You are on page 1of 26

Mga Katawagang Pampanitikan

1. Salawikain/Kasabihan – maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan


2. Epiko – kwento ng kabayanihan
3. Awiting Bayan – katutubong awitin
4. Dula – isinusulat hindi lamang para basahin kundi upang mapanood sa tanghalan
5. Sanaysay – pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng manunulat
6. Aliterasyon – paulit-ulit na tunog ng isang katinig sa tula
7. Alusyon – di tuwirang pagsasabi ng tao, pook o pangyayari na tinutukoy
8. Antagonista – kontrabida
9. Asonasyon – paulit-ulit na tunog ng isang patinig sa tula
10. Awit – tulang may labindalawahing pantig
11. Eksaherasyon – pagmamalabis
12. Epiko – tulang pasalaysay ng kabayanihan na punong-puno ng kagila-gilalas na
pangyayari
13. Genre – uri ng akdang pampanitikan
14. Ironiya – paglalahad ng kabaligtaran ang kahulugan
15. Kakalasan – kalutasan ng suliranin
16. Kasukdulan – pinakamaigting na pangyayari
17. Kathambuhay – likhang kwento
18. Konotasyon – ipinahihiwatig na kahulugan
19. Balik-tanaw – flashback
20. Personipikasyon – pagbibigay katauhan sa walang buhay
21. Pagpapahiwatig – pagpaparamdam, pagbibigay babala, pahiwatig, paghahanda sa
mababasa
22. Paksang-diwa – tema
23. Pananaw – paningin
24. Metapora – tiyakan ang paghahambing. Di gumagamit ng mga pariralang
kawangis ng, kapara ng, at iba pa
25. Persona – nagsasalita sa tula
26. Protagonista – pangunahing tauhan
27. Simbolo – sagisag
28. Tunggalian – paghahamok ng lakas
29. Simili – pinaghahambing ang dalawang magkaibang bagay, tao at iba pa – katangian ng
pagpapahayag na ito ang paggamit ng pariralang tulad ng, para ng, kawangis ng, kapara
ng, at iba pa.
Halimbawa: Parang linta kung makadikit ang taong iyan.
30. Metonimiya – pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa: Masakit na sinturon ang tinanggap ng bata.
31. Eksklamasyon – pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon ng pagdaramdam
tungkol sa isang pangyayari.
Halimbawa: Ina, patawarin mo ako. Hindi ko man masunod ang mga habilin mo’y
magkakaroon ito ng katuparan. Ipinapangako ko.
32. Pagtawag (Apostrophe) – kinakausap na parang tao ang isang bagay na wala naming
buhay.
Halimbawa: Bituwing marikit, halina’t aliwin mo ako sa aking pangungulila.
33. Pag-uyam – pananalitang nangungutya. Tila kapuri-puri ang pangungusap ngunit sa
katotohanan ay nang-uuyam.
Halimbawa: Mahusay ka magdala ng mga bagay na wala sa uso.
34. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan
bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan sa isang bahagi.
Halimbawa: Sandaang kaluluwa ang nasawi sa bumagsak na eroplano.
35. Pagmamalabis (Hyperbole) – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari, at iba pa.
Halimbawa: Elepanteng-elepante sa bigat ang taong iyan.
36. Pagpapasidhi – ang patas o kasidhian ng damdaming ipinahahayag
37. Pagtatambis (Antithesis) – pagtatambisan ng magkasalungat na pahayag.
Halimbawa: Dukhang kilos mayaman
38. Pagsalungat – pagsasama ng dalawang magkasalungat na pananalita.
Halimbawa: Kung minsan ang kagandahan ay nasa kapangitan.
39. Paghihimig (Onomatopeia) – mga salitang gumagagad sa tunog na nilikha ng
bagay na tinitukoy.
Halimbawa: Humahampas, mariing-mariin ang alon sa dalampasigan habang
palakas nang palakas ang ihip ng hanging halos ililis ang palda ng babaeng
nakatayo.
40. Paglulumanay (Euphemism) – tumutukoy sa lalong malumanay at mabuting
pananalita ng tao, bagay o pangyayari na sa karaniwa’y di tinutukoy nang pagayon.

You might also like