You are on page 1of 4

.

URI NG TAYUTAY
. 5. 1. PAGTUTULAD (SIMILE) ito ay isang simpleng paghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga
magkakatulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa. ito’y gumagamit
ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y,
gaya ng, tila, at iba pa.
. 6. HALIMBAWA (PAGTUTULAD/ SIMILE) 1. Gaya ng halamang lumaki sa tubig 2.
Ako’y tila isang nakadipang kurus 3. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos 4. Ang
buhay ay tulad ng isang batis
. 7. 2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng
paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng
ibang bagay. dito inaalis ang hambingang salita’t papiralang ginamit sa
pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ang
A ay B.
. 8. HALIMBAWA (PAGWAWANGIS/METAPHOR) Ang kanyang kahapon ay isang
tanghalan Ng mga lihim nya’t mga karanasan Ang buhay nyang hiram ay naging
tanghalan Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan. MBM
. 9. PAUNAWA Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaring palawakin sa
isang pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaring tipiin
naman sa isang pagwawangis.
. 10. HALIMBAWA PAGTUTULAD Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG
ANAKI’Y BITUIN. PAGWAWANGIS Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG
BITUIN.
. 11. 3. PAHALINTULAD (ANALOGY) ito ay isang tayutay na may isang
tambalang paghahambing na nangangahulugan ng pagkakawangki ng mga
pagakkaugnay. Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.
. 12. HALIMBAWA (PAHALINTULAD/ANALOGY) “At siya’y namangha at kanyang
namalas Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap. SAANMAN TUMITIG DILAG
AY NAGLIGID SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG GUBAT “MANDI’Y
ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.” -sa tulang HIMALA” Dominador B. Silos
. 13. 4. PAHAMBING (COMPARISON) ito ay tayutay na naghahambing ng tao o
bagay sa iba, o nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o
kauring kapwa angkin ng mga ito. BALANGKAS: Si A ay ............. ni B.
. 14. HALIMBAWA (PAHAMBING/COMPARISON) MABANGONG
BULAKLAK! ....... SIMBANGO ng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga.....
MAPUTING BULAKLAK! ...... SIMPUTI ng PURING alaalaga pa ng napakahinhi’t
mutyang dalagita. - Sa tulang “SAMPAGITA” - Pedro Gatmaitan
. 15. TANDAAN Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng
unlaping sing-, magsing-, at magkasing-, at iba pang anyong maramihan ng mga
ito; gayundin ay maaring gamitin ang gaga- o gangga- bilang unlapi sa
hambingang magkatulad.
. 16. 5. PAGSASATAO (PERSONIFICATION) ito ay tayutay na nauukol sa
paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
. 17. HALIMBAWA (PAGSASATAO/PERSONIFICATION) PATI ULAP AY
SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin Ay biglang nawala dahil sa
bagyong darating. ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAPAALALANG Ang tao ay
marupok sadyang makasalanan Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan Ang
gawang masama’y kanyang kaluwalhatian.
. 18. 6. PAURINTAO (TRANSFER EPITHET) ito ay isang tayutay na paharaya at
pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay
o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.
. 19. HALIMBAWA (PAURINTAO) “Kung minsa’y Buwan kang Ang MAYUMING
GANDA at iwing liwanag Sa TULOG KONG PUSO’Y Kay limit sugpuin ang
TUKSONG PANGARAP; Ang katauhan ko: Likas mang pihikan sa kaway ng galak
Di mamakailang Binalisa mo rin kung ilang magdamag Pagkaumaga na..... Ang
iyong karikta’y siyang hinahanap Subalit Buwan kang Kaydaling maglahong
luningning at dilag!” Sa tulang “O, “Babae” Leonicio S. Gonzales
. 20. 7. PANAWAGAN (APOSTROPHE) ito ay isang tayutay na may kagyat na
pagtutol sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang
panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing
bagay.
. 21. HALIMBAWA (PANAWAGAN) “Nakapugal ako sa kasunong saklap Na sa
aking dibdib ay halos gumahak Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak, Sa piitang
sakit, aliping nalagmak... O ibon, maamong sa iyong paglipad, Isakay mo ako sa
angkin mong pakpak. Tutulungan mo nganing sa dusa’y umalpas, Ibig kong
malimot ang huling magdamag! Sa tulang “O Ibon” Batumbalani
. 22. 8. PADAMDAM (EXCLAMATION) ito ay isang tayutay na nagmumula sa
bulalas ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin o
isang talata na may gayong pananalita.
. 23. HALIMBAWA (PADAMDAM) “Ayan, ang kabaong na pasan ng tao. Irog,
sumama ka at kakilala mo! May ilaang karamay, korona’t musiko, Ihahatid na raw
sa wakas ng mundo! Nang ihuhulog na ang kabaong.... NAKU! Ako pala’y siyang
ililibing ninyo!!!! Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita” Jose Corazon de Jesus
. 24. 9. PATALINGHAGA (ALLEGORY) ito ay isang tayutay na ang kahulugan
ay hindi tahasang ipinapahiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng
mga talinghaga.
. 25. 1. HALIMBAWA (PATALINGHAGA) “Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay
sumikad, Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad. Dumadamba,
dumadamba kapag renda’y hinahatak O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang
hawak.” Sa tulang “Erotique” Federico Licsi Espino Jr.
. 26. 2. HALIMBAWA (PATALINGHAGA) “Ang magdamag niya Ay nakipaglamay
sa gabing naidlip Na may simulaing May bigkis na giting na hindi mapatid, Taglay
ang pag-asa At init, adhikaing hindi rin manlamig Sa huling hantungang
Hihimlayan niyang sariling daigdig Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na
walang pamagat.
. 27. 10. PANGITAIN (VISION) Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang
nilalarawan ng isip ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.
. 28. 2. HALIMBAWA (PANGITAIN) Tayo na pangarap at ating galain Ang di
nakikitang pook-salamisim ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN AT ANG
MGA TALA’Y ATING DALAWIN Tayo ay magpakpak Ng bagwis ng hangin At kita’y
lalapag Sa may panginorin. Sa tulang “Isang Patunguhan” A.G. Angeles
. 29. 11. BALINTUNA (IRONY) ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang
kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang
sabihin, dahil sa isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa
pangungutya o katuwaan lamang.
. 30. HALIMBAWA (BALINTUNA) “Ang tao kung minsa’y batang nagagalak, Utal pa
ang dila, kung mangusap, pantas! Ipako si Kristo ang sabi ng lahat At ang
pakawala’y itong si Barrabas.......! Sa tulang “Ang Sasabihin ng Tao” Jose Corazon
de Jesus
. 31. 12. PAUROY O MAPANG-UYAM (SARCASM) ito ay isang tayutay, na
ipinapahiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o
pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.
. 32. HALIMBAWA (PAUROY) 1. Iginagalang. Dinarakila sa gawaing niyang banal.
Niyuyukuran. Pinupuri ng balana; siya ay Minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t
sa bayan, Siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang
halimaw.
. 33. HALIMBAWA (PAUROY) 2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa
bahay na gumigiray at kayrami pa ng ipis. 3. Kay talino ni Felipe upang siya ay
maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.
. 34. TANDAAN Sa pauroy, ang taong tinutudyo ay tahasang inilalagay sa anyong
katawa-tawa, iyan ang kaibhan nito sa balintuna, gayunpaman, ang tunguhin ang
balintuna ay ang hayaang ganapin ang tungkulin ng pauroy.
. 35. 13. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay isang tayutay na ang
kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.
Maari ito’y pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag pansin o
kaya’y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangian ng malayo sa tunay
na katotohanan.
. 36. HALIMBAWA (PAGMAMALABIS) Dadanak ang dugo sa lupaing ito, Kapag di
nangyari itong aking gusto, Susumpain ka pa ng dinidiyos mo! Daraanan mo
ibabaw ng bangkay ko!
. 37. 14. PARADOHA”SALANTUNAY” (PARADOX) ito ay isang tayutay na ang
tinutukoy ay isang pahayag na sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung
masusuing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.
. 38. HALIMBAWA (PARADOHA) “Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay “Kaya kong
tumayo’t gumawang mahusay!” Kung ito’y totoo, siya ay bulaan. Lirio G. Mendoza
. 39. TANDAAN Ang paradoha ay maaring higit pa sa paglalaro sa salita. Kung
sasabihin ng makata na ang itim ay puti, o ang pag-ibig ay pagkamuhi, ang
ginagawa niya ay paglulubid na rin ng salita. Gumagamit siya ng paradoha para
galitin ang mambabasa at upang ipabatid na sadyang masalimuot at mahiwaga
ang daigdig.
. 40. 15. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE) ito ay isang tayutay na
bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan.
Maaring ang kabuuan naman ay katapat ng isang bahagi.
. 41. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-SAKLAW) 1. “Libu-libong kaluluwa ang umaasa
sa iyo 2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko 3. Ipakilala natin sa buong
bayan na tayo’y may pagkakaisa
. 42. 16. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY) ito ay isang tayutay na
ginagamit ang pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na
pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na
magkaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan.
. 43. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG) “Siya’y laking iskwater,” – basagulero
o palaaway “Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sa sariling
sikap at mga karanasan.
. 44. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG) “Ang pananalig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.” Pananalig - sandata
. 45. 17. PATAMBIS (ANTITHESIS) ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay
o ibang bahagi ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon.
. 46. HALIMBAWA (PATAMBIS) “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno, Sa akin ay
pawis ang dapat ibugso; Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo! Binhi hindi
bomba! Pawis hindi dugo!” Sa tulang “Pawis Hindi Dugo” Teo S. Baylen
. 47. 18. PATIWAS (EPIGRAM) ito ay isang mahayap o patambis na kasabihang
tungo at nagwawakas sa isang malundo o matalinong pihit ng kaisipan.
. 48. HALIMBAWA (PATIWAS) At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin Ang
tawag ng bayan ay maginoo rin! Ating ugali nang ang sawi ng saging, Gadangkal
pa lamang saging nang tawagin! Mana-manang yaman sa habang panahon,
Walang anu-ano ang bata’y naulol! At ang mga tao ay nakapagtanong:
“Kayamanang tao, bakit nagkaganon?” At ang pangyayari ang sumagot naman:
“iyang ama nya’y baliw nang namatay Naman ang pilak, ano’t pagtatakhang
Manahin sa ama’t pati kabaliwan. Sa tulang “Ang Maginoo” Jose Corazon de
Jesus
. 49. 19. PABUGTONG (RIDDLE) Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na
papikit-mata o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan
. 50. HALIMBAWA (PABUGTONG) Kung babayan mong ako ay mabuhay Yaong
kamataya’y dagli kong kakamtan; Datapwat pag ako’y minsang pinatay Ang buhay
kong ingat lalong magtatangal. Sa tulang “KANDILA”
. 51. 20. PASALIWA (ANASTROPHE) Ito ay isang pagsasadiwa ng kinagawian
o katutubong ayos ng mga salita.
. 52. HALIMBAWA (PASALIWA) “Ang hilaw na hinog sa pilit ay hilaw pa rin ,
Namnamin man ay mapait.” Kasabihan “Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man
ay mabuti rin kahit.” Simon A. Mercado
. 53. 21. PAHIDWA (OXYMORON) Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na
nagbubunga ng isang bias sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
. 54. HALIMBAWA (PAHIDWA) Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY
SUMAYA Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina No’n ko nadama ang SARAP
NG PANGUNGULILA Pagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
. 55. 22. PAG-UULIT (GERMINATION) Ito ay isang paraan ng kagyat ng
pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.
. 56. HALIMBAWA (PAG-UULIT) “Taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas Ay di
naman taghoy; Tinghoy na ang ningas ay nagluluningning Kaya’t hindi tinghoy;
Luoy na talutot na ang angking bango’y Bangong di naluoy: Lamuymoy ng sintang
maging hinaing Ay gintong lamuymoy.” Sa tulang “Ang Tula” Fernando B. Monleon
. 57. 23. PASINTUNOG (ONOMATOPOEIA) Ito ay paggamit ng mga salitang
kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.
. 58. HALIMBAWA (PASINTUNOG) “Magbuhat na noo’y pinagkakatakutan, Ayaw
nang pasukin ang Lumang Simbahan; Saka ang isa pang sa baya’y gumimbal
ANG KAMPANANG BASAG BA BAHAW NA BAHAW KUNG ANO’T
TUMUTUNOG SA MADALING ARAW AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG
PATAY; Saka nang dumating ang kinabukasan May PUNTOD nang LIBING SA
HARAP NG ALTAR. Sa tulang “Ang Lumang Simbahan” Florentino Collantes
. 59. 24. PAGTANGGI (LITOTES) Ang salitang HINDI ang pangunahing hudyat
ng ganitong uri ng tayutay na sa biglang tingin ay pasalungat, pagtutol o di
pagsang-ayon. Ang ganito ay pangkukunwari lamang o sadyang kabaligtaran ng
tunay na kahulugan.
. 60. HALIMBAWA (PAGTANGGI) Hindi, sapagkat ang tao ay marupok! Madaling
mapaso’t medaling matupol; Hindi nga’t sapagkat sya’y nga ay alabok! Madaling
magmaliw medaling mapagod!

You might also like