You are on page 1of 3

Ang pabula ay isang uri ng panitikan sa tuluyang uri, ito ay mga kwento na gumagamit ng mga nilalang o

hayop bilang mga tauhan na gumagalaw sa kwento.

Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang
sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng
impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba
pa.

 maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahatisa sa ilang yugto ng maraming tagpo.Pinaka layunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado .Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan. 

Ponemang Suprasegmental

Ang wikang Filipino, gaya ng ibang wika, ay may sariling gramatika, kabilang na rito ang ponema. Isa sa
uri nito ay ang ponemang suprasegmental. Sa pagbigkas ng salita nakakapagpahayag tayo ng mga
impormasyon na mas higit pa sa kahulugang isinasaad lamang ng bawa’t salita gaya ng mga
makahulugang tunog na tinatawag na ponemang suprasegmental, salitang hango sa Griyego kung saan
ang unlaping “supra” ay nangangahulugan ng “higit” o sa salitang Ingles “above”.

Ang mga modal ay ang mga salitang gumaganap bilang malapandiwa sa isang pangungusap. Ang mga
modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na anyo, o di kaya'y upang
gumanap bilang malapandiwa. halimbawa ng mga modal: hangad, ibig, kailangan, at iba pa.

Ang Pangatnig ay salitang nag-uugnay ng dalawang ideya o salita sa isang pangungusap. Maaring sa
magkapareho o magkatimbang na yunit o sa hindi magkatimbang na yunit. (Hal. o, ni, maging, at, ‘t,
ngunit, kundi, ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon,
sana)

Mga Halimbawang Pangungusap may kinalaman sa... (tingnan ang buong detalye
sa brainly.ph/question/391438)

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.


(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang


kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:

Nakakuha ako ng tubig at tinapay.

Nakatulog ako’t nakapahinga.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.

(kung, kapag, pag)

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:

Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

Ang panuring ay isang salita o grupo ng salita na tinutukoy ang isang bagay sa isang pangungusap, ito ay
maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon o detalye ukol sa bagay na pinaguusapan. Halimbawa,
isang simpleng pangungusap ang: "Ang babae ay inaalagaan ang aso.". Maaari nating palawakin ang
pangungusap na ito sa pagdaragdag ng mga detalye gamit ang mga sumusunod na panuring. "Ang
magandang babae ay inaalagaang mabuti ang munting aso." Ang mga panuring ginamit sa pangungusap
na ito ay maganda, na tumutukoy sa babae, mabuti na tumutukoy sa inaalagaan, at munti na tumutukoy
sa aso. Para sa mas madetalyeng halimbawa, maaaring tignan ang

Ang Kohesyong gramatikal (cohesive devices) ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-
ulit ang mga salita. Ang mga cohesive devices na ito ay mga panghalip Ito, Dito, doon, dito, iyon –
bagay/lugar/hayop Sila, siya, tayo, kanila, kaniya – tao/ hayop

You might also like