You are on page 1of 20

ANG

TEKSTONG
EKSPOSITORI
(PAGLALAHAD)
Ang tekstong ekspositori ay isang uri ng teksto na
nagpapaliwanag ng mga impormasyon, paksa,
ideya o mga pangyayari na ang layunin ay upang
gawing malinaw ang ano mang bagay na
mahalaga para sa tao. Nililinaw sa tekstong
ekspositori ang mga katanungan sapagkat
tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng
mambabasa na malaman ay mga kaugnay na
ideya o isyu. Nakapaloob dito ang pagsusuri, pag-
aanalisa at paglalahad ng isang kritikal na
kaisipan para sa ikauunawa ng mga mambabasa
at gayundin sa ikalilinaw ng paksa.
Ang tekstong ekspositori ay may kaibahan sa
tekstong narativ sa istilo, tono, istruktura at
nilalaman. Ito kasi ay nagpapahiwatig ng tono ng
isang taong may awtoridad dahil ang manunulat
dito ay nagtataglay ng isang totoo at tiyak na
mga impormasyon na kanyang isinulat.
Sinusunod din ng tekstong ito ang isang istilo na
talagang naiiba sa tekstong narativ dahil
gumagamit ito ng isang malinaw at tiyak na
paglalahad ng mga katotohanan na maaaring sa
paraang pasaklaw (general specific) o pabuod
(specific general)
Mga katangian ng
Tekstong
Ekspositori/Paglalahad
1.Kailangang obhitibo ang pagtatalakay sa paksa.

2. Ang manunulat o ang magbabahagi ay may sapat na


kaalaman sa paksang kanyang ilalahad.

3. Dapat ihanay ang mga ideya nang malinaw. Kailangang


sundin ang bahagi nito: simula, gitna at wakas. Sa
paglalahad ng katawan o gitnang bahagi ay kailangan
itong masuportahan ng mga patunay o ebidensya

4. Kailangang analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at


datos.

5. Dapat maging kawili-wili ang paghanay ng mga


kaisipan. Iyong nakapupukaw ng pandama.
Mga Uri ng Tekstong
Ekspositori
1. Pagbibigay ng Depinisyon

Ang uring ito ng tekstong Ekspositori ay may


layuning ipaliwanag ang kahulugan ng isang
termino.

Dalawang Uri ng Pagbibigay ng Depinisyon

a.Pagbibigay ng Kasingkahulugan/Parehong
Kahulugan ng Salita .
b. Paggamit ng Konotasyon o Denotasyon na
Kahulugan ng Salita
Ang Denotasyon

ito ay ang pagbibigay ng kahulugan ng salita na


hango sa diksyunaryo. Tinatawag itong ang literal
na kahulugan ng salita.

Halimbawa:

Langit ang lugar ng kaluwalhatian. Ang


ipinangakong lugar ni Hesukristo sa mga taong
gumagawa ng kabutihan.

Itim kulay ng dilim


Ang Konotasyon - ay ang paglalapat ng
matalinghagang kahulugan ng isang salita

Halimbawa

Langit Kaligayahan; mataas ang estado sa buhay.


isang mayaman

Itim - masamang tao; maitim ang budhi; salbahe


Tatlong uri na Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng
Depinisyon

a. Ang Termino-ito ang salitang nais bigyan ng


katuturan.

b. Ang Uri-binabanggit dito kung anong uri


napabilang ang nais bigyan ng katuturan.

c. Natatanging Katangian-Isang kalagayang ikinaiiba


ng terminong ito sa kauri nito.
Halimbawa

Ano ang Krismas tri?

Depinisyon: Ang Krismas tri (termino), ay isang


klaseng pamaskong palamuti (uri), na may hugis na
tulad ng isang kahoy na maaaring yari sa plastic,
sanga ng kahoy o sa mga nire-cycle na mga gamit
(natatanging katangian).
2. Ang Paghahambing o Pagtutulad

- isang uri ng paglalahad o ekspositori na ang layunin


ay upang

ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang


inihahambing na

maaaring tao, bagay, lugar, pangyayari o kaisipan, -


Ginagamitan ito ng mga pananda na ngunit, subalit, at
habang. samantalang, sa kabila ng, kahit na, sa
kabilang banda.
Halimbawa:

a. Si Mara ay mabait samantalang masungit naman


ang kanyang kapatid na si Clara

b. Kahit na mas malayo ang Enchanted Kingdom


kaysa sa Manila Ocean Park, sumama pa rin si
Nicole para hindi mahiwalay sa barkada
3. Enumerasyon o Pag-iisa-isa

-Ito ay naglalahad ng mga halimbawa na


nabibilang sa uri o klasipikasyon.

Halimbawa:

a. Si Vicky ay mahilig maglakbay, ang ilan sa


mga bansang narating na niya ay ang Canada,
United States, Hongkong, Singapore, Malaysia,
Dhubai at Japan
4. Sanhi at Bunga

- Ang uring ito ng ekspositori ay nagpakita ng


kadahilanan ng isang

bagay o pangyayari at ang kaugnay na epekto nito.

- Gumagamit ito ng mga panandang: dahilan, sa


kadahilanan, dahil,

kung kaya, at upang.


Halimbawa:

a. Ang kahirapan ang dahilan kung bakit


nagpursige si Laurence na makapagtapos ng
pag-aaral upang makatulong sa pamilya.

b. Dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon


ng bansa kaya sinupurtahan ng karamihan
ang tungkol sa RH Bill kung kaya ito ay
nagiging RH Law.
5. Kahinaan at Kalakasan

Naglalahad ito ng positibo at negatibong posibilidad


kaugnay

ng mga pangyayari.

Gumagamit ito ng mga panandang: gayunpaman, ang


mga kahinaan, mga positibong dulot, mga negatibong
dulot, dahil sa, bunga ng, sa kabilang banda at iba pa.
Halimbawa

a. Dahil sa kahinaan ng ilang mamamayan


sa pagpili ng tapat na pulitiko sa panahon
ng halalan, kaya nag-iwan ito ng mga
negatibong dulot sa ekonomiya ng bansa.
Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng
pag-asa ang ilang mga tapat na pinuno
upang mapasagot ang sinumang
nasasangkot sa katiwalian gaya ng
pandarambong, pagnanakaw, korapsyon at
iba pa.
6. Pagpapakahulugan

Naglalahad ito ng isang paliwanag ayon sa kung


ano ang nauunawaan ng mga bumabasa.
Malayang ipinahayag nila ang kanilang damdamin
at pananaw sa mga nabasang sitwasyon o paksa.
Halimbawa

Ang salitang "Tula" bilang isa sa mga anyo ng


panitikan ay binibigyan ng iba't ibang kahulugan ng
mga manunulat ayon sa kanilang sariling pananaw.at
damdamin. Ayon kay Julian C. Balmaceda, ang tula ay
isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng
kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang
magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang maangkin
ang karapatang matatawag na tula. Samantalang
ayon naman kay Iñigo Ed Regalado, ang tula ay
kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.

You might also like