You are on page 1of 1

Parabula - Kanlurang Asya

“Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” na hinango mula sa Mateo 20: 1-16 ng Banal na
Kasulatan
 Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin.
 Ito ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa.
 Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa
Banal na Aklat.
 Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao.
 Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag.
 Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.
 Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga
tao.
 Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo
rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao.
Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng
wikang may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-
ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma,
personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita.
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na
kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim
na pagpapakahulugan.
Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro ( metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

You might also like