ibang kahulugan. Anumang pahayag na sabihin ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tanggap ng mensahe nito. Ito ay tinatawag ding bypassing na ang ibig sabihin ay maling paniniwala na ang isang salita ay nagtataglay lamang ng iisang kahulugan. 2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin. Sa pamamagian ng wika, nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa. 3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon. Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay na magkasalungat na paraan. Halimbawa ay mabuti sa masama, mataas at mababa, pangit sa maganda at iba pa 4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito. Kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura kung kaya‘t hindi dapat na tanawin na may superyor at imperyor na wika. Hindi siya nakatali sa kahit na ano, kahit sa panahon. -halaw sa “Ang Lohika ng Bula at Sabon” ni Luna Sicat At doon sumabog ang bulkan. Putok na ubod ng lakas, sumabog ang kaldera ni Bb. Phathupats.
-halaw sa “Si Bb. Phathupats” ni Juan
Crisostomo Soto Ang ngiti ni ina ay patak ng ulan kung tag-araw; ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. -halaw sa “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Ay ang literal na kahulugan ng isang salita na nakikita sa diksyunaryo. Pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa iginigiit ng panahon;pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang pakahulugan. Denotasyon: pulang Rosas na may berdeng dahon Konotasyon : Ito ay simbolo ang passion at pag-ibig Denotasyon: Ang kayumangging krus Konotasyon: Ito ay simbolo ng relihiyon Denotasyon: ito ay nagrerepresinta puso na nakakahon. Konotasyon: Ito ay simbolo ng pagmamahal at pag-ibig Bola denotasyon : laruan na hugis bilog konotasyon : matamis na dila Pusang itim denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw konotasyon : nagbabadya ng kamalasan Buwaya denotasyon : Hayop konotasyon : tiwaling Pulitiko o pulis itim Denotasyon : Kulay Konotasyon : Kamatayan Tanong: Paano nakatutulong ang pagpapakahulugang konotasyon at denotasyon sa pag-unawa sa ating binabasa o pag tayo ay nakikipag-usap? Pagsasanay Panuto: Ibigay ang konotasyon at denotasyon ng mga sumusunod na salita/parirala. 1. Posporo 2. Kawayan 3. Rosayo 4.Pambura 5. Pusong bato 6.Kamay na bakal 7. Nagsunog ng kilay 8.Nagpantay ang paa 9.Buhay alamang 10.Iyak pusa Takdang-aralin Magtala ng sampung salita at ibigay ang denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan ng mga ito. http://wiki.answers.com/Q/Mga_halimbawan g_konotasyon_at_denotasyon#ixzz1zAtBfNcV