You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD –
MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Pagsulat ng Talata
Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
Modyul 6

Mga Kasanayang Pampagkatuto


1. Naisusulat ang talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
-nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas

PAANO GAMITIN A

N MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul . 2.


Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul. 4. Hayaan
ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong maunawaan
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay magagamit mo sa iyong pang
araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman,kasanayan at konseptong kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsubok – dito masusukat ang iyong lawak ng pagkatuto sa
bagong aralin

Aralin
Pagsulat ng Talata
1
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
A. Nakasusulat ng talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap;
-nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan,
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas.
Balik-tanaw

Nadaragdagan na ang iyong mga kaalaman kung kaya’t inaanyayahan kita


na pagtuunan ng pansin ang teksto na may kaugnayan sa nakaraang aralin.

Panuto: Basahin at unawain ang buod ng epiko ng mga Ilianon, pagkatapos ay


sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Isulat sa kwaderno ang
iyong kasagutan

Agyu
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18182305002

Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at


Ulahingan sa Mindanao. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at
sinasabing ukol lamang ito sa buhay at pakikipagsapalaran
ni Agyu.
Nagsisimula ito sa pagdating ng isang malupit na
kaaway o mananakop kaya kailangang tumakas ng
komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan,
asawa ng kapatid ni Agyu na si Vanlak. Nagkasakit ng ketong
si Mungan at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siya
ng mga naawang diwata at tinuruan pa kung paanong
makaliligtas ang komunidad ni Agyu. May episodyo din sa
mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena, gayundin
sa anak niyang si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking
https://fabnesswhatever.weebly.com/blog

bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo,
narating nila ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si Agyu
nang habampanahon kasama ang mga adtulusan o pinagpala.

_____1. Ang paksa ng binasang akda ay _____.


A. Paglalakbay ng pangunahing tauhan
B. Pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga kalaban C.
Pag-ibig ng pangunahing tauhan
D. Pagiging bayani ng pangunahing tauhan
_____2. Ang ginamit na teknik sa pagpapalawak ng paksa sa unang talata ay
_____. A. Pagsusuri C. Paghahambing
B. Paghahawig o Pagtutulad D. Pagbibigay Depinisyon
_____3. Maituturing ang binasang akda bilang Epiko dahil sa
_____. A. May kagila-gilalas na lakas ang pangunahing tauhan
B. May mga pangyayari na kinapapalooban ng kababalaghan
C. Pinapakasa nito ang kabayanihan at romansa ng isang bayan
D. Lahat ng nabanggit

______ 4. Ngunit pinagaling siya ng mga naawang diwata at tinuruan pa kung


papaanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu. Ang pangyayaring ito ay
masasabing ___________.
A. makatotohanan C. futuristik
B. pantasya D. napapanahon ______ 5. Ang huling bahagi ng epiko ay
nagtataglay ng ___________. A. Masayang wakas B. Trahedya C. Komedya D.
May kasunod pa

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang Epiko sa makabagong panahon ay nasa anyong talataan mula sa
orihinal nito na anyong tulaan. Sa pagsulat ng talata, kinakailangang
magkakaugnay ang mga kaisipan sa bawat pahayag. Mayroon itong simula, gitna,
at wakas. Sa tulong nito ay maaaring magpahayag ng sariling palagay.

Halina’t tuklasin pa natin ang paksa tungkol sa pagsulat ng talata.

Ang Talata ay maikling kathang binubuo ng mga pangugusap na


magkakaugnay, may balangkas, may layunin at may pag-unlad ang kaisipang
nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad.
Ang layunin nito ay makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng
mga pangungusap. Kailangan ito ay may isang paksang diwa, buong diwa, may
kaisahan, maayos ang pagkakalahad at may tamang pagkakaugnay at
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Kaya ang talata ay nahahati sa tatlong
bahagi:
A. Talatang Panimula – ito ay matatagpuan sa unahan ng isang komposisyon
at nakasaad dito ang paksa.
B. Talatang Gitna - ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi kung saan
kinakailangang tumutukoy sa pagpapaunlad o pagpapalawak ng
pangunahing paksa. Binubuo rin ito ng mga sumusuportang ideya sa paksa.
C. Talatang Pabuod - ito ay matatagpuan sa pagwawakas ng komposisyon,
nakasaad dito ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata at ito ay
minsan ginagamit upang bigyang-linaw ang kabuuan ng komposisyon.
https://quizlet.com/217462767/filipino-pagtalata-at-pagpapalawak-ng-paksa-flash-cards/

Gawain 1

Panuto : Basahin at unawain ang buod ng Ulod (epiko ng Matigsalugat)


pagkatapos ay sagutin ang katanungan tungkol dito. Isulat sa kwaderno ang
iyong kasagutan.

n
Ulod
https://pinoycollection.com/epiko-ng-pilipinas/#Ulahingan
Nagsisimula ang epikong-bayang ito sa pagsusugo sa Dalaga ng
Bundok Misimalun upang magtanim ng palay. Dala ng hangin, agad na
dumating ang bayaning si Ulod upang tumulong sa pagtatanim. Pag-uwi,
natuklasan ni Ulod na ang kapatid niyang babae’y tinangay ng binata mula
sa Buttalakkan. Agad sumugod si Ulod at hinamon ang binata. Napatay ang
binata at natagpuan ni Ulod ang kapatid na sira ang damit. Ginawa niyang
suklay ang kapatid at inilagay sa kaniyang buhok. Nakita ni Ulod ang
kapatid na babae ng binata at inilagay niya ito sa palawit ng kuwintas niya
bago siya umuwi. Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw niya ang dalaga ng
Bundok Misimalun na nagtanong sa kaniya kung bakit siya napadalaw.
Naglakbay si Ulod nang gabing iyon at napaisip naman ang dalaga na
kailangan na niyang ibigay ang sarili sa bayani. Iniuwi siya ni Ulod, at
tinipon ng bayani ang kaniyang sakop upang tanungin kung sasamahan siya
ng mga ito sa langit. Namahagi ng nganga ang dalaga at nagpatugtog ng
gitarang kawayan. Hindi nagtagal, may pumanaog na sasakyang
panghimpapawid at sinabi ni Ulod sa kaniyang mga kamag-anak na
sumakay rito sapagkat magtatatag siyá ng limang nasasakupan sa lupain ng
Katulussan.

1. Tungkol saan ang binasang akda?_________________________________________


___________________________________________________________________________

2. Sa kasalukuyang panahon, kanino maihahambing ang katangiang ipinamalas


ng pangunahing tauhan. Pangatwiranan ang sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Papaano magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang ginintuang


kaisipan na nangibabaw sa binasang akda? Magbigay ng halimbawa.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Gawain 2

Panuto: Balikan ang binasang akda at isulat sa tsart ang hinihinging bahagi ng
talata. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan. Mapanuring Pag-iisip

Bahagi ng Talata Pangyayari sa Akda

Talatang Simula

Talatang Gitna

Wakas
Tandaan

Ang talata ay binubuo rin ng lipon ng mga pangungusap na may


magkakaugnay na kaisipan at ideya. Ang pagbibigay impormasyon, pagbabahagi ng
saloobin o pananaw ay salik din upang makabuo ng isang mabuting talata. Sa
bahaging ito nais kong malaman ang iyong ideya mula sa komikstrip.

Panuto : Basahin at unawain ang komik istrip. Mula rito ay bumuo ng


maikling talata na may simula, gitna at wakas. Isulat sa kwaderno ito sa iyong
kwaderno.

http://www.theclassroomkit.com/hand-writing-worksheets.html

____________________________
Pamagat
Talata:

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
Natutuwa ako at nagiging malinaw na sa’yo ang ating paksa mula sa nabuo
_________________________________________________________________________________
mong gawain.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Pag-alam sa Natutuhan

Sa pagkakataong ito, nais kong sumulat ka ng isang talata na


nagpapakita ng iba’t ibang bahagi nito. Ang paksa ay may kaugnayan sa
kasulukuyang kaganapan sa ating bansa na nagpapakita ng kabayanihan. Gawin
mong gabay ang mga pamantayan sa pagbuo ng talata na nasa ibaba.
https://www.dreamstime.com/old-paper-scroll-vertical-parchment-ancient-vintage-papyrus-detailed-cardboard-banner-space-your-text-image145094135

http://www.theclassroomkit.com/hand-writing-worksheets.html

Pamantayan sa Pagbuo ng Talata


A. Magkakaugnay na Pangungusap 5 puntos
B. Pagpapahayag ng sariling palagay o 5 puntos
kaisipan

C. Paghahambing ng mga akda 5 puntos


D. Hikayat sa Madla 5 puntos
Kabuuan 20 puntos
Pangwakas na Pagsubok:

You might also like