You are on page 1of 7

Lesson 1: Panimulang Aralin sa Wika

(TERMINOLOHIYANG PANGWIKA IN YOUR CATTLEYA NOTE)


Lesson 2: Mitolohiya

- itinatag ang modernong estadong Griyego noong 1830


- si Achilles ang bayani at pangunahing mandirigma ng Sparta
- ang Athens ang kabisera at pinakamalaking siyudad ng Gresya
- dalawang pangunahing muhon ng panitikang Griyego: Iliad at Odyssey
- Hellas ang tawag sa sinaunang panahon ng Gresya at Republikang Hellenic
- Si Hector ang anak ni Priam na hari ng Troy at pinakamahusay na manlalaban ng Troy
- PAGBAGSAK NG TROY IN MODULE
POKUS NG PANDIWA:
Lesson 2: Parabula

Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Kung magkagayon ay makakatulad ng kaharian ng langit ang


sampung dalaga,na kinuha ang kanilang mga ilawan,at nagsilabas upang
salubungin ang kasintahang lalake . Ang lima sa kanila’y mga mangmang,
at ang lima’y matatalino.Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang
kanilang mga ilawan,ay hindi sila nangagdala ng langis.Datapuwa’t ang
matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng
kanilang mga ilawan.Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang
lalake,ay nangag-antok silang lahat at nangakatulog.Datapuwa’t
pagkahating gabi ay may sumigaw ,ʺNarito,ang kasintahang lalake!
Magsilabas kayo upang salubungin siya.”

Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon,


at pinag-igi ang kanilang mga ilawan.Datapuwa’t nagsisagot ang mga
matatalino, na nangagsasabi,baka sakaling hindi magkasiya sa amin at
sa inyo:magsiparoon muna kayo sa nangagbibili,at magsibili kayo ng
ganang inyo.At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili ay dumating
ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama
niya sa piging ng kasalan:at inilapat ang pintuan.Pagkatapos ay
nagsirating naman ang mga ibang dalaga,na nagsisipagsabi,” Panginoon,
Panginoon, buksan mo kami.”Datapuwa’t sumagot siya at
sinabi,”Katotohanang sinasabi ko sa inyo,Hindi ko kayo nangakikilala. “
PAKSANG WIKA: Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1.Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay


nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-
angkop.
 Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
 Ang pang-angkop na-ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
 Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa n tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang –ng
2.Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3. Pangatnig – ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang
salita o kaisipan sa isang pangungusap.

Mga Uri ng Pangatnig:

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


Halimbawa: ni, o, at maging.

b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung ito ay pagsalungat


Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t,habang

c. Panubali o Panlinaw – nagsasaad ng panubali o pasakali.


Halimbawa: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.

d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ng kadahilanan


Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibhasa, kasi, kundangan.

e. Panapos –kung nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng nalalapit na pagwawakas sa


pagsasalita.
Halimbawa:
upang, nang, sa wakas.
Lesson 3: Maikling Kwento

“Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni


at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring
maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng
makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento.


Ang mga kwento’y maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong
buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at mga bagay
na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang
layunin ng manunulat ay aliwin ang mga mambabasa, maaaring sa
magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga pangyayari. Ang iba
nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas
malalim na pang-unawa ng mambabasa sa kalagayan at karanasan ng
tao kung saan hango ang kwento.

Sa pamamagitan ng mga tauhan, ng tagpuan, at banghay ng maikling


kwento naihahatid ng isang kwentista ang mga imahinasyong nabuo sa
kanyang malawak na kaisipan.

Paglalarawan: Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang


pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi
kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang
mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa
paggamit ng mga pananalita.

Layunin: Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng


isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing
tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa
pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng
panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.

Kayarian: Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng


tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na
buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon,
may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng
mambabasa.

You might also like