You are on page 1of 3

Module 2

MGA PIHIKAN SA PAGKAIN


Ano ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong? Isulat sa
PAG-ISIPAN ITO ibaba ang iyong mga naisip at ibahagi ito sa ating talakayan
mamaya.

• Ano ang reaksyon ng iyong anak kapag


maghahain ng bagong uri ng pagkain?
• Ano ang reaksyon ng iyong anak kapag
kayo ay maghahain ng gulay?
• Ano ang ginagawa o sinasabi mo kapag
tumatanggi siyang kainin ang iyong
inihanda?

Maraming mga bata ang pihikan sa pagkain o sobrang mapili sa


HAMON SA ATIN kanilang kakainin. Ang ganitong pag-uugali ay hindi lang nakasisira
sa kalooban ng mga magulang ngunit may masamang epekto rin sa
kalusugan at paglaki ng kanilang mga anak.

Ang mga batang pihikan ay maaaring:


• Maging underweight
• Magkaroon ng micronutrient deficiencies
• Makaranas ng problema sa kalusugan tulad ng hirap sa
pagdumi at impeksyon
• Maging physically unfit
• Magpakita ng mga problema sa pag-uugali sa kanilang
pagtanda

Pihikan ba ang inyong anak




Kumakain lang ng ilang uri o kaunting pagkain
Kumakain lang kung gusto ang pagkaing nakahain 3 Tips Para Ma-enganyo
• Ayaw tumikim ng bagong ulam Kumain ang Batang


Tinatanggal ang gulay sa plato
Mas gusto ang mga inuming mataas sa asukal Pihikan sa Pagkain
• Sensitibo sa lasa, kulay o texture ng pagkain
• Bumuo ng pamilyaridad
• Gawing positibo ang pagkain
Kung ang sagot mo ay oo sa alinman sa mga tanong ng masustansya
na ito, ang iyong anak ay maaaring pihikan sa pagkain • Maging mabuting halimbawa
May ilang bata ang talagang ayaw sumubok ng mga bagong
BUMUO NG PAMILYARIDAD bagay. Kung magiging pamilyar sa kanila ang pagkain, mas madali
nila itong kakainin.

• Mag-alok ng gulay tuwing kakain


• Magsimula sa mga gulay na neutral ang lasa o matamis
• Lutuin ang mga gulay sa iba’t ibang paraan
• Hayaan silang tumikim paunti-unti ng bagong gulay
• Magdagdag ng gulay sa mga nakasanayan o mga paboritong
ulam

NOTES

Matututunang mahalin ng mga bata ang kumain ng


LUMIKHA NG masusustansyang pagkain kung maiuugnay nila ito sa kasayahan,
POSITIBONG KARANASAN mga gawaing pampamilya, at mga magagandang alaala.

• Kumain sa tamang oras


• Iwasang gumamit ng gadgets sa oras ng kainan
• Isali ang inyong mga anak sa paghahanda ng pagkain
• Subukang papiliin ang inyong anak ng mas gusto niyang
kainin na pagkaing may gulay
• Gumamit ng mga makukulay na gulay sa mga nilutong
pagkain
• Sabihin ang mga benepisyong pangkalusugan ng mga gulay
• Huwag pagalitan o sigawan ang inyong anak para kumain siya
ng gulay
• Huwag gawing gantimpala o parusa ang pagkain

NOTES
Ipakita ang pagkain nang wasto. Mas tutularan ka ng anak mo kung
MABUTING HALIMBAWA kakain ka rin ng masustansyang pagkain.

Tandaan itong
3 Healthy Habits
na mag-iiwas sa
iyong anak laban
sa malnutrition.

Choose Manage Enjoy Meals


Nutritious and Portions Together
Varied Options

Umisip ng mga malikhain, masarap, masustansya at


SUBUKAN NATIN ‘TO kid-friendly na pagkain na magugustuhan ng iyong
pihikang anak. Ibahagi ang iyong ideya sa iba.

You might also like