You are on page 1of 5

Community Health Nurse

Interview- Documentation
Clinical Instructor:

Welferina Padillo Co

Students:
Leader:

Flores, Patrick Gelo C.

Members:

Bautista, Judea Siapno

Calimlim, Angelbert Gabrielle Bambao

Ceralde, Lemuella Landingin

Costales, Eloisa Flores

Faustino, John Patrick Abunan

Gonzales, Aileen Jane

Gutoman, Ly-Ann Nicole Visperas

Community Health Nurse:


Gemma Biasura

1
P.G.: Ok po umpisahan ko na po. Goodevening po, kami po ay students from PHINMA-
University of Pangasinan, pwede niyo po ba’ng iintroduce sarili niyo po?

CHN: Ah, ok po. Ah btw, goodevening po sainyong lahat, ako po si Gemma Biasura,
Public Health Nurse po ng ating local government dito sa Dagupan city po for I guess,
4 years po.

A.C.: How do you make sure that Universal Health Coverage is being implemented on
your community?

CHN: Diba yung ating universal healthcare din naman kasi also reffered to us na
kalusugan pangkalahatan, lahat naman ng ating programa na pinapatupad ng universal
healthcare, minimake sure namin na lahat ng population mga maternal and child, senior
citizen, mga pedia, lahat yun binibigay namin ng libre, tapos may mga programa din
naman kasi kami na para hindi na din sila, diba aware naman kayo na dito sa dagupan
city may mga far area tayo, meron tayo mga island barangay na minsan nahihirapan din
silang pumunta, kami mismo pumupunta kami sakanila, meron tayong mga programa
na yung pandaragupan na tinatawag, which is ibinibigay namin sakanila, ipinapaabot
namin sakanila, lahat ng medicare na kinakailangan ng community po.
Idagdag ko lang din, aside from being accessible and efficient para sakanila, lahat ng
gamot na ibinibigay namin, ang ating universal healthcare pinopondohan naman yan,
so lahat ng gamot nila na pwedeng ibigay sakanila, ibinibigay namin yun ng libre, tapos
may mga instances po na, kunwari may mga laboratories din na, diba aware naman tayo
na hindi lahat meron silang medicare, lahat naman ng mga required na laboratories for
as long na available sa city health office, libre po yun.

J.B: Do you have health programs for pregnant women, children, and/or
geriatric/senior citizens and how do you implement those programs?

CHN: Yung ating maternal and child, before covid pa nagkakaroon tayo ng schedule
for maternal check up. Usually yan nangyayari every week. Dahil nga malaki ang
barangay bonuan gueset, monthly po tayo nagkakaroon ng check up para sa mga buntis.
Yung ating immunizations naman, meron tayong schedule, naka based kung kailan
babalik yung bata. Weekly naman nagkakaroon tayo ng immunizations. We have
different post kasi na hawak na iniikutan. Naibibigay natin sa mga bata na naka
schedule. With regards naman sa ating senior citizen, nagkakaroon tayo ng check up,
sa mga senior citizen naman na may gusto magpacheck up, ang ginagawa natin kasi
yung iba hindi talaga maka punta. Minsan sinusundo pa namin sila. Minsan naman kung
hindi talaga nila kaya, pumupunta talaga kami sakanila just to make sure kung ano
talagang kalagayan nila at kailangan nila. Nirerefer din namin sila just in case lang na
may mga certain cases na hindi natin maanuhan, nagbigay naman na tayo ng primary
health care. Tinutulungan natin silang irefer sa ibang institution po.

2
L.G.: What are other health programs or services that you provide to the
community?

CHN: Pag sa community health nursing hindi lang tayo nakafocus mainly sa medical,
minsan during mga typhoo kami rin kasi yung tumutulong para sa LGU para
makatulong din. then yung ibang program aside from that meron kaming pinapa
seminar sa mga diabetic kasi hindi natin maiiwasan na meron atmeron talaga yun meron
kaming seminar na prinoprovide for them, maski sa mga psychology ganun, sa
breastfeeding andami naming program maski sa anti rabies binibigyan namin sila ng
information regarding that tapos itong malapit na rainy seasons nag coconduct ng
seminars para sa kanila kung paano sila umiwas sa mga diseases na maencounter nila
nagsasabi din kami ng intervention kung anong gagawin nila just incase lang na
magkaroon sila ng mga certain diseases mga ganun po ang ating programa. kasi minsan
pabalik

A.G.: What are your target populations whom you provide health programs/services?

Yung ating target population syempre ang ating maternal and child which is nasabi ko
na, pedia, senior citizen, maski mga PWD natin at tsaka yung ating mga patient natin
na may mga mental illnesses din minsan,sila sila po ang ating mga target po. At syempre
hindi lang naman yung may mga sakit po talaga, lahat naman po nang population dito
sa community target natin hindi lang naman dahil sila ay may sakit, pati rin yung mga
tao na malalakas din,ofcourse. Sila yung ating mga target po sa ating community.

P.G.: Ok next question po, umm for example po, magbibigay kami ng scenario,
“Unexpectedly, a sudden increase of infection of a communicable disease happens in
you community.” Ano po ang ginagawa niyo bilang community health nurse, at
umaakto po ba kayo or obliged po ba kayo’ng umakto kahit off-duty po kayo?

CHN: Yes of course, syempre Barangay nurse ka nga, kahit na off-duty mo kailangan
talaga you have to attend. Ang ating pagtulong naman kasi sa kapwa hindi naman dahil
sa oras ng duty mo o hindi, pati naman sa Saturday and Sunday kapag kailangan nila,
pumupunta kami. Regarding doon sa question mo sir, well oo, nagcoconduct talaga
kami/pumupunta kami, let’s say may mga instances na nagkakaroon, nagkaroon ng
dengue outbreak dito sa atin. Pumupunta kami doon to investigate bakit ba? paano
nagkaroon ng outbreak? saan ba nag nanggaling ito? Maski ocular inspection ginagawa
naming yan, let’s say for instance na nakita naming na madumi, sinasabi naman namin
sakanila na of course maglinis naman sila and so-on-and-so-forth. Minsan may mga
larva na nakikita naming doon mga kiti-kiti and so-on-and-so-forth. Pumupunta kami,
and inaano namin sa sanitation naman, nakikicoordinate kami sa sanitation para
humingi ng gamot pampatay sa mga, “larvacite” tawag naming doon, humihingi kami
para at least matugunan, ma stop. Tapos kung yun nga sa dengue namin kasi before,
meron kami’ng mga seminar din kami sa coconut palm, nung umattend kami ng mga
ganon, pagka may mga ganon kasi, yun yung isang nilalagay naming sa area’ng malaki,
nagpapalagay kami ng coconut palm doon para mapatay yung mga kiti-kiti doon. Yun
po, tapos nakiki coordinate din kami sa ating barangay hall, saating kapitan sa
pagpapalinis ganyan, tinutulungan din po tayo ng DHW. Nagtutulungan kami para at

3
least diba, masabihan sila na number 1 ang sanitation. Yun po, nagkakaroon kami ng
case investigation kung ano man po yung sakit na kumakalat doon or nag cause ng
pagdami ng cases natin doon, yun po.

P.G.: Thank you po.

E.C.: What are the challenges you have encountered as a nurse, and how do you handle
those stresses and pressures?

CHN: Ang dami dami, like what I said nga. Hidi ka lang kasi talaga isang barangay
nurses pagka sa community, ang dami mong mga roles na ginagampanan. Ako mismo
dun sa mga challenges na ganiyan, you cannot please other people sometimes talaga
mas paniniwalaan nila kung ano ang nalalaman nila kaysa sa sasabihin mo, which is
ang pinaka challenging talaga dito ay yung communication, kasi sometimes kahit anong
gawin mong explanation if they dont understand, ayaw talaga nila intindihin, so yung
communication. Ang pagiging isang public health nurse, para ka ding public servant,
dapat selfless ka number 1 yan. Huwag mong isipin yung sarili mo, isipin mo sila. Dapat
maging friendly ka. How can you get information if if napaka snob. Ito yung challenge
na talagang nachallenge talaga ako. Nagpapasalamat naman ako kasi until now nadito
parin ako. Yung fulfillment na nararamdaman ko bilang isang public health nurse
naramdaman ko dito. Number 1 talaga ay communication.

J.F.: How do you safeguard your own health despite being close in contact with positive
tested patients in this pandemic?

CHN: Siyempre anjan pa rin tayo sa standard protocol natin. Mayroon naman tayong
ahm he government provide us ng mga kakailanganin natin when it comes to ano sa
ating standard protocol natin, may mga ppe naman kami ganyan may mga mask naman
kami which is well provided naman at saka ano pa? (smack lips) Minsan din naman
kasi talaga ano yan din ang isang challenge sa amin na talagang hinarap namin this past
2 years na nagkaroon tayo ng pandemic na ganito. Ako kasi ano eh, gaya nga ng sinabi
ko minsan hindi rin naman nasasabi talaga kung I am doing kung safety ba ako or ano
ba kasi nga pag nandoon ka na sa scebaio sometimes you don't, hindi ka na makakapag
isip. Pero alam niyo sa awa ng Diyos talaga na I keep on praying na sana sabi ko nga
makatulong ako sakapwa ko, magampanan ko yung role ko bilang isang community
health nurse masaya na ako doon tapos ang inaano ko na lang sana sabi ko nga ay
Panginoon sana dahil doon sa passion ko sa trabaho ko, sana bonus naman na hindi ako
magkasakit or di na magkasakit yung family ko dahil doon sa ginagampanan ko aside
from of course yung sinabi ko nga sa inyo na well provided naman kami talaga na lahat
ng standard po na dapat lang na mapangalagaan lang namin yung ano, prayer lang din
naman talaga yung answer ko dito yun lang po.

J.F.: Follow up question : Sa tingin niyo po ba ma'am kaya na po ba ng syudad natin or


sa mga LGU's po lalo ngayon po is tumataas yung cases, ahm sa tingin niyo po ba
ma'am mas nakatulong yung past experience po natin and sa tingin niyo po ba
kakayanin na ng LGU Dagupan na mahandle itong pag lobo ng cases?

CHN: Of course hindi lang naman ngayon nag grow yung ating ano diba? Last year
also ganito na rin naman, of course lahat naman ng possibility, lahat ng naiisip ng LGU
na makakabuti sa atin lahat naman yun ginagawa nila. Sabi ko nga, ah minsan kasi kung

4
susumahin din naman natin nasan ba? Ano ba bakit ba nagkakaroon ng outbreak?
Minsan kailangan din kasi nating isipin din natin yung ating ahm tayo mismo. Tayo ba
ay sumusunod ba? Tayo ba ay ginagawa ba natin aside from yung tulong na ibinibigay
yung ginagawa na ng gobyerno para sa atin. Tayo kaya ginagampanan din ba natin yon?
Yung para makatulong tayo sakanila? Minsan wala na sa ano yan ehh wala na sa
government nasa sa atin na rin mismo. If you care for yourself, if you care for your
fmaily do what is good for you. Diba? I think kaya na natin yan hindi tayo, ang LGU
naman lahat ginagawa nila para mas ano (smack lips) matugunan lahat ng
pangangailangan ng kanilang nasasakupan sir.

L.C.: Do you have more programs yet to be implemented, or programs that you feel the
need to be implemented?

CHN: Meron pa ba tayong? Siguro yung mga implementation kasi na yan syempre
kung ano man yung status natin dito sa palagay lo is magamda naman na pero i know
na theres always more for that syempre hindi na natin hawak yun bilang isang nurse
noh kasi may nakakasakop din saatin and of course naman gaya ng sabi ko sa lahat sa
tingin nila mas ikakabuti nila magdadagdag yang mga yan at mag iisip pa sila kung
paano pa magiging safe tayong lahat kung paano lahat tayo magiging okay alam kong
meron at meron pa tayong programa na ganyan but its not for me to say kung ano yung
mga programa na yun but i think there is syempre kung ngayon na nga lang eh saating
area na pinagtratrabahuan maganda naman na yung serbisyong binibigay sakanila so
theres always more.

You might also like