You are on page 1of 36

1

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Package
FILIPINO-9
1ST SET 3RD Quarter 2022-2023

PANGALAN: PETSA: _______________

BAITANG AT SEKSYON:_________________ PUNTOS:_______________

PAKSA: PARABULA Date:


Ang Pabo na Prinsipe Week: 1-2
Salin ni Benjamin B. Sanajo Jr.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…

 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan

Sa pamamagitan ng:
 Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang mga taong nagsasalita at
kumikilos
 Pagtutukoy sa mga mahalagang detalye sa dyalogong napakinggan
 Pagsusuri ng kahalagahan ng hayop sa loob ng akdang nabasa

Ang Pabo na Prinsipe


Salin ni Benjamin B. Sanajo Jr.

Isang Prinsipe ang hinihinalang nababaliw dahil sa paniniwalang siya ay isang pabo. Hinubad niya ang kanyang
kasuotan at umupong walaang saplot sa ilalim ng isang lamesa. Sinusimulan niyang tukain ang inaakalang pagkain sa
sahig. Ang hari at reyna ay nahintatakutan dahil sa kanilang kaisa-isang tagapagmana ng trono ay kumikilos ng hindi
normal. Ipinatawag nila ang iba’t ibang uri ng pantas at manggagamot sa kaharian maging sa kalapit na kaharian ng
kanilang palasyo. Hinikayat nila ang mga pantas at manggagamot na subukang pagalingin ang prinsipe at ibalik sa katinuan
ngunit walang nagtagumpay

2
Isang araw, dumating ang isang ermitanyo sa kaharian at sinabing kaya niyang pagalingin ang prinsipe. Nagtiwala ang
hari at reyna. Hinubad ng ermitanyo ang kanyang damit at umupong walang saplot sa tabi ng lamesang kinaroroonan ng
prinsipe. Nagkunwaring tinutuka ang pagkain sa sahig at kumikilos na parang isa ring manok.

Di nagtagal tinanggap siya ng prinsipe bilang isang kaibigan. Sibabi ng ermitanyo sa prinsipe na ang pabo ay nagsusuot
din damit at kumakain sa hapag ng lamesa. Tinanggap ng prinsipeng nag-sal pabo ang sinabi ng ermitanyo. Unti-unting
nagbalik sa normal ang prinsipe hanggang sa ito ay gumaling,.

Nagwika ang ermitanyo, ang sinumang makalimot sa kanyang sarili ay muling makaaalala. Sa halip na husgahan ay
dapat pang samahan sapagkat ito ang itinuturo ng batas ng kabutihan.

Ano ang Parabula?

Ang salitang parabola ay hango sa wikang Griego na parabole. Ito ay isang matandang salitang nangangahulugang
paghahambing ng dalawang bagay upang Makita ang pagkakaiba at pagkakatulad. Gumagamit ng tayutay na
pagwawagis at pagtutulad upang bigyang-diin ang kahulugan at kaisipang nais ipabatid sa mambabasa o tagapakinig.

Ito rin naglalaman ng mga salitang guhit gumagamit ng imahe upang mailarawan ang katotohanan at ang mga mag-aaral
sa buhay.

Itinuturing na kathang isip lamang ngunit mahalagang mensahe na kapupulutan sa pang araw-araw na buhay.
Nagtataglay ito ng mga TALINHAGA.

Tayutay:
Ang tayutay ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang - diin ang mga kaisipan o damdamin sa
pamamgitan ng mga mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit – akit na pananalita. Ang paraang ito ang karaniwang
ginagamit ng mga manunulat upang hindi tahasang tukuyin ang mensaheng nakapaloob sa kanilang mga akda tulad na
lamang ng Florante at Laura.

Tayutay at Mga Uri Nito

Tayutay ang kolektibong tawag sa matatalinhagang pahayag. Madalas Makita ang iba-ibang uri nito sa mga tekstong
pampanitikan lalo na sa mga tula. Sa serye ng aklat ng Hiyos (1968) ni Fernand o Monleon, inilista niya ang 60 uri ng
tayutay na mababasa pangunahin sa Florante at Laura, maging sa ibang tula. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

Depinisyon:
 Ang simili o pagtutulad ay ang tayutay na nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para ng, parang, anaki’y, animo, kawangis ng,
gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa: Ikaw ay tila anghel sa langit dahil sa taglay mong kabaitan.

 Ang metapora o pagwawangis ay uri ng tayutay na may tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan
ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng
bagay na inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa: Ang kanyang tinig ay awit sa pandinig.

 Ang alusyon ang uri ng tayutay na isa ring pamamaraang panretorika na nagbibigay – sanggunian mula sa
kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa: Ang Bundok Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok ng bansa kung kaya’t sinasabing ito ang
Bundok Everest Pilipinas.

3
 Ang metonimya o pagpapalit – tawag ay uri ng tayutay na nagmula sa salitang Griyegong meto at onym na ang
ibig sabihin ay pagpapalit ng pangalan o taguri na kung saan ang isang salita o grupo ng mga salita ay
pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa: Liwanag siya sa dilim ng mga taong naliligaw ng landas.

 Ang sinekdoke ay uri ng tayutay na nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan, upang sakupin o
tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa: “Ayoko ng makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko!”

 Ang pagmamalabis o eksaherasyon ay uri ng tayutay na lagpas lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o


kakulangan ng isang tao, bagay,pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon.

Halimbawa: "Muntik na akong masunog sa taas ng lagnat niya."


 Ang pagtawag o apostrophe ay uri ng tayutay na kung saan ang pakikipag - usap sa karaniwang bagay ay
mistulang pakikipag – usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong
wala naman.

Halimbawa: “Haring Araw! Bigyan mo kami ng isang magandang panahon.”

 Ang eksklamasyon o pagdaramdam ay uri ng tayutay na kung saan ang isang paglalabas o papahayag ng
matinding damdamin.

Halimbawa: "Aking nadarama ang labis na kalungkutan sa pangungulila sa aking minamahal na nasa malayong
bayan."

 Ang paradoks ay uri ng tayutay na naglalahad ng salungat sa likas o karaniwang kalagayan o pangyayari.

Halimbawa: "Kapag may itinanim, may aanihin."

 Ang pagtatambis o oksimoron ay uri ng tayutay na nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa: Nakabibinging katahimikan ang siya niyang naranasan nang maiwang nag – iisa sa silid ng kanyang
yumaong ina.

 Ang pagsasatao o personipikasyon ay uri ng tayutay na ginagamit upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao tulad ng talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa: Ang kanyang puso ay bato.

 Ang paghihimig o onomatopeya ay uri ng tayutay na gumagamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.

Halimbawa: Ang kanyang palahaw ang siyang tanging nangingibabaw.

 Ang aliterasyon o pag uulit ay uri ng tayutay na magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit
na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa: Ang ugaling pagdidili – dili ay puno ng panubali.

 Ang repitasyon ay uri ng tayutay na inuulit ang mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspektong
akda.
Halimbawa: "Manalig ka! Manalig ka!

4
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa gitna bahagoi ng kolum sa ibaba. Lagyan ng markang tsek (/) ang kaliwang
kolum kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mo ng sagutan ang ikatlong kolum.

BAGO ANG TALAKAYAN PAHAYAG PAGKATAPOS NG TALAKAYAN


Ang mga parabola ay mga
uwentong hinahango sa Bibliya
Ang mga parabula sa kanlurang
Asya ay may katangiang pagtabihin
ang dalaang bagay upang
paghambingin
Ang mga detalye at tauhan ng isang
parabula ay hindi nagbibigay ng
malalim na kahulugan; ang
binibigyang diin ay nag aral o
mensahe ng akda.
Hindi kalian man magiging
magkatulad ang paniniwala ng iba’t
ibang pagpapakahulugan sa mga
talinhaga ng kanilang
pananalampataya.
Ang mga matatalinhagang pahayag
ay nagbibigay sa mambabasa ng
iba’t ibang pagpapakahulugan sa
mensahe ng akda.
Ang layunin ng mga
matatalinhagang pahayag ay
mapaganda ang paglalarawan at
paglalahad ng dayalogo ng mga
tauhan.
Hinahayaan ng mga
matatalinhagang pahayag sa
parabula na maging mapanuri at
masining ang mga mambabasa
nito.

5
PANUTO: sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kumilos na parang pao ang prinsipe?

2. Bakit kaya inisip ng prinsipe na siya ay isang pabo?

3. Masasabi bang wala sa wastong pag-iisip ang prinsipe? Pangatwiranan.

6
Basahin ang akdang Ang Pabo na Prinsipe mula sa bansang Turkey sa (Pahina 1 TALA NG KONSEPTO)

PANUTO: Suriin mo ang dalawang pinaghambing sa parabulang sa parabulang nabasa upang maging malinaw ang
mensahe ng akda.

TAUHAN

Prinsipeng Pabo Ermitanyong Pabo

Maglahad kung paano kumilos ang tauhan Maglahad kung paano kumilos ang tauhan
sa akda. sa akda.

Kaasalang ipinakita Kaasalang ipinakita

7
PANUTO: Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

Masasabi kong…

Napag-alaman kong...

Natuklasan kong...

(aam-govst.edu- 218 2)

8
PANUTO: Bakit kinakailangan mong baguhin ang mga sagot? Isulat ang mga dating sagot sa unang kahon. isulat ang iyong
mga bagong sagot mula dating kaalaman sa ikalawang kahon. isulat amg iyong sagot sa PALIWANAG na kahon.

Dating Kasagutann Bagong Kaalaman

Pagpapaliwanag

Pagpapaliwanag

Pagpapaliwanag

9
REFERENCES:
 Pinagyamang Wika at Panitikan 9 (Diwa Textbook) ni Mar Anthony Simon Dela Cruz, Filipino ng Lahi
(Diwa Learning Town), Internet.

INTERNET
 Curtis, John Brown. Different Camera Works. you tube www.deviantart.com – 679 960 www.clipart-
box.com – 800 800 ph.images.search.yahoo.com/images/view
bladimer.files.wordpress.com/2013/07pork-korap.jpg?w-490 aam-govst.edu-218 224
www.mindanews.com/picture-stories/2013/09/13/zamboanga-city-crisis/ www.flickr.com-320 213
www.youtube.com/watch?V=Nnt60wTUDIQ www.youtube.com/watch?V=Td7V2L5wrYs
www.youtube.com/watch?V=T78stpePnwM
https://www.google.com/search?hl=fil&site=imghp&tbm=isch&source=hp&biw
=800&bih=475&q=filipino+women+of+today&oq=filipino+women+of+today&g
s_l=img.3..0i24l10.13913.30440.0.31334.44.38.3.0.0.0.987.7952.4j34j3j5j2.18.0....0...1ac.1.30.img..33.1
1.2906.wqSSSMp1Kc#hl=fil&q=filipino+women+clip+art&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=s
auOEt3N09gwrM%3A%3BE1aGg8rrvo_gsM%3Bhttp%253A%252F%252Fjad
edoptimist.files.wordpress.com%252F2012%252F01%252F96693-royaltyfree-rf-clipart-illustration-of-a-
beautiful-secretary-typing-on-a-laptop-at-
anofficedesk.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fjadedoptimist.wordpress.com%252Fta g%252Fromance-
author%252F%3B450%3B442 http://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Taiwan
http://www.google.com.ph/books?hl=tl&lr=&id=KFmI5bdm9uQC&oi=fnd&pg=
PA45&dq=women+in+taiwan+sociocultural+perspectives&ots=5maFMQJrMQ
&sig=NSipSn7ynUSeTDV9VeI2BqXNBQ&redir_esc=y#v=onepage&q=women%20in%20taiwan%20soci
ocultural%20 perspectives&f=false http://library.thinkquest.org/20443/g_way_of_life.html
http://www.chinese-traditions-and-culture.com/chinese-traditions.html

Inihanda ni:

BB. SHERHADA J. ALMENDRAS


Guro Sa Filipino

10
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Package
FILIPINO-9
2ND set 3RD Quarter 2022-2023

PANGALAN: PETSA: _______________

BAITANG AT SEKSYON:_________________ PUNTOS:_______________

PAKSA: ELEHIYA Date:


Week: 3-4
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…

 Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag


Sa pamamagitan ng: Pagtutukoy ng mga matatalinhagang pahayag.

 Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa:


Sa pamamagitan ng: Pagtukoy sa kaugalian o tradisyon na mayroon ang elehiyang binasa)

 Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit


Sa pamamagitan ng: Pagsususri ng paraan ng pagbigkas ng elehiya at awit)

Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin


Sa pamamagitan ng: Pagtutukoy ng mga pang-uri na ginagamit sa pagsidhi ng damdamin)

11
BASAHIN AT UNAWAIN

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap

12
Katuturan at porma ng Elehiya

Elehiya- ang tawag sa tulang inialay sa isang namayapa. Naglalaman ito ng pagmumuni sa isang pumanaw. Dahil
nagtatampok ito ng emosyonal na aspekto ng isang nagluluksa. Karaniwang bukod sa kahingian na umiinog ito sa pag-alala
at pagmumuni saa buhay ng isang pumanaw. Kadalasan, natatapos ang isang elehiya sa pahiwatig ng pag-asa at positibong
pagtanggapsa kamatayan.
Unang nakita ang porma ng elehiya sa mgaa sibilasyong Griyego na nag-aalalay ng ga mensahe sa mga namaya sa
pamamagitan ng tula. Tinantawag na elegeia ang porma ng mga tula na lumulubog sa mga usapin ng kamatayan maging sa
ibang usaping panlipunan. Sa kalakhang Europa, nakita ang paggamit sa elehiya sa panahon ng lilusang Romantiko na
idinidiin ang ugnayan ng tao sa kanyang kalikasan at paligid.
Sa kanlurang malaking bahagi ng populasyon ay mga Muslim, hindi iilan gumagamit ng porma ng elehiya upaang
makapagpahayag. Ayon sa Culture Trip, kilalang website hinggil sa kanlurang Asya, sina Farrah Sarafa at Elisha Porat, mga
kilala kontemporanyeong manunulat sa kanlurang Asya, ay gumugamit ng pormang ito. Dahil sa tindi ng ng digmaang sibil sa
Israel, Gaza, Strip, Palestina, at Lebonan, maraami ng mga akdang pampanitikan ang nalilmbag tungkol sa dami ng bilang ng
mga sibilyang biktima ng armadong labanan sa mga nasabing lugar. Sa ganitong konteksto ngalitawan ang mga elehiya sa
Kanlurang Asya.
Sa tatlong bahagi ng pagluluksa karaniwang umiinog ang elehiya. Una, ang panaghoy. Sa bahaging ito inilalatag ng
persona ng akda ang kalungkutan bunsod ng pagpanaw ng mahal sa buhay o sinumang indibidwal. Ikalawa, ang paghanga
sa namayapa. Sa bahaging ito nakikita sa akda ang paglalarawan sa pumanaw na pinatutungkulan ng teksto. Layunin nitong
ipinagdiwang ang naging buhay ng pinapaksa ng akda. Ikatlo, ang pagbibigay pag-asa sa mga naiwan. Bilang panghuli,
karaniwang natatapos ang elehiya sa pag-iiwan ng mensahe ng pag-asaat pagpapatuloy sa buhay ng mga naiwan. Bagaman
ang elehiya ay patungkol sa isang namatay, ito rin ay nag-iiwan ng mensahe sa mga nabubuhay pa na pahalagahan ang
maiksing pagkakataong nang pananatili sa daigdig.

Ilan sa mga kinikilalang elehiya sa buong daigidig ang mga sumusunod. Saliksikin ang mga ito upang lalo pang
mapalawak ang kaalaman sa elehiya bilang akdang pampanitikan:
1. In memory of W.B. Yeats (1940) ni W.H Auden ng Estados Unidos.
2. Fuguue of death (1948) ni Paul Cleang ang Alemanya.
3. O Captain, My Captain (1865) ni Walt Whitman ng Estados Unidos.
4. Duino Elegies (1923) ni Rainier Maria Rilke ng Alemanya.
5. Elegy Writtenin in a country Churhyard (1751) ni Thomas Gray.

PAGPAPAHALAGA SA MGA PUMANAW NG MAGKAKAIBANG PANINIWALA


Bahagi ng Kanlurang Asya ang mga mamayaman mula sa magkakaibang relihiyon. Sa magkakaiba mang pamaraan,
nagpapakita ang iba-bang relihiyon ng kanilang-kanilang pagpapahalaga sa mga pumanaw at sa kamatayan. Narito ang ilan
sa mga ito.
1. Kristiyanismo. marami sa sektang nakapailalim sa Kristiyanismo ang naniniwala sa pagkakaroon ng langit at
impyerno matapos ang buhay sa daigdig. Naniniwala ang mga Kristiyanismong nagpapako at namatay si Hesus
upang tubusin ang kalasanan ng sanlibutan. Hindi iilan ang sermonya ng mga Kristiyano na may kinalaman sa
patay. Ilan lamang dito ang burol, pabasa, at pangangaluluwa.

2. Islam. Katulad ng mga kristiyano, naniniwala ang mga Muslim na ang pagtatapos ng moral na buhay ay
paghahanda lamang sa isa pang walang hanggang buhay. Nagaganap ang burol ng ng isang Muslim matapos
mahugasan ang pumanaw at maibalot ito sa malinis na puting tela. Nagkakaroon ng pagtitipon at pagdarasal
matapos ang libing. Ang pumanaw ay inililibing na nakahilig pakanan sa direksyon ng banal na lungsod ng Mecca.

3. Hinduismo. Bahagi ng paniniwlang Hindu ang reinkarnasyon o muling pagkabuhay ng kaluluwa ng namatay.
Matapos namatay ang isang indibidwal.muling bumabalik ang kaluluwa nito sa kalikasan at babalik sa daigdig sa
ibang porma upang magsimula ng panibagong paglalakbay. Hindi inililibing ang mga labi ng isang Hindu bagkus ay
sinusunog sa pamamagitan ng cremation.

4. Buddhismo. Naniniwla rin ang mga Buddhista sa konsepto ng reinkarnasyon. Itinuturing nila ng kamatayan bilang
katapusan ng buhay sa materlistikong mundo. Ang pinakalayunin sa ng paglalakbay ng isang kaluluwa ay ang
makaalpas sa siklo ng kamatayan at muling pagkabuhay. Ito ang tinatawag nilang Nirvana. Bago ilagak ang isang
pumanaw, nagsasagawa sila ng iba-ibang ritwal upang payapang makapaglakbay muli ang kaluluwa ng namatay.

13
5. Judaismo. Itinuturing ng natural na pangyayari ng mga Hudyo ang kamatayan. Malawak ang kanilag sermonya
pagdating sa pagluluksa sa patay. Ang gawing ito ay bilang tanda ng dalawang bagay: una, ang kavod ha met o
bilang respeto sa pumanaw, at ikalawa, ang nihum avelim o upang kanlungin ang mga naiwan.

Pang-ugnay
Mahalagang sangkap ng maikling kwento ang pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Sa
paglikha nito, makatutulong ang kaalaman sa wastong paggamit ng mga pang-ugnay upang magging maayos ang
paglalahad ng mga pangyayari sa kwento.
Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng ugnayan ng dalwang salita, parirala o sugnay. Ang mga pang-ugnay
ay maaring nasa porma ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol.
A. Pangatnig. Ito ang katagang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalwang salita, parirala, o sugnay sa isang
pagungusap. Ginagamit ang mga pangatnig na at, pati, maging, ngunit, subalit, at iba pang katulad sa pag-uugnay ng
mga salita, parirala, at nang, bago, upang, kapag, dahil, sapagkat, kung gayon, sana at iba pang katulad sa mga
,salita, parirala, at sugnay na hindi magkatimbang.

Halimbawa:
1. Kilala ang Kanlurang Asya na mayamang deposito nito ng mineral at krudo.
2. Dahil sa pagpasa ng pamahalaan sa Reproductive Health Bill (RH Bill), marami na sa kabataan ang nakauunawa
sa matalinong pagpaplano ng pamilya.

Sa unang halimbawang pangungusap, pinag-uugnay ng pangatnig na at mga salitang mineral at krudo. Ang
halimbawang pangatnig ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na makapag-iisa. Samantala, sa ikalawang
halimbawa, pinag-uugnay naman ng pangatnig na dahil sa ang dalawang sa magkaibang sugnay na pagpasa ng
pamahalaan sa BH Bill at marami na sa kabataan ang nakauunwa. Ang ganitong mga halimbawa ng pangatnig ang
nag-uugnay sa hindi magkatimbang na sugnay, na nangangahulugang pantulong lamang sa isa.

B. Pang-angkop. Ito ang katagang nag-uugnay sa panuring at sa tinuturingan nito. Dalawa ang pang-angkop na
maaaring gamitin sa Filipino: ang na at ang ng. ginagamit ang na kapag ang inaangkupan ay nagtatapos sa katinig
maliban sa /n/. samantala, ang –ng ay ginagamit kapag ang nagtatapos sa patinig at sa katinig na /n/ (kinakaltas ang
/n/ at pinapalitan ng /-ng/)

Halimbawa:
Makatutulong ang pagkakilala sa pansariling kultura ng mga Muslim upang mapanatili ang matatag na ekonomiya ng bansa.
Sa halimbawa, napag-ugnay ng pang-angkop na –ng, ang mga salitang pansarili at kultura. Gayundin, sa pamamagitan ng
pang-angkop na na napag-ugnay ang mga salitang ekonomiya. Nagging mas malinaw ang pagpapahayag sa pangungusap
gamit ang mga nasabing pang-angkop.

C. Pang-ukol. Ito ang mga salitang nag-uugnay sa pangalan sa iba pang salita sa pangungusap.

Ang ilan salita ang magagamit bilang pang-ukol ay:

ni/ nina para sa/ kay


kay/ kina ukol sa/ kay
laban sa/ bay tungkol sa/ kay
ayon sa/ kay hinggil kay
alinsunod sa/ kay ng

Halimbawa:
Ayon sa mga eksperto, ang patuloy ng pagtaas ng presyo ng langis ay dulot ng krisis sa langis sa Kanluran Asya.

Sa halimbawa, pansinin na iniuugnay ng pang-ukol na ayon sa ang pangngalang eksperto sa iba pang salita sa
pangungusap. Ganito din ang ginagawa ng mga pang-ukol na ng at sa sa halimbawang pangungusap.

14
PANUTO: Mula sa binasang tula, pumili ng mga linyang hindi mo madaling maunawaan. Isulat ito sa kahon at suriing
mabuti. Isulat sa katapat na kahon ang inaakalang kahulugan.

BASAHIN AT UNAWAIN sa pahina 1:Aang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Bhutan Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

 Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang akda.

1. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga aral at mensaheng hatid ng elehiya?

2. Ano ang gagawin mo kung sakaling mawalan ka ng mahal mo sa buhay?

15
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na tanong upang ,masuri at mapalalim ang binasang akda.

1. Tungkol saan ang binasang tula?

2. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang pagdadalamhati?

3. Paano nakapagbibigay ginhawa sa isang dalamhati ang pagsulat ng isang elihiya?

16
PANUTO: Sa puntong ito, aalamin natin ang mga kasanayang iyong natutunan sa aralin. Layunin ng gawaing ito na
masukat aang iyong kaalaman sa puntong ito gamit ang flowtsart na ito. Isulat ang iyong mga natutunan.

ELEHIYA MGA BALITANG NAGPAPASIDHI KAISIPAN


NG DAMDAMIN

17
PANUTO: Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

Masasabi kong…

Natuklasan kong...
Napag-alaman kong...

(aam-govst.edu- 218 2)

18
PANUTO: Bilang pangwakas na Gawain, pupunuan mo na ang bahaging F ng tsart. Aalamin nito ang pinakapinal na
natutunan mo mula sa pagtalakay ng aralin.

Tanong: Gaano kahalaga ang paggamit ng wastong salita sa paglalahad n gating damdamin?

I (Inisyal)

R (Revised)

F (Final)

19
REFERENCES:
 Pinagyamang Wika at Panitikan 9 (Diwa Textbook) ni Mar Anthony Simon Dela Cruz, Filipino ng Lahi
(Diwa Learning Town), Internet.

INTERNET
 Curtis, John Brown. Different Camera Works. you tube www.deviantart.com – 679 960 www.clipart-
box.com – 800 800 ph.images.search.yahoo.com/images/view
bladimer.files.wordpress.com/2013/07pork-korap.jpg?w-490 aam-govst.edu-218 224
www.mindanews.com/picture-stories/2013/09/13/zamboanga-city-crisis/ www.flickr.com-320 213
www.youtube.com/watch?V=Nnt60wTUDIQ www.youtube.com/watch?V=Td7V2L5wrYs
www.youtube.com/watch?V=T78stpePnwM
https://www.google.com/search?hl=fil&site=imghp&tbm=isch&source=hp&biw
=800&bih=475&q=filipino+women+of+today&oq=filipino+women+of+today&g
s_l=img.3..0i24l10.13913.30440.0.31334.44.38.3.0.0.0.987.7952.4j34j3j5j2.18.0....0...1ac.1.30.img..33.1
1.2906.wqSSSMp1Kc#hl=fil&q=filipino+women+clip+art&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=s
auOEt3N09gwrM%3A%3BE1aGg8rrvo_gsM%3Bhttp%253A%252F%252Fjad
edoptimist.files.wordpress.com%252F2012%252F01%252F96693-royaltyfree-rf-clipart-illustration-of-a-
beautiful-secretary-typing-on-a-laptop-at-
anofficedesk.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fjadedoptimist.wordpress.com%252Fta g%252Fromance-
author%252F%3B450%3B442 http://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Taiwan
http://www.google.com.ph/books?hl=tl&lr=&id=KFmI5bdm9uQC&oi=fnd&pg=
PA45&dq=women+in+taiwan+sociocultural+perspectives&ots=5maFMQJrMQ
&sig=NSipSn7ynUSeTDV9VeI2BqXNBQ&redir_esc=y#v=onepage&q=women%20in%20taiwan%20soci
ocultural%20 perspectives&f=false http://library.thinkquest.org/20443/g_way_of_life.html
http://www.chinese-traditions-and-culture.com/chinese-traditions.html

Inihanda ni:

BB. SHERHADA J. ALMENDRAS


Guro Sa Filipino

20
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Package
FILIPINO-9
3RD set 3RD Quarter 2022-2023

PANGALAN: PETSA: _______________

BAITANG AT SEKSYON:_________________ PUNTOS:_______________

PAKSA: RAMA AT SITA Date:


Week-5-6
(Isang kabanata) Epiko – Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…

Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko


 Pagtutukoy sa mga katangian ng kulturang Asyano na ipinakita sa epiko

Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya
 Pagbabahagi ng mga angkop na mga salitang nanghihikayat

Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya
 Pagtatala ng mga ideya at opinyong inilahad sa napakinggan
Naiisa-isa ang kultura ng Kanluraning Asyano mula sa mga akdang pampanitikan nito
Pagsusuri ng mahahalagang detalye batay sa napanood na pagtatanghal

21
RAMA AT SITA
(Isang kabanata) Epiko – Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang
babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni
Ravana, na hari ng mga higante at demonyo.
“Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama.
“Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”
Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos ng husto
si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama
ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at
ilong ng higante.
“Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay
Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandng babae sa gubat at inalok niya itong
maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong
at tenga.
“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala naman si Ravana
sa kuwento ng kapatid.pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang
malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong.
“kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi
naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama
at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.
“Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang
pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod
sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito.
Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot
pero ayaw paring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging
hari,” sabi nito kay Lakshamanan.

22
Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa
gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang
matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita.

Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka!,” sabi ni Ravana.
Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita
at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala
siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa
kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay Makita iyon ni Rama para masundan siya at maligtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe ni
Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa
mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila
upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.
Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay
ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming
kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at
silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang
iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila
nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

23
PANUTO: Pagtatala sa tsart ng dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng kanlurang Asya na
sumasalamin sa pag-ibig at pagiging bayani sa pamamagitan ng LAF.
Panoorin mo ang link na ito. www.theheartofindia/youtube.com

LIST ALL FACTORS (LAF)


PANITIKAN SA KANLURANG ASYA SA USAPING PAG-IBIG AT PAGIGING BAYAI

A.

B.

C.

D.

24
Basahin at Unawain
Tandaan ang mga salitang hindi mo gaano mauunawaan habang binabasa mo ang akda.

PANUTO: Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita upang masabing sila ay Malaya.

RAMA

KILOS PANANALITA DAMDAMIN

Maglahad kung paano Maglahad kung ilang Isulat ang ilang


kumilos ang tauhan sa pahayag ang tauhan damdamin namayani
akda. sa akda. sa tauhan batay sa
mahalagang tagpo sa
akda.

__________________
__________________
__________________ __________________
__________________
__________________ __________________
__________________
__________________ __________________
__________________ __________________

Kaasalang ipinakita…
Kaasalang ipinakita…

Kaasalang ipinakita…

Masasabi bang naging isang bayani si Rama at Sita batay sa kanyang kilos,
paananalita at damdamin? Pangatwiran ang sagot.

25
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Paano ipinakita ni Rama ang kanyang tunay na pagmamahal kay Sita?

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging si Rama, gagawin mo rin ba ang kaniyang mga isinakripisyo
upang maipakita lamang kay Sita ang kanyang tunay na pag-ibig? Ipaliwanag ang sagot?

3. Paano sinasalamin ng akdang Rama at Sita ang kultura ng mag Hindu sa larangan ng pag-ibig?

26
PANUTO: Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

Masasabi kong…

Napag-alaman kong...

Natuklasan kong...

(aam-govst.edu- 218 2)

27
REFERENCES:
 Pinagyamang Wika at Panitikan 9 (Diwa Textbook) ni Mar Anthony Simon Dela Cruz, Filipino ng Lahi
(Diwa Learning Town), Internet.

INTERNET
 Curtis, John Brown. Different Camera Works. you tube www.deviantart.com – 679 960 www.clipart-
box.com – 800 800 ph.images.search.yahoo.com/images/view
bladimer.files.wordpress.com/2013/07pork-korap.jpg?w-490 aam-govst.edu-218 224
www.mindanews.com/picture-stories/2013/09/13/zamboanga-city-crisis/ www.flickr.com-320 213
www.youtube.com/watch?V=Nnt60wTUDIQ www.youtube.com/watch?V=Td7V2L5wrYs
www.youtube.com/watch?V=T78stpePnwM
https://www.google.com/search?hl=fil&site=imghp&tbm=isch&source=hp&biw
=800&bih=475&q=filipino+women+of+today&oq=filipino+women+of+today&g
s_l=img.3..0i24l10.13913.30440.0.31334.44.38.3.0.0.0.987.7952.4j34j3j5j2.18.0....0...1ac.1.30.img..33.1
1.2906.wqSSSMp1Kc#hl=fil&q=filipino+women+clip+art&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=s
auOEt3N09gwrM%3A%3BE1aGg8rrvo_gsM%3Bhttp%253A%252F%252Fjad
edoptimist.files.wordpress.com%252F2012%252F01%252F96693-royaltyfree-rf-clipart-illustration-of-a-
beautiful-secretary-typing-on-a-laptop-at-
anofficedesk.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fjadedoptimist.wordpress.com%252Fta g%252Fromance-
author%252F%3B450%3B442 http://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Taiwan
http://www.google.com.ph/books?hl=tl&lr=&id=KFmI5bdm9uQC&oi=fnd&pg=
PA45&dq=women+in+taiwan+sociocultural+perspectives&ots=5maFMQJrMQ
&sig=NSipSn7ynUSeTDV9VeI2BqXNBQ&redir_esc=y#v=onepage&q=women%20in%20taiwan%20soci
ocultural%20 perspectives&f=false http://library.thinkquest.org/20443/g_way_of_life.html
http://www.chinese-traditions-and-culture.com/chinese-traditions.html

Inihanda ni:

BB. SHERHADA J. ALMENDRAS


Guro Sa Filipino

28
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Package
FILIPINO-9
4TH set 3RD Quarter 2022-2023

PANGALAN: PETSA: _______________

BAITANG AT SEKSYON:_________________ PUNTOS:_______________

PAKSA: ANG MGA PAGHAHANGAD NI SIDDARTHA Date:


Week: 7-8
Isinulat ni Herman Hesse
Muling isinalaysay ni Louie Jon A. Sanchez

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…

 Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan

 Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa

 Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng binasang akda

 Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:


- sarili
- panlipunan Pandaigdig

 Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang socila media

 Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa Akda

29
ANG MGA PAGHAHANGAD NI SIDDARTHA
Isinulat ni Herman Hesse
Muling isinalaysay ni Louie Jon A. Sanchez

Isinilang sa isang marangyang buhay si Siddartha, anak ng isang Brahman, na uri ng mga tao antigong lipunang
Hindu na mula sa angkan ng mga pari, alagad ng hinang, guro, at iba pa. lumaki siya nabububungan, naaalagaan, kasama
ng kaibigang si Govinda, kapuwa niya mula sa angkan ng mga Brahmin. Napakagandang lalaki ni Siddartha sa kaniyang
panahon, matipuno. Lumaki rin siyang babad sa pag-aaral, sa pakikisangkot sa mga ritwal, maging sa pakikipagtagisan sa
katuwiran kasama si Govinda. Marami na siyang natutunan hinggil sa pagninilay, at nagkakamalay, lumalaki siyang isang
malusog at matalinong binatilyo. Para sa kaniyang ama, itinakda na siyang maging isang mahusay sa Brahmin.

Ang matalik niyang kaibigang si Govinda, na lubos na humahang sa kaniya ay nakadama na hindi magiging
karaniwang Brahman si Siddartha. May kabatiran din sa Govinda na kapuwa sila hindi magiging ordinaryong Brahman. Halos
panginoon niya ang kaibigang si Siddartha, kapara ng mataas na pagtingin ng madla. Ang kakabaligtaran nito, walang
ligayang nadarama si Siddartha sa kaniyang sarili. Tila ba may hinahanap siya sa kaniyang buhay. Sa kabila ng rikit ng
kaniyang paligid, kaginhawahan sa kanyang pag-aaral at pagpapasaya sa tabi ng ilog katuwaan sa pag-aaral ng mga
sinaunang teksto, tumibok sa kaniyang loo bang paghahagad na hagilapin ang kung ano man na magpapaganap sa kaniya.
Unti-unti niyang nadama na hindi sapat ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang, maging ng kaniyang kaibigang si
Govinda upang mapunan ang tila kulang sa kaniyang sarili.

Ang ng ba ang natutuhan niya sa buhay? Ang mga guro’y puno ng karunungan at naibigay na nila sa kaniya na nila
sa kaniya ang lahat ng maaaring pinaakmang katuruan. Napakarami niyang mga tanong, at tila ba hindi naman niibsan ng
mga pag-aalay ang kaniyang kalungkutan. Nais niyang malaman, matamasa ang atman, ang kaibuturan at kaluluwa, ngunit
parang napakailap ng mga ito sa kaniya, napakasaklap sapagkat hindi niya ito matagpuan sa mga klase niya’t
pagdadalubhasa, sa kaniyang pagninilay, sa pagbabasa. Hindi niya maunawaan ang paglikha, ang paglikha at pag-aaruga,
ang takbo ng daigdig sa kamay ng mga diyos. Hindi niya rin matukoy ang halaga ng lahat. Hinahanap niya ang kaniyang
atman, ang kanyang kaluluwa. Kahit ang binasa niya mula sa Upanishad na ang kaluluwa mo’y kaisa ng daigdig ay walang
kahulugan sa kanya. Mula sa kalungkutan higit niyang nadamang sa gitna ng rangya at kariwasaan, sa pagmamahal at
pagtubong sa karunungan, naroroon siya sa isang uri ng pagkauhaw ng pagdurusa. Takang-taka siya sa mga kasamahang
kung maghapon ay nagtutungo sa ilog upang maglinis ng kaluluwa.naligalig siyang maisip na kung tunay ngang kaisa ng
daigdig ang bawat kaluluwa,bakit kailangan pa nitong malinis araw-araw? Napuno siya hindi lamang ng mga tanong kundi ng
ibayong bagabag.ito ay kabila ng pagtitiyak niya sa sarili,gamit ang mga sagradong tekstong binabasa niya magha-
maghapon,na nababatid na niyang lahat.

Isang araw,niyaya niya ang kaibigang si govinda na magnilay sa ilalim ng punong banyan. Naglayo sila nang may akmang
ouwang para sa isa’t isa. Nang magsimula sila, binigtas ni Siddartha ang katagang Om ay ang arko, ang On ay ang pana.
Ang Brahmin ang Asintahin. Ito ang kailangang tamaan. Natapos ang pagninilay nila kinagabihan at tumayo na si Govinda
upang makapaglinis at makapag-alay.ilang ulit niyang tinawag si Saddartha ngunit tila ba may iba itong kinalalagyan,ibang
daigdig. Upang hindi ito ginawin,binalabalan niya ito. Kinabukasan,kinausap ni Siddartha ang kaibigan upang sabihing
ninanasa niyang hagilapin ang kaniyang mga paghahangad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Samana, ang mga
palaboy na mistiko na naglalagi sa kagubatan.

Ngunit kailangan niyang hingin ang pagpayag ng kaniyang ama. Ang Brahmin, nang kaniyang kausapin ay
nahintakutan sa kaniyang narinig. Natakot siya sa maaaring mangyaring pagdarahop sa kaniyang anak. Sinikap niyang
hikayatin ito na huwag ituloy ang plano ,na nababatid ang kahirapan ng mga Samana, ang kanilang pamumuhay sa
kasukalan at kakulungan.
Inabangan ni Siddartha ang kaniyang ama habang nagninilay. Nakatayo lamang ang binata, nakahalukipkip.
Matapos nang matagal na paghihintay sa ama,nakaramdam ang ama na naroon ngang nakatayo ang minamahal sa
kaniyang likuran.

30
Ano ang iyong ginagawa riyan Siddartha?

Nais ko po sanang hingin ang inyong pagpayag sa aking balak. Mithi ko pong lisanin ang kaharian upang maging
ermitanyo. Sasama po ako sa mga Samana. At bakit mo naman naisip na papaya ako? Napakahirap ng buhay ng mga
Samana. Mamamatay ka sa gutom.

Matapos na sambitin ito ng kaniyang ama ay nanahimik ang matandang Brahmin. Nag-isip,huminga ng malalim
habang sa pagninilay ay humahagilap ng mga pamamaraan upang mahikayat ang anak na huwag ituloy ang balak. Hindi si ya
makapaniwala na mamumutawi ang mga salita mula sa mga labi ng isang Brahim.

Hindi ito nararapat sa mga tulad natin. Ang mga kaisipan mong iyan ay hindi nababagay sa ating may malalim na
pag-unawa at pag-aaral sa mga bagay. Mabuti pang ipagpatuloy mo na ang iyong gawain at huwag na akong abalahin
kailanman hinggil sa kahangalang ito.

Hindi nating si Siddartha sa sinabit na ito ng kaniyang ama. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakaupo’t
nagninilay ang kaniyang ama. Nang makitang naroroon pa rin ang anak sa kaniyang pagtayo, hindi na sana niya papansinin
ang itinuturing na kapritso ng anak. Ngunit nagwika muli ito:

Ama, payagan mo na ako. Kailan kong hanapin ang aking kaganapan.

Mapapagod ka lamang sa paghihintay ang aking paahayag, wika ng ama na magtutungo na sa kaniyang silid upang
namahinga.

Mahihintay ako.

Gagabaan ka ng antok.

Hindi ako aantukin.

Nahindik ang ama sa kanyang sasambitin, kaya bumuntong-hininga muna siya.


Mamamatay sa iyong balak, siddartha.

Alam kong mamamatay ako. Lahay ay mamatay

At mas pipiliin mo ang mamatay kaysa sumunod sa iyong ama?

At dito minasdang mabuti ng ama ang paninindigan ng anak. Sadyang napakatibay.


Kaya walang nagawa ang ama. Pinayagan niya ito. Ngunit hinabilinan na kung hindi nito makakaya ang pamumuhay bilang
Samana, makababalik ito agad-agad sa kanilang tahanan.

At nagsimula na nga mga ilang araw matapos ang pag-uusap, ang paglalakbay ni Siddartha. Isinama ni Siddartha
ang kaibigang si Govinda, na agad na sumunod sa kaniyang paanyaya.

31
GAWAIN 1: PILIIN MO!

PANUTO: Pumili ng dalawang larawan nasa tingin mo ay magkaugnay o mayroong kwento. Ipaliwanag kung bakit ito ang
nagkaroon ng ugnayan sa isa’t isa.

Mga Larawang Pagpipilian:

Pulis Guro Pagbaha

Pagsabog ng Bulkan Bata Kahirapan

1.
Larawang Napili Larawang Napili Paliwanag:
Bilang 2
Bilag 1

2.
Paliwanag:
Larawang Napili Larawang Napili
Bilang 2
Bilag 1

32
GAWAIN 2: Anticipation Reaction Guide

PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa gitnang bahagi ng kolum sa ibaba. Lagyan ng markang TSEK (√) ang
kaliwang kolum kung ikaw ay sumasang-ayon.

ANTICIPATION-REACTION GUIDE
BAGO ANG TALAKAYAN PAHAYAG PAGKATAPOS NG
TALAKAYAN

Ang tunggalian ang


pinakamasidhing bahagi ng isang
maikling kwento.

May limang uri ng tunggalian


laban sa tao na siyang batayan
ng mahahalagang tagpo ng
akda.

Ang mga taga-Indiya ay may


pananampalayatang Hudaism na
nakaaapekto sa kanilang gawi o
paraan ng pamumuhay.

Ang tunggalian ay binubuo ng


isang pagtatangka lamang ng
pangunahing tauhan mula sa
nararanasang sulirain.

33
GAWAIN 3: KILALANIN MO SIYA!

PANUTO: Sa binasa mong akda, mainam kung makikilala natin ang tauhan batay sa kanyang ikinilos, iniisip at estado sa
buhay, balikan ang akda at tukuyin ang mahahalagang impormasyon na natutungkol sa pangunahing tauhan.

S Estado sa Buhay:

I
D Pananampalayata:

D
A
Kapalarang Hinaharap:
R
T
H Mithiin sa Buhay:

34
PANUTO: Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

Masasabi kong…

Napag-alaman kong...

Natuklasan kong...

(aam-govst.edu- 218 2)

35
REFERENCES:
 Pinagyamang Wika at Panitikan 9 (Diwa Textbook) ni Mar Anthony Simon Dela Cruz, Filipino ng Lahi
(Diwa Learning Town), Internet.

INTERNET
 Curtis, John Brown. Different Camera Works. you tube www.deviantart.com – 679 960 www.clipart-
box.com – 800 800 ph.images.search.yahoo.com/images/view
bladimer.files.wordpress.com/2013/07pork-korap.jpg?w-490 aam-govst.edu-218 224
www.mindanews.com/picture-stories/2013/09/13/zamboanga-city-crisis/ www.flickr.com-320 213
www.youtube.com/watch?V=Nnt60wTUDIQ www.youtube.com/watch?V=Td7V2L5wrYs
www.youtube.com/watch?V=T78stpePnwM
https://www.google.com/search?hl=fil&site=imghp&tbm=isch&source=hp&biw
=800&bih=475&q=filipino+women+of+today&oq=filipino+women+of+today&g
s_l=img.3..0i24l10.13913.30440.0.31334.44.38.3.0.0.0.987.7952.4j34j3j5j2.18.0....0...1ac.1.30.img..33.1
1.2906.wqSSSMp1Kc#hl=fil&q=filipino+women+clip+art&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=s
auOEt3N09gwrM%3A%3BE1aGg8rrvo_gsM%3Bhttp%253A%252F%252Fjad
edoptimist.files.wordpress.com%252F2012%252F01%252F96693-royaltyfree-rf-clipart-illustration-of-a-
beautiful-secretary-typing-on-a-laptop-at-
anofficedesk.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fjadedoptimist.wordpress.com%252Fta g%252Fromance-
author%252F%3B450%3B442 http://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Taiwan
http://www.google.com.ph/books?hl=tl&lr=&id=KFmI5bdm9uQC&oi=fnd&pg=
PA45&dq=women+in+taiwan+sociocultural+perspectives&ots=5maFMQJrMQ
&sig=NSipSn7ynUSeTDV9VeI2BqXNBQ&redir_esc=y#v=onepage&q=women%20in%20taiwan%20soci
ocultural%20 perspectives&f=false http://library.thinkquest.org/20443/g_way_of_life.html
http://www.chinese-traditions-and-culture.com/chinese-traditions.html

Inihanda ni:

BB. SHERHADA J. ALMENDRAS


Guro Sa Filipino

36

You might also like