❑ Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. ❑ Ang paksa ng mga epiko ay tungkol sa mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma. Halimbawa na lamang ay sa salitang matangkad na bagamat ito ay tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa taas ng gusali. Halimbawa: 1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio. 2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na labing apat na taong gulang. ❑ Ang Etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag- iba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. ❑ Nagmula ang salitang etimolohiya sa Griyegong salita na “etumologia” na ang ibig sabihin ay may kahulugan o may ibig sabihin. (Mateo 20: 1 – 16 sa Bagong Tipan) (Parabula) ❑ Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng 2 bagay (maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari) para paghambingin. ❑ Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. ❑ Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. PANUTO: Bigyang-pagpapakahulugan ang huling linyang binanggit ng may-ari ng ubasan sa binasang parabula.
“Ang nauuna ay nahuhuli
at ang nahuhuli ay nauuna.” Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig- ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at matalinghagang mga salita. Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na pagpapakahulugan Mga Halimbawa: a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal) Pangungusap: “Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.” b. bola - pagbibiro (metaporikal) Pangungusap: “Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.” (Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte) (Elehiya) Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay- bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alala ng isang mahal sa buhay. • Tema • Tauhan • Tagpuan • Kaugalian/ Tradisyon • Damdamin • Simbolo • Wikang Ginamit (Pormal/ Di Pormal) Ang Klino (Clining) ay pagpapasidhi ng damdamin na nagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraan ng pagpapataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo. Halimbawa: Halos magkakasingkahulugan ang salitang galit, poot at inis ngunit ang bawat salita ay nagpapakita ng mababa at mataas na emosyon. Kaya mauuna ang salitang inis, pangalawa ay galit at ang huli ay salitang poot. Nobela mula sa bansang Saudi Arabia (Isinalin sa Filipino ni Julieta U.Rivera) Ang nobela ay isang mahabang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagbabalangkas. Ito’y binubuo ng mga kabanata na ang bawat yugto ay nagtataglay ng kuwento kung saan sa loob nito ay may iba’t ibang tunggalian. ❑ Isa sa mga sangkap ng maikling kwento. Ang tunggalian ay ang labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa. ❑Sa pamamagitan ng tunggalian ay makikita natin kung paano huhubugin ng kwento ang pangunahing tauhan. ❑ Ang tunggalian ang pinakaluluwa ng akda – pinupukaw niyo ang pananabik ng mga mambabasa a. TAO laban sa TAO o KAPWA Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kaniyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo at perwisyo. b. TAO laban sa SARILI Ito ang tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao. Sitwasyon ng may kahaharaping suliranin ang pangunahing tauhan na siya lamang ang maaaring lumutas. c. TAO laban sa KALIKASAN Sitwasyon ang kalaban ng protagonista ay pwersa ng kalikasan gaya ng lindol, baha, taggutom at iba pa. ❑ Ito ay ginagamit upang idugtong o ikabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita. ❑ Mga uri ng panlapi: (1) Unlapi, (2) Gitlapi, (3) Hulapi, (4) Kabilaan at (5) Laguhan.