You are on page 1of 15

ARALIN 1.

3
GROUP 3: JABONETE,
SITCHON, CLAVEL, SADSAD
ANO ANG PANITIKAN?
 Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang
tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang
mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na
pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang
nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
 Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at
nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang
isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng
iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
ALAM MO BA….
 Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo
ng kinikilalang pamantayang moral ng karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa banal na
kasulatan o BIBLIYA. Realistiko ang banghay at
ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay mga
tonong mapagkamuhi at maaaring may sangkap ng
misteryo.
 Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang
Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan,
Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan “Syria” ay
dating magkasingkahulugan sa levant (kilala sa
Arabic bilang al-sham) habang sumasaklaw sa
mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang
mga sinaunang kaharian at imperyo.
Ang Tusong Katiwala Final.mp4
ALAM MO BA NA….
 Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang
mga pang-ugnay o panadang pandiskurso? Narito ang
mahalagang gamit nito:
 A. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad


ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa
ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang:
pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong
huli, pati, isa pa, at gayon din.
 B. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pag-ugnay sa bahging ito ng
paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin,
paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang ng pang-ugnay sa
bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.
Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta
ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga.
Puasa_ Pag-aayunong Islam.mp4
mensahe ng butil ng kape HD.mp4
Pagsasanib ng Gramatika at
Retorika

 Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na


nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga impormasyon o
pangyayari.
 Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag
ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari.
Iba't - Ibang Uri ng Teksto:
 argumentatibo
 deskriptibo
 ekspositori o impormatibo
 naratibo
 persuweysib
 prosidyural
 reperensyal
 Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng kuro - kuro, pananaw, paniniwala
ukol sa isang isyung mahalaga o maselan. Ito ay naglalayon na hikayatin ang
mga mambabasa na tanggapin ang argumentong inilalahad sa pamamagitan ng
pangangatwiran at patunayan ang mga katotohanang ipinahahayag nito.
 Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan at
karaniwang naglalaman ng mga impormasyon
ukol sa katangian ng bagay, lugar, pangyayari, at
tao.
 Ang tekstong ekspositori o impormatibo ay
nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang
bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ito ay batay sa
katotohanan at kadalasang nasa tonong obhektibo
na sumasagot sa tanong na ano, bakit, paano, saan,
at sino.
 Ang tekstong naratibo ay nasa anyong pasalaysay
na tila nagkukwento ukol sa isang tiyak na
pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay
kabatiran at kawilihan sa mga mambabasa.
 Ang tekstong persuweysib ay naglalayong
humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito
ay karaniwang ginagamit sa radio at telebisyon. Ito
ay ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak
upang maging kapani paniwala.
 Ang tekstong prosidyural ay nagpapakita ng
pagkakasunod sunod ng mga hakbang, pahayag, o
pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa
tanong na paano.
 Ang tekstong reperensyal ay naglalahad ng mga
tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na
kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa
iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.

You might also like