitan sa telebisyon ang mga
sinabi ng ating pangulo.
A. barangay B. pangulo C. kapitan D. telebisyon

Gawain Blg. 3: Tuklasin at Aralin!


“Ang Huling Balete sa Ilog Pasig”
Pluma 4 - E-Book, pahina 62
Ngayon, handa ka na bang tuklasin at alamin ang iyong babasahing akda? Para sa ating susunod na pagkikita
na live synchronous ay nais kong maging handa ka na, sa pamamagitan ng pagtuklas sa babasahing
bibigyang-pansin natin sa ating unang aralin. Gamitin mo ang iyong E-Book at basahin ang maikling
kwentong “Ang Huling Balete sa Ilog Pasig” Tingnan sa ibaba ang mga patnubay na gagawin para sa
Gawain Blg. 3” Tuklasin at Aralin!

1. Ano ang pangunahing kaisipang nais ipabatid ng kwento?


2. Humanda sa talakayan sa susunod na pagkikita (Phase 2- Live Synchronous).

VII. Mga Gawaing Pampagkatuto

1ST Phase 2 – “We Do”Ikalawang Sesyon

A. Paglusong (Engage)

Gawain Blg. 4: Linangin Mo!


Graphic Organizer

Bilang isang grupo, punan ang dayagram upang makumpleto ang mga elemento ng maikling kwento.

Ang Huling Balete sa Ilog Pasig


Mga Tauhan (mga) Tagpuan Banghay

Gawain Blg. 5: PICTURE ANALYSIS (Q&A)


Pagmasdan ang dalawang larawan. Sagutin ang tanong sa loob ng 1-2 pangungusap.
Rubriks: 2 pts. Naipaliwanag ang maayos ang hinihinging kaisipan
1 pt. kulang ang ibinigay na paliwanag

1. Anong mensahe ang nais ipabatid ng larawan? Ipaliwanag sa loob ng 2-3 pangungusap.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan ka makatutulong sa paglutas ng suliraning ito sa ating kapaligiran? Magbigay ng 1o 2

pagpapatunay.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pagsagwan (Explore)
Gawain Blg 6: Suriin mo!
Video Clip Analysis

Matapos ninyong sagutan at ipaliwanag ang mga nasa larawan, subukan naman niyong panuorin at
pakinggan ang isang talumpati mula kay Greta Thunberg, isang Swedish Environmental Activist.

https://www.youtube.com/watch?v=KAJsdgTPJpU

1. Ano ano ang mga suliraning nabanggit sa talumpati?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Ano ang mensaheng nais ipahatid ni Greta Thunberg sa kanyang talumpati?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Konklusyon
Mahalaga ang ating kapaligiran dahil dito nagmumula ang lahat ng ating mga pangangailangan.
Subalit nakasalalay sa ating mga kamay ang ikabubuti at ikasasama nito. Sana gamitin natin sa wastong
pamamaraan upang tumagal pa ang pakinabang natin at hindi dapat pabayaan at abusuhin dahil lahat ng ating
mga ginagawa ay babalik din sa atin.

Phase 2 – “We Do” Ikatlong Sesyon


Pagpapatuloy ng pagsagot sa modyul.

Gawain Blg. 7 – Pagbutihan Mo!

A. Piliin ang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig ng pangungusap MALI kung hindi ayon sa binasang akda, sa
ikalawang patlang piliin kung SIMUNO o KAGANAPANG PANSIMUNO ang naguguhitang pangngalan.
1.-2 Punong Akasya ang natitirang puno sa tabi ng ilog.
3-4. Nanghuhuli ng isda ang mga kalalakihan sa Ilog Pasig.
5-6. Nagsisilbing labahan ng mga nanay ang malinis na Ilog Pasig.
7-8. Bangkang de motor ang uri ng sasakyang ginagamit noon sa Ilog Pasig.
9-10. Iniwasan ng mga tao ang punong Balete dahil sa mabahong amoy nito.
B. Upang mapalawak pa ang iyong kaalaman sa wastong gamit ng wika, isulat sa patlang ang pangngalang
naguguhitan kung ito’y simuno o kaganapang pansimuno.
_____________1. Nagdulot nang labis na pangamba sa mga mamamayan ang sakit na COVID-19. SIMUNO
_____________2. Bakuna ang nakikitang solusyon bilang panlunas sa sakit na ito. Kaganapang pansimuno
_____________3. Nagdulot ng malawakang pagbaha sa mga pangunahing kalsada ang malakas na ulan. SIMUNO
_____________4. Hinirang na tagapagsalita ng pangulo Si Atty. Harry Roque. Kaganapang pansimuno
_____________5. Nawalan ng mapagkakakitaan ang mga Pilipino dahil sa ipinatupad na ECQ. SIMUNO
_____________6. Paglalaro ng gadyet ang pinagkakaabalahang gawin ng mga kabataan ngayon.
Kaganapang pansimuno

C. Paglalayag(Explain)
Sisimulan ng guro ang pagtalakay sa pag kakaiba ng OPINYON at REAKSYON (powerpoint presentation)
Reaksyon- ito ay nagpapakita ng nararamdaman.
Opinyon- nagpapakita ng saloobin base sa kanyang nakikita o base sa sitwasyon
Mahalaga ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon dahil tumutulong ito sa atin mismo na mapalawak ang
kaisipan o kaunawaan at mabigyang diin ito kung kailangan. Nalalaman rin natin dito ang tunay na opinyon natin at
kaalaman hinggil dito at makapagbigay ng komento na maaaring mapakinabangan. Napapagana nito ang lawak at
kakayahang mag-isip.  
Gawain Blg. 8: Suriin Mo!
Brainstorming
Bilang isang grupo, ipahayag ang inyong OPINYON at REAKSYON tungkol sa paksang itinalaga sa inyo.

Unang Pangkat
Ingles bilang midyum ng pagtuturo, 'di hadlang sa
pagpapalawig ng wikang Filipino —KWF
Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na
hindi nakasasagabal ang paggamit ng Ingles bilang
midyum ng pagtuturo sa pagpapalawig ng wikang
Filipino."Ang paggamit ng wikang Ingles bilang isa sa
mga medium ng pagtuturo ay hindi sagabal sa
pagkatuto at kasanayan, kakayahan ng mga mag-aaral
at guro sa paggamit ng wikang Filipino," saad ni KWF
chairman Arthur Casanova sa isang punong balitaan
nitong Biyernes.

REAKSYON:___________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

OPINYON:_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Ikalawang Pangkat
Nasawi sa magnitude 7 na lindol sa Abra, umakyat sa 4; sugatan, 60
Umakyat na sa apat ang nasawi sa magnitude 7 na lindol na yumanig sa
Abra nitong Miyerkules ng umaga. Naramdaman ito sa National Capital
Region at sa mga karatig na lalawigan.
Sa ulat ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.
kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sinabi ng kalihim na
dalawa ang nasawi sa Benguet, isa sa Abra at isa sa Mountain Province.
“Sixty [ang] injured and so far po
apat ang nabalitaang nasawian ng
buhay, four deaths. Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and
Mountain Province,” ayon kay Abalos.- PHIVOLCS-DOST
(@phivolcs_dost) July 27, 2022

REAKSYON:___________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

OPINYON:_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Ikatlong Pangkat
Monkeypox virus, nakarating na sa Pilipinas
Naitala na ang unang kaso ng
monkeypox sa Pilipinas, ayon sa
isang opisyal ng Department of
Health (DOH) nitong Biyernes.
Sa press briefing sa Malacañang,
sinabi ni Health Undersecretary
Dr. Beverly Ho, na ang unang
kaso ay isang 31-anyos na pasyente. Tumanggi na siyang magbigay ng iba
pang detalye tungkol sa pasyente, maging ang kasarian nito. Ayon kay Ho,
dumating sa bansa ang pasyente mula sa ibang bansa noong July 19. Dati na
rin umano nakabiyahe ang pasyente sa mga bansang may kaso
ng monkeypox. Nasuri siya sa monkeypox nito lang Huwebes, July 28.

REAKSYON:___________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

OPINYON:_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

D. Pagsisid (Elaborate)
Lahat tayo ay binigyan ng karapatan na magsalita ng bawat opinyon, reaksyon o ideya. Malaking bagay ito upang
malaman natin kung ano ang dapat tahakin na tama at maling gawin. Nagsisilbing gabay rin ito sa mga tagapakinig
upang matulungan sila na matutuhan ang pag-iisp at pagbubulay-bulay. Wala naman masama magpahayag ng sariling
mga kaalaman dahil pinakikita nito kung ano ang paniniwala o iniisip natin hinggil doon.  
Sa pamamagitan ng mga opinyon, madali nitong nababago ang mga pananaw ng mga tao lalo na kung tumpak at
maaasahan ang mga bagay na ito. Naipapahayag mo kung ano ang nasa puso mo na may kasamang paninidigan. Kaya
ang mga opinyon natin ay mahalagang bagay para magsilbing komunikasyon sa mga tao sa paligid natin at
magkakaroon ng kinakailangan mga pagsusuri.

Phase 2 – “We Do” Ikaapat na Sesyon

A. Paglalayag(Explain)
Gamit ng pangngalan (Powerpoint presentation)
Gawain Blg. 9: Do it By Your Own
Bumuo ng sariling pangungusap ayon sa isinasaad ng tuntunin gamit ang ibinigay na pangngalan.

SIMUNO
1. halaman
______________________________________________________________________________________________

2. sasakyan
______________________________________________________________________________________________

3. Paaralan
______________________________________________________________________________________________

KAGANAPANG PANSIMUNO

4. transportasyon
______________________________________________________________________________________________

5. ospital
______________________________________________________________________________________________

Gawain Blg. 10 – Pagsikapan Mo!


Mini-Task 1: One Minute Paper
(Indibidwal)
Gumawa ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa inyong opinyon at reaksyon sa
wastong pag-iingat ng sarili laban sa CoVid-19 gamit ang Pangngalan.

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Rubriks sa pagbuo ng One Minute Paper Minitask#1


Pamantayan 2 1
Nilalaman Malinaw at tiyak ang Kulang o maligoy ang ibinigay
pagpapaliwanag ng paksa na paliwanag
Gramatika Wasto ang lahat ng ginamit na May 1-2 salitang di angkop
salita ang gamit
Pagkamalikhain May sariling istilo at kakaiba ang Karaniwan at may katulad ang
ginawa ginawa

Phase 3 – “You Do”

Maikling Pagsusulit 1

BAHA DULOT NG BASURA


Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama

Si Henry ay mahilig magrumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na masama ang kaniyang
ginagawa. Tapon doon, Tapon dito iyan ang lagi niyang ginagawa araw-araw. Kahit na pinapagalitan ng
kaniyang ina ay hindi pa rin siya sumusunod. Palibhasa’y may katulong silang laging inuutusang
maglinis ng kalat sa loob at sa labas nang kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang
umuwi ang kanilang kasambahay sa probinsiya at walang ibang katulong ang pumalit dito. Kaya
obligado si Henry na gawin ang mga ipinag uutos ng kanyang magulang.
Isang umaga ipinatapon ng kaniyang ina ang sako-sakong basura sa may eskinita kung saan doon kinukuha
ng mga basurero ang mga basura. Ngunit dahil sa pagiging tamad ni Henry itinapon niya ito sa likod nang
kanilang bahay kung saan may ilog. Hindi alam ng ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi siya
napagalitan nito. Isang gabi habang si Henry ay mahimbing na natutulog, napakalakas na ulan ang
humagupit sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang kanilang bahay ang tubig at
iba’t-ibang klase ng mga basura. Nagulantang ang ina ni Henry sa nangyari. Nagulat siya nang Makita
ang mga basurang ipinatapon niya kay Henry kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak sa kwarto at
tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong basura. Sinabi ni Henry ang katotohanan na sa ilog
niya itinapon kaya nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napagtanto ni
Henry na mali ang kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at
magiging responsable na siya.

I. Bilugan ang T kung tama ang ipinahihiwatig ng pangungusap M kung hindi.


T M 1. Tumulong si Henry sa pagpapaganda ng kanilang lugar. M
T M 2. Madalas nakikitang nagkakalat kung saan-saan ang batang si Henry. T
T M 3. Umalis ang kasambahay nina Henry kaya napilitan syang gumawa sa bahay. T
T M 4. Inilagay sa malaking plastik ang mga basurang ipinatatapon kay Henry ng kanyang ina. M
T M 5. Magdamag na hindi nakatulog ang pamilya ni Henry dahil sa malakas na buhos ng ulan. M
T M 6. Umabot sa libo-libong pamilya ang hindi makalabas ng bahay dahil naapektuhan ng pagbaha. M
T M 7. Nagulat ang nanay ni Henry nang makita ang kanilang basurang palutang-lutang sa tubig-baha. T
T M 8. Pinagalitan si Henry ng kanyang ina nang malaman nito ang pinagtapunan niya ng mga basura.
T
T M 9. Malapit lamang ang bahay nina Henry sa tabi ng ilog kaya doon niya naisipang itapon ang basura.
T
T M 10. Kasamang lumikas ang pamilya ni Henry sa ibang lugar dahil malalim ang tubig-baha sa kanilang
lugar. M

II. Isulat sa patlang ang A kung simuno, B kung kaganapang pansimuno ang mga pangngalang naguguhitan sa
pangungusap.
______1. Si Aling Rosa ay isang mahusay na tagapag-alaga ng pamilya. B
______2. Marumi ang tubig na dumadaloy sa kanal sa panahon ng tag-ulan. A
______3. Nagtutulungan ang mga magkakapitbahay sa paglilinis ng paligid. A
______4. Maaasahan mo na sa mga gawaing-bahay ang panganay niyang anak. A
______5. Ilog Pasig ang dinadaanan ng baha kapag malakas ang buhos ng ulan. B
______6. COVID-19 ang pangunahing sakit na kinatatakutan ng mga mamamayan. B
______7. Pagluluto ang unang ginagawa ni Mang Kulas pagkagising niya sa umaga. B
______8. Tuwing Linggo ay magkakasamang nagpupunta ang mag-anak sa simbahan. A
______9. Maraming nawalan ng trabaho noong maglockdown ang Kalakhang Maynila. A
______10. Paglilinis ang pangunahing gawain ng lahat upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. B

III. Sagutin ang tanong sa loob ng 1-2 pangungusap.


Rubrik: 2pts. Maayos at tiyak ang ibinigay na paliwanag 1 pt. Kulang o hindi tiyak ang ibinigay
napaliwanag

11-12. Ano ang gagawin mo kapag nakita mong nagkalat ng basura ang iyong matalik na kaibigan?

You might also like