You are on page 1of 57

FIL103 - Retorika

Aralin II
Gramatika at
Retorika
ECE - Unang Pangkat
1 Pagpili ng Wastong Salita

2 Wastong Gamit ng mga Salita

Mga Paksa 3 Pagbuo ng mga Pangungusap


Aralin II: Gramatika at Retorika

Mga Talamak na Pagkakamali


4
sa Social Media

Madaling Paggamit o Di
5
Paggamit ng Gitling
Pagpili ng
Wastong Salita
ni Adrian Niel B. Abatayo
BAKIT MAHALAGA ANG PAGPILI NG SALITA?

Ito’y nagpapakita ng paggalang sa


mensahing iyong ipinapahayag at
pagsisiyasat ng malaki hinggil sa iyang
saloobin sa mga tao na iyong kinakausap.
Ito’y nakaiimpluwensya sa reaksyon ng iba
sa iyong sinasabi.
MGA DAPAT PAG TUONAN SA PAGPILI NG
SALITA:
A. Salitang Madaling Maunawaan:

Isang pangunahing kahilingan sa mabuting


pagsasalita ang pagiging madaling
maunawaan nito.
MGA DAPAT PAG TUONAN SA PAGPILI NG
SALITA:
B. Pagkasari-sari at

Katumpakan ng
Pananalita:

Ang paggamit ng tamang salita ay


makakatulong din sa iyo ng masabi agad sa
punto nang walang maraming salita.
MGA DAPAT PAG TUONAN SA PAGPILI NG
SALITA:
C. Mga Salitang Nagbabadya ng Puwersa,
Damdamin at Kulay:

Ang piling-piling mga salita ay


nakapagbibigay ng maliwanag na
impresyon sa isip ng iyong mga tagapakinig.
MGA DAPAT PAG TUONAN SA PAGPILI NG
SALITA:
D. Eupemismo:

Ang pagpapalit ng salitang mas magandang


pakinggan kaysa sa salitang matalim, bulgar o
bastos na tuwirang nakakapanakit ng
damdamin o hindi maganda sa pandinig.
Wastong Gamit
ng mga Salita
ni Sophia Mae M. Abella
Ang mga salita ay ginagamit natin sa paggawa ng
pangungusap kaya mahalagang malaman ang kaibahan at
wastong paggamit ng mga ito.

Marami sa atin ay nahihirapan sa wastong paggamit ng mga


salita. Para mapabilis ang pagtukoy kung ano nga ba ang
dapat gamitin, isa sa mabisang paraan ay pag-aralang
mabuti ang mga bahagi ng pananalita
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Ng at Nang
Nang
pangatnig na panghugnayan
tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon
tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang
inuulit
Halimbawa ng Nang
Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang
pagpiprito ng isda.

Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner)


Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
Halimbawa ng Nang
Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa
Halimbawa:
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Ng at Nang
Ng
pantukoy ng pangngalang pambalana
tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng
pandiwa
pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
Halimbawa ng Ng
Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Tandaan: Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb)


at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit
sa unahan ng pangungusap
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Habang at Samantalang
Habang
ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o
“mahaba”.

Samantalang
ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
Halimbawa ng
Habang at Samantalang
Halimbawa:

Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.

Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang


wala pa akong trabaho.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
May at Mayroon
Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa
uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng
pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o
pang-abay.

Halimbawa: May anay sa dingding na ito.


May kumakatok sa pinto.

Tandaan: Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga,


panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
May at Mayroon
Halimbawa: Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
Mayroon iyang malaking suliranin.

Tandaan: Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.

Halimbawa: “May asawa ba siya?’ “Mayroon. ”

Tandaan: Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.


Halimbawa: Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang
mayroon at kung sino ang wala
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Pahiran at Pahirin
Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis

Halimbawa: Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.


Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
Halimbawa:
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Subukan at Subukin
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis

Halimbawa: Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing
umaalis ako sa bahay.

Tandaan: Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan


at pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba ang anyo sa
panghinaharap: susubukan, susubukin
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Agawin at Agawin
Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.

Halimbawa:
Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Raw, Rito, Rin, Roon at Rine
Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig
(semivowel - w, y).

Halimbawa:
Pumunta ka rito.
Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.
Nag-aaway raw ang mga bata.
Maliligo rine ang mga dalaga.
Patungo roon ang mga kandidato.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Daw, Dito, Din, Doon at Dine
Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig (consonant).

Halimbawa:
Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Pupunta rin dito ang mga artista.
Yayaman din tayo balang araw.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.


Halimbawa: Dito ba tayo maghihintay? Doon na tayo mananghalian sa bahay.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Kung, Kong, Putulin, at Putulan
KUNG at KONG - Ginagamit ang kung PUTULIN at PUTULAN – putulin ay ang
bilang pangatnig na panubali. pagputol ng isang bagay samantalang
Katumbas ito ng if sa Ingles; ang kong ang putulan ay ang pagputol ng isang
ay panghalip na panao sa kaukulang bagay sa tao, hayop at bagay.
paari.
Halimbawa: Huwag nating putulin ang
Halimbawa: Matutulog na ako kung mga puno sa paligid.
papatayin mo na ang ilaw. Cynthia, putulan mo naman ng mga
Nabasa ang binili kong aklat. tuyong sanga ang ating bougainvillea.
Kaibahan at Wastong Paggamit ng
Tawagin at Tawagan
TAWAGIN - Ang salitang tawagin ay ginagamit para palapitin ang isang tao o
hayop.

TAWAGAN – Ang tawagan ay ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang


isang tao.

Halimbawa:
Tawagin mo na si Connie, kakain na.
Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.
Pagbuo ng mga
Pangungusap
ni Graciela May B. Agua
Ang kaisahan ng pangungusap ay may malaking
bahagi para mas maunawaan ang ipinahahayag nito.
Kapag ang bawat salita sa pangungusap ay
tumutulong sa pagbuo ng diwa nito, masasabi na ito
ay may kaisahan.

Ito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan ng


pangungusap.
1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa
loob ng pangungusap.

Di-Timbang: Matapos ang paalala ay agad na nagbalot ng


damit ang pamilya ng nasalanta ng bagyo.

Timbang: Matapos ang paalala ay agad na nagsipagbalot


ng damit ang pamilya ng nasalanta ng bagyo.
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng
pandiwa sa pangungusap.

Di nagkakaisa: Humalakhak at nagsisipagtawanan ang mga


tao nang lumabas ang payaso kanina.

Nagkakaisa: Humalakhak at nagtawanan ang mga tao nang


lumabas ang payaso kanina.
3. Huwag pagsamahin ang hindi magkaugnay na
kaisipan sa iisang pangungusap.

Di magkaugnay: Lalong maghihirap ang mga tao kapag


hindi sila naging masipag at kapag hindi sila kumanta.

Wasto: Lalong maghihirap ang mga tao kapag hindi sila


naging masipag.
4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming
kaisipan sa sang pangungusap.

Di-mabisa: Ang pagluluto katulad din ng paggawa no


tinapay at pagsasayaw sa bakuran na maraming rosas
dinadapuan ng bubuyog ay nakalilibang na gawin.

Mabisa: Ang pagluluto katulad din ng paggawa ng tinapay


ay nakalilibang gawin.
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung aim ang
pangunahing sugnay at ang panulong na sugnay.

Hindi malinaw: Gusto ko yon, kaya binili ko ang relo.

Malinaw: Gusto ko na relo, kaya binili ko iyon


6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa
kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang
gumaganap ng kilos.

Mali: Si Randy ay kinuha ang rosas para ibigay kay Riza.

Tama: Ang rosas ay kinuha ni Randy para ibigay kay Riza.


7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.

Malayo: Niluto ni Nanay ang gulay ng maigi.

Malapit: Niluto nang maigi ni Nanay ang gulay.


8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa
pangngalang kinakatawan nito.

Malayo: Isinuot ni Abegail ang bestida kahapon na binili ng


kapatid niya.

Malapit: Isinuot ni Abegail ang bestida na binili ng kapatid


niya kahapon
9. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa
simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.

Karaniwan: Sampaguita ang pambansang bulaklak.

Di- Karaniwan: Ang pambansang bulaklak ay sampaguita


Mga Talamak na
Pagkakamali sa
Social Media
ni Archie V. Akut
Ano nga ba ang Social Media?

-ay ang mga iba’t ibang platform na kung saan


tayong mga tao ay binabahagi natin ang ating mga opinion
o mga kaisipan sa social media.

-ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa


mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network
Ano nga ba ang Social Media?

Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga


Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng
ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng
nilalaman na binuo ng gumagamit.
Mga karaniwang salita sa Social Media na
karaniwan ding nag kakamali silang gamitin:

Halimbawa:
Maling pag gamit- Sakin, Samin, Satin at Sayo
Tamang pag gamit- Sa akin, Sa amin, Sa atin at Sa iyo
Narito pa ang mga salitang kadalasang
nagkakamali sa Social Media

Halimbawa:
Mali- Pinoy , Pagtripan, Magets, Syota
Tama-Pilipino, Pag kaisahan,
Maunawaan, Kasintahan/nobya
Mayroong salitang mag kasing anyo at mag kasing
uri subalit may tiyak at iba pang pinagagamitan
Halimbawa: Tingin at Titig

Tanaw at Sulyap

Tingin - ay mababaw na pagbibigsy pansin


Titig - ay matagal na tingin

Tanaw - pagbibigay pansin sa isang bagay na malayo


Sulyap - panakaw na tingin
Narito ang ibang salitang nagkakamiling gamitin sa
Social Media
KUMUSTA HINDI KAMUSTA

-Inangkin natin ang salitang ito mula sa Espanyol na “como


esta” na kalaunan ay nagging Filipinong kumusta.

MAAARI HINDI MAARI


-ang ibig sabihin nito ay “puwede, maraming ari [ ma + ari ]
at di-sadyang naari o naangkin ang isang bagay [ ma + ari ]
Narito ang ibang salitang nagkakamiling gamitin sa
Social Media
IBA’T IBA HINDI IBA’T-IBA

-Ang iba’t-iba ay pinaikling iba at iba. Hindi ito umuulit na


salita dahil sa at kaya wala na itong gitling

PA RIN HINDI PARIN AT NA LANG HINDI NALANG


-Ang pa at rin at na at lang ay dalawang magkaibang mga
salita.
Madaling Paggamit
o Di Paggamit ng
Gitling
ni Shenyn Kate A. Alindajao
ANO ANG GITLING?

Maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng


dalawang pantig na pinaghahati, sa pagitan ng
tambalang salita, o sa dalawang salitang
pinagkakabit. Ito ay kilala bilang "hypen" sa Ingles.

-
Wastong Paggamit ng Gitling (Hyphen)

A. Ginagamit ang gitling kapag umuulit ang salitang-


ugat o ang mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: hawak-hawak, paulit-ulit, dahan-dahan


B. Ginagamit ang gitling kung ang unlapi ay nagtatapos
sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig (vowel) na nagkakaroon ng ibang
kahulugan kapag hindi ginigitlingan dahil na rin sa
pagkakabigkas.

Halimbawa: may-ari, nag-angat, pinag-uusapan

Sa unang halimbawa, iba ang magiging kahulugan ng


may-ari kapag walang gitling. Iba ang may-ari sa mayari.
PAALALA
Huwag maglagay ng gitling kapag ang unlapi ay
nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang
nilalapian ay nagsisimula rin sa katinig (consonant).

Mali: Bahala kang mag-laway!


Tama: Bahala kang maglaway!

Mali: Tayo nang mag-sulat.


Tama: Tayo nang magsulat.
C. Ginagamit ang gitling kapag ang panlapi ay
dinudugtungan ng salitang Ingles.

Halimbawa: na-realize, mag-set, nag-jogging

D. Ginagamit ang gitling kapag ang tanging ngalan ng


lugar, tao, simbolo, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan ay may unlapi.

Halimbawa: taga-Cebu, maka-Duterte, nag-Downy


E. Ginagamit ang gitling kapag ang dalawang salita ay
pinagsama at ang katagang nasa pagitan nito ay
nawawala.

Halimbawa: away-bati (away at bati), bahay-ampunan


(bahay na ampunan)

F. Ginagamit ang gitling kapag ang panlaping ika- ay


iniunlapi sa numero

Halimbawa: ika-100 na anibersaryo, ika-25 na araw


G. Ginagamit kapag pinagkakabit o pinagsasama ang
apelyido ng babae at ng kanyang asawa.

Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo

H. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may


unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng unang pantig
ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Halimbawa: mag-Zonrox ---> magso-Zonrox


I. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng
praksiyon.

Halimbawa: Isang-kapat (1/4). tatlong-kanim (3/6)

K. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang


pinagtambal na salita.

Halimbawa: lakad-pagong, urong-sulong, bahay-aliwan


L. Kapag hinati ang salita sa dulo ng isang linya
Ginagamit ito sa pagsanay ng wastong pagbigkas ng mga
salita, parirala, at pangungusap.

Halimbawa:
Pumunta ako sa may plaza upang puma-
syal sapagkat wala ang aking mga magu-
lang sa aming bahay.
L. Kapag hinati ang salita sa dulo ng isang linya
Ginagamit ito sa pagsanay ng wastong pagbigkas ng mga
salita, parirala, at pangungusap.

Halimbawa:
Pumunta ako sa may plaza upang puma-
syal sapagkat wala ang aking mga magu-
lang sa aming bahay.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!
Nawa'y may natutunan kayo.

Katapusan ng Aralin II

You might also like