You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY


Main- Campus- Tandag

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

PAGSULAT

“Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at


damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga tunog ng salita.” Ito
ay ang paghahatid ng mensahe mula sa isang tao tungo sa iba. (Tumangan)

Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman ang kalidad


ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.(kellogg)

Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng


talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika.(Xing Jin)

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao. ( Bernales, et al., 2001)

Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay


nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal
at pagkamalikhain

( Bernales, et al., 2002)

• Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang


pangwika,inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning
kaugnay nito.

• Matuturing na isang mataas na uri ng kominukasyon sapagkat esensyal dito ang


napakaraming elemento at rekwayrment ng gramatika at bokuabularyo.

1
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

• Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay


na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang
wika o pangalawang wika man.

• Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng


kasanayang ito.

• Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang


kasanayang pangwika na mahirap matamo.

• Subalit mayroon tayong magagawa....napag- aaralanang wasto at epektib na


pagsulat.

• Peck at Buckingham)

• Ang PAGSULAT ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang


tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

• Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng mga sumusunod :

• a. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan


upang maipaabot ang kanyang pananaw at panuntunan sa buhay;

• b. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin


na nagpapasigla ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.

• Isang pansariling pagtuklas.

• Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t


kaisipan.

• Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.

• Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa


ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.

• Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.

2
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

• Isang pakikipag-usap sa kapwa

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

• SOSYO- isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao

• KOGNITIB- anumang tumutukoy sa pag-iisip, nauugnay rin ito sa empirikal o


paktwal na kaalaman.

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT- ay isang paraan ng


pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Ang pagsulat ay kapwa isang mental at soyal.

• Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa sa iba't ibang layunin.

PISIKAL na aktibiti dahil ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel o


pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit
din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang writing output kahit pa ito ay
handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print out na.

MENTAL na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga


ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at patern ng organisasyon
at sa isang istilo ng gramar na naaayon sa tuntunin ng wikang ginamit.

• Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.

Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga tanong na tulad ng:

1. Ano ang aking isusulat?

2. Paano ko iyon isusulat?

3. Sino ang babasa ng aking isusulat?

4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

3
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

KATANGIAN NG PAGSULAT

IDEYA

Marami sa manunulat ang pumipili ng parehong tema o paksa pero ang bawat
manunulat ay may kanya-kanyang ideya sa bawat paksa o temang pinipili. Ang ideya
mismo ng isang manunulat ang makakapagpa-iba ng isang pagsulat sa iba. Ito ay kung
paano niya naintindihan ang isang paksa – mga bagay na pumapasok sa kanyang
isipan, mga datos na naipon o nakuha.

PAGKAKAAYOS

Para maging epetibo ang pagsusulat, dapat ito’y naiintindihan. Ayusin at


magbigay ng impormasyon sa tamang dami at sa tamang ayos.

BOSES

Mahalaga ang boses ng isang manunulat. Hayaan mong makita ng mga


mambabasa ang iyong pagkatao o sariling katangian o kakanyahan sa iyong pagsulat.
Ipakita ang tunay mong pinapahiwatig sa pagsusulat.

PAGPILI NG (MGA) SALITA

Gumamit ng mga wasto at eksaktong salita sa pagsulat. Bilang isang manunulat,


tulungan ang mambabasa na maintindihan ang ekaskto mong pinapahiwatig — sa
pamamagitan ng maingat na paggamit ng mga salita sa iyong pagsulat.

KATATASAN NG MGA PANGUNGUSAP

Ang magandang pasulat ay naglalaman iba’t-ibang uri o disenyo ng mga


pangungusap. Ito rin ay naglalaman ng iba’t-ibang haba ng pangungusap. Ang
pagkakaiba-iba ng bawat pangungusap ay nagreresulta ng maayos at maayos na
pagsulat.

4
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

KAPULUNGAN

Kapag ikaw ay nagsusulat, sundin ang tamang panuntunan at gamit ng mga


bantas at mga salita.

ANG MGA URI NG SULATIN

Personal na Sulatin

Ang sulating ito ay kadalasang ginagamit ng mga estudyante dahil nagagawa nilang
ilabas ang anumang damdamin, pag-iisip o kung ano pang mga bagay ga galing sa
kanilang sarili.

Iba’t ibang Klase ng Personal na Liham:

1. Liham - Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula


sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.

Bahagi ng Liham

1.PAMUHATAN
2.BATING PANIMULA
3.KATAWAN NG LIHAM
4.BATING PANGWAKAS
5.LAGDA

2. Talambuhay- ay isang anyo ng  panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng


isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon

Dalawang Uri ng Talambuhay

1)      Talambuhay na Pang-iba – isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng


isang tao na sinulat ng ibang tao.

5
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

2)      Talambuhay na Pansarili – isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na


siya mismo ang may-akda

Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at talambuhay na di-karaniwan o


palahad:

Talambuhay na Karaniwan – isang paglalahad tungkol buhay ng isang tao mula


pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama dito ang mga detalye tulad ng
kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo,
mga nagging tungkulin, mga nagawa, iba pang mahalagang bagay tungkol sa kanya.

Talambuhay na Di-karaniwan o Palahad – hindi gaanong binibigayn ng diin ditto ang


mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa
simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin ditto ang mga layunin, adhikain,
simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano naauganay ang mga ito sa kanyang
tagumpay o kabiguan.

Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na


nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng
kalendaryo.

Ilan sa pinagkakagamitan ay ang mga sumusunod:

Mala journal na listahan.

Listahan ng dapat gawin

Listahan ng mga nagawa

Listahan ng saloobin o nadarama at iniisip.

Listahan ng pantasya

6
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

Listahan ng kabiguan

Transaksyunal na Sulatin

Ang sulating ito ay pormal at ang pagkakabuo ng sulating ito ay may sariling pokus at
mensahe na nais ihatid

ANG PAGSULAT NG LIHAM APLIKASYON AT RESUME

Ang pagsulat ng liham ay isang kasanayang mahalaga mong matutunan. Sa


pamamagitan ng liham, maaari mong maihatid sa isang taong nasa malayong lugar ang
mensaheng nais mong sabihin sa kanya. Dahil layunin ng liham ang maghatid ng
mensahe, mahalagang maging maayos ito. Nakatataba ng puso ang makatanggap ng
liham, sapagkat hindi tulad ng e-mail o text-messaging, masasabing tunay na
pinagbuhusan ng oras at panahon ng sumulat ang liham. Kailangan pa niyang mag-isip
ng magandang panimula at pangwakas, maghanap ng magandang papel at sobre, at
personal na pumunta sa post office upang maihulog ang liham. Kung minsan, may sarili
pa siyang istilo ng pagtutupi ng papel at gumagamit ng mababangong papel at bolpen.
At bumibilang pa ng ilang araw bago matanggap ng pinadalhan ang liham ng
pinaghirapan ng sumulat. Dahil sa mga ito, maituturing din isang sining ang pagsulat ng
liham.

Taglay ng isang Liham

1.Malinaw (clear) Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa kung paano mo
pinagsunudsunod ang iyong mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging
sobrang haba o maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Lagi mong
tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pagkaunawa.

2.Wasto (correct) Lagi mong isaisip na anumang liham ay dapat magtaglay ng angkop
at tiyak na impormasyon. Tiyakin mo na wasto ang iyong bawat pahayag o sasabihin sa
iyong liham. Kasama rin sa kawastuhan ang tamang pagbabantas.

7
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

3.Buo ang kaisipan (complete idea) Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong
isinama sa liham. Ang kasapatan ng mga impormasyon ng isang liham ay nakatutulong
upang maging buo ang kaisipan o ideya na nais ipabatid nito.

4.Magalang (courteous) Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat.


Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat
na kaalaman sa taong iyong sinusulatan.

5.Maikli (concise) Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong liham ay
nakatutulong sa pagbabatid ng nais mong sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga
detalyeng walang kabuluhan at hindi makatutulong sa nais mong sabihin.

6.Kombersasyonal (conversational) Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang


liham kung ang bumabasa nito’y parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa
paraang natural ang mga nais mong sabihin upang higit na maging epektibo ang
pagkakaunawaan.

Lagi mong tandaan na ang iyong liham ay nagsisilbing repleksyon ng iyong sarili
o pagkatao. Kung kaya mahalagang suriin muna itong mabuti at iwasto ang mga
pagkakamali bago ipadala sa taong padadalhan. Anumang magandang katangian ng
iyong liham ay masasabing katangian mo na rin bilang isang tao.

Ilang taon na lamang ay magtatrabaho ka na rin. Kikita ka na ng sariling pera na


galing sa iyong pagtatrabaho at pagsisikap. Ilan taon mula ngayon, magsisimula ka
nang maghahanap ng trabaho na gusto mo o naaayon sa iyong kwalipikasyon at
kakayahan.

Ngunit bago mo makamit ang trabahong ito, may isang kasanayang mahalaga
mong matutunan upang pormal mo nang masabi na ikaw ay nararapat sa isang trabaho
o posisyon. Ito ay sa pamamagitan ng isang liham-aplikasyon.

Ano ang Liham Aplikasyon?

Ang liham aplikasyon - ay isang hakbang sa pagkuha ng trabaho. Sa ibang


pagkakataon, cover letter ang tawag para sa liham na “nagbebenta sa iyong sarili”,
8
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

liham na naglalahad kung ano ang iyong maibabahagi sa isang kompanya o kung ikaw
ang nararapat o sagot sa hinahanap nilang empleyado.

Kadalasang mayroong limang (5) bahagi ang isang liham-aplikasyon. Ito ay ang
sumusunod:

 Introduksyon

 Personal na datos

 Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho

 Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/Pangalan ng


referens

 Kahilingan sa isang tugon o interbyu

Narito ang mga dapat isipin o tandaan sa pagsulat ng isang liham-aplikasyon:

1. Sino ang susulatan?

Sa pagsulat ng liham-aplikasyon, mahalagang nakaadres ito sa tamang tao,


kadalasang ang puno o tagapangulo ng departamento o ng personnel officer ng
kompanya.

2.Ano ang dapat lamanin ng liham?

Ilimita sa isang pahina lamang ang liham. Iwasang ulitin ang mga impormasyon na
mababasa sa iyong resume sa liham-aplikasyon. Ngunit puwede mong banggitin sa
simula ng iyong liham ang posisyong inaaplayan mo kahit nasa resume na ito.
Siyempre, hinding-hindi dapat mawala ang pagbanggit sa iyong pinakamalakas na
katangiang pang-akademiko o pang-empleo.

Importanteng maisaad mo sa liham ang iyong kagustuhan sa trabahong inadvertays at


kung paano mo maayos na magagampanan ang trabahong ito dahil sa iyong taglay na
katangian. Ngunit siguruhing hindi nagmumukhang mayabang ang iyong dating sa

9
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

pagsasabi ng iyong mga katangian. Mahalagang magtaglay ng pagpapakumbaba ang


iyong liham.

Matapos na maisulat ang isang liham-aplikasyon, mahalagang i-kritik ito ng mismong


sumulat. Kailangang matiyak ang malinaw na pagkakasulat nito. Tulad ng sabi ni J.
Grice sa kanyang Cooperative Principle, (1) sabihin lamang ang kailangan at wala nang
iba; (2) maging malinaw; (3) maging makatotohanan; at (4) maging makabuluhan.

Maaari mong wakasan o tapusin ang liham sa magalang na paghiling ng interbyu mula
sa inaaplayan o employer.

Bukod sa mga ito, ang isang liham-aplikasyon ay hindi lamang nasusukat sa nilalaman
nito kundi maging sa taglay nitong panlabas na presentasyon.

Paano Gumawa o Magsulat ng Cover Letter / Application Letter

1. Sabihin mo kung anong posisyon o trabaho ang gusto mo, saan mo nakita o nalaman
tungkol sa trabaho at bakit ka interesado.

2. Sabihin mo ang mga accomplishment at qualifications mo. Pero iwasan mo na


sabihin ang lahat ng laman ng resume mo. Pwede mong gawing bulleted o list para
mas madaling mabasa ng employer. Muli, iwasan mong pahabain. Pwede na ang isa o
dalawa.

3. Sa huling talata, pwede mong sabihin at ipaalala na sa resume mo ay doon nila


makikita ang details pa ng qualifications, accomplishments, experience and
education mo.

4. Tapusin mo ang cover letter sa pagsasabi na you look forward to hearing from the
company, sabihin uli ang iyong interest o enthusiasm mo na malaman pa ang iba pang
opportunity mula sa kanila.

Tips at Paalala

 Ugaliin na i-check ang grammar at spelling; hindi masama o nakakahiya na mag-


sangguni sa dictionary o sa mga libro. Laging isipin na sa mga konting

10
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

pagkakamali ay pwedeng makagawa ng hindi mabuting impression sa mga


employer dahil hindi mo binibigyang pansin at halaga ang mga maliliit na detalye.
May built-in function naman ang MS Word o kaya naman online grammar
checker tulad ng Ginger.

 Mag-research ka tungkol sa kompanya na papasukan. Kung malalaman mo ang


pangalan ng HR Manager o sinumang direktang makakatanggap ng application
mo, mas mabuti. Maari mong i-Google ang tungkol sa company o kaya naman
magtanong-tanong sa mga tao.

 I-print ang cover letter sa magandang printer. Huwag magpasa ng cover or


application letter at resume na may dumi ng ink o kaya naman ay may lukot.

 Keep it short. Kung maaari isang page lang ang application letter. Huwag


magsulat ng drama at mabulaklak. Pwede mo itong sabihin sa interview na lang
(yan ay kung tatanungin ka).

 Paalala na iwasang mag-submit ng xerox copy na cover letter. Gumawa ka ng


cover letter na angkop sa bawat pinapasukang trabaho. Huwag kang maging
tamad.

Ano ang Resume?

Ang isang resume ay isa sa mga requirements na hinahanap ng mga employers


sa mga nagnanais magtrabaho para sa kanila o sa kanilang kumpanya. Nilalaman nito
ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aplikante na may kinalaman sa gusto
niyang pasuking trabaho. Para matanggap sa isang trabaho, dapat ay mayroon kang
isang malinis at maayos na resume na makaka-impress sa iyong mga employer o sa
iyong mga boss.

Mga impormasyon na dapat mong ilagay sa resume:

 Pangalan – Totoo at buong pangalan. Maaari kang maglagay ng nickname o


palayaw pero, huwag mo namang dayain na gagamit ka pa ng ibang pangalan.

11
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

 Contact number – Mahalaga sa employer na alam nila kung paano ka nila


makokontak lalo na kapag natanggap ka na. Ilagay mo ang iyong contact
number na lagi mong ginagamit. Huwag yung number na nakalagay sa laging
nakapatay na phone.

§E-mail address – May mga employer na sa e-mail nagpapadala ng update tungkol sa


aplikasyon. Kung wala ka pang e-mail address, gumawa ka na: Paano Gumawa ng E-
mail Address. Maging propesyonal sa paggawa ng e-mail address. Mas okay na gamitin
ang kombinasyon ng pangalan at apelyido sa pagpili ng username.

§Home address – Kailangan ito kasi inaalam ng employer kung hindi ka ba masyadong
malayo sa trabaho.

 Objective – Ano ang iyong layunin para sa trabahong gusto mong pasukan.
Gusto mo bang mag-improve o magpakadalubhasa sa iyong larangan? Gusto
mo bang linangin pa ang iyong kakayahan? O gusto mong magpalit ng career?
Ilagay mo iyon.

 Work Experience – Kung nakapagtrabaho ka na sa ibang kumpanya, kailangan


mo iyong ilagay. Nais ng mga employer na malaman kung ano ang iyong
ginagawa sa mga nakaraan mong trabaho.

 Educational Attainment – Mahalaga ito lalo na sa mga fresh graduates na


wala pang working experience. Ilagay mo ang iyong kurso at school kung saan
ka nagtapos. Mahalaga sa kanila na malaman ang school kung saan ka
nagtapos .

 Skills – May mga kakayahan ka na alam mong angat ka sa iba at alam mong
makakatulong sa iyong trabaho. Idagdag mo ito sa iyong resume.

Tips sa paggawa ng resume:

 Maglagay ng maayos na litrato. May mga kumpanya na may required na size ng


litrato (1×1, 2×2, atbp). At may iba din na may required na background color.
Kung may required, syempre, huwag ka nang pasaway at wag nang marami
12
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

pang dahilan. Sundin ang required. Kung wala naman, mas mainam na 2×2
picture na may puting background. Plain background lang. Huwag iyong may
makikita pang mga abubot sa iyong likuran. At, syempre naman, siguraduhing
malinis at maayos ang iyong itsura. Mas mabuti kung magsuot ng pormal na
pang-itaas para sa litrato. Huwag iyong naka-t-shirt lang at mas lalong huwag
nakasando.

 Ang resume ay ipi-print mo sa isang short bond paper. Maliban na lang kung ire-
require ng employer na sa ibang paper size mo ipi-print ang iyong resume.

 Pumili ng maayos at malinis tignan na font. Piliin mo iyong font na ginagamit sa


mga pormal na bagay – Arial, Calibri, Times New Roman o Georgia. Kung
natutuwa ka sa itsura ng Comic Sans, pwes, hindi iyan nakakatuwang tignan sa
resume. Resume ang ginagawa mo at hindi comics. Maging propesyunal.

 Siguraduhin rin na ang font size ay hindi gaanong malaki o maliit. Maaring
gamitin ang Font Size 12 bilang pinaka-mainam na magamit na font size. May
mga impormasyon na maaaring mas lakihan mo ang font size gaya ng iyong
pangalan at mga header.

 Siguraduhin din na ang layout ng iyong resume ay malinis at maayos. Ano ba


ang malinis na layout? Iyong hindi pabago-bago ng font at font size. Gaya ng
nabanggit na kanina, ayos lang na mas malaki ang font size ng pangalan at mga
headers. Pero doon lang. Huwag kang magpapalit ng font size para sa mga
impormasyon.

 Puting bond paper ang gamitin. Huwag kang gagamit ng mga specialty paper
para sa iyong resume. At mas lalong huwag kang gagamit ng mga scented paper
para lang magpa-impress. Baka otomatiko pang pumunta ang iyong resume sa
basurahan pag nagkataon.

 Ang resume ay hindi isang nobela. Hindi mo kailangang gawin itong


napakahaba. Kung inaakala mong mas maganda iyong mahaba at madaming

13
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

nakasulat sa resume ay nagkakamali ka. Ilang bagay lang ang mahalagang


malaman ng employer at hindi ang buong buhay o pagkatao mo bilang aplikante.

 Kung may kailangan kang itama sa mga impormasyon tungkol sa iyo, ayusin mo
ito sa computer at huwag gugurihan na lang ang papel. Huwag din gagamit ng
correction ink o correction tape. Mahalagang malinis ang resume. Ipapakita
nitong malinis ka sa iyong kagamitan.

PAGTATALATA

Talataan
Jonalyn Condestables-Aponar

TALATA - ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumubuo at nagpapahayag ng


isang buong diwa o kaisipan.

Mekanismo ng Pagsulat

1. Kaisahan - upang matawag na talata ang pangkat ng mga pangungusap, kailangang


ito'y umiikot sa isang pangkalahatang ideya.

2. Kaugnayan - kailangang magkauugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy


ang daloy ng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag.

Mga Paraan upang Magkaroon ng Kaugnayan ang mga pangungusap sa isang talata

Paggamit ng Transitional Devices


Paggamit ng panghalip
Pag-uulit ng salita upang mabigyang diin at mag-ugnay ng diwa sa
magkakasunod na mga pangungusap.

14
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

Paralelismo o paggamit ng magkakatulad na balangkas pambalarila sa mga


pangungusap sa loob ng talata upang magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay.

3. Kaanyuhan o Kabuuan - ang mabuting talata ay naglalaman ng kompletong kaisipan.


may pagbibigay katuturan, paliwanag, pangangatwiran at patotoo.

Mga uri ng Talata ayon sa Paraan ng Pagpapahayag

a. Talatang Nagsasalaysay - Nagkukwento, nagsasaad kung kailan, saan, at paano


ang mga pangyayari.

b. Talatang Naglalarawan -

nagsasaad o nagpapakita ng anyo, hugis, kulay at katangian.

c. Talatang Naglalahad - nagpapaliwanag o nagsasaad ng isang katotohanan, palagay


o opinyon.

d. Talatang Nangangatwiran- may layuning mapapaniwala o mapasang-ayon ang iba


sa kanyang katwiran.

Mga uri ng Talata

1. Panimulang Talata -

dito nakikita o nahihiwatigan ang paksa ng talata at ang layunin ng may-akda sa


pagtatalakay na maaaring pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pagmamatwid

15
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

2. Talatang Paglilipat-diwa - Tangkang lagumin sa talatang ito ang diwa ng


sinusundang mga talata o di kaya ay nagsisilbing tagapag-ugnay ito ng sinusundan at
ng sumusunod pa.

3. Talatang Pabuod - dito binibigyang-linaw ang lahat; ang mahahalagang pahayag na


nabanggit sa mga nauna gayundin ang layunin ng may-akda sa sulatin. Ito'y
karaniwang pangwakas na talata.

Ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng isang Talata

Simulang makatawag-pansin ang talata.


May isang paksang pangungusap dapat ang bawat talata.
Bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa paksang
pangungusap.
Ayusin sa lohikal na pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap.
Mabisang iklian lamang ang mga pangungusap upang madalian malinawan.
Tapusin ang talata sa epektibong pamamaraan.

MGA MABIBISANG PANIMULA

• PASAKLAW NA PAHAYAG – ang resulta o ang kinalabasan muna ang sinasabi


bago isa-isahin at pagsunud-sunurin di-gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalagang detalye.

• Hal.

Isang vegetable nursery bawat baranggay ang pinagkakaabalahan sa Rizal ,


Laguna ngayon.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

16
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

• PAGBUBUOD – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tukuyin ang sadyang


talakay.

• Halimbawa:

1. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat mamamayan.

2. Kahibangan na ngang matatawag ang pagmamatuwid sa pananatili pa ng


mga base militar dito sa bansa.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PAGTATANONG - ibinabato ang isang katanungan.

• Halimbawa:

Mahina ba ang disiplina o talgang walang disiplina ang mga Pilipino?


Katanungan itong base sa pagmamasid ng batas trapiko.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• TUWIRANG SABI - karaniwang nakapanipi (“ ”) at mula sa pagsipi sa isang


tiyak na pahayag ng bantog o kilalang tao, dalubhasa o otoridad na gagamiting
lundayan ng paksa.

• Halimbawa

“They’r e liars!” Ito ang mariing sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tañada sa
mga US officials.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PANLAHAT NA PAHAYAG - nagtataglay ng kahalagahang unibersal na


maaaring ahguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga
pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.

• Halimbawa

17
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

Walang pangalawang glorya, karaniwa’y pangalawang dusa. Dito binase ng


isang biyuda ang naging karanasan niya sa pag-aasawang muli.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PAGLALARAWAN - ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat


nagbibigay- ng deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

• Halimbawa

Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigote’t balbas. Marusing pero hindi
marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas balikat ang haba. Hanggang tuhod
ang pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at kulot na balahibo ng mga binti.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PANGKALIGIRAN - ginagamit kung ang ilalarawan ay pook.

• Halimbawa

Namamayani pa ang dilim , halos wala nang patlang ang tilaukan ng mga
tandang sa silong ng mga dampang nangakatirik sa tabing-dagat .

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PAGSALUNGAT - binibigyang-diin ang pagkakaiba.

• Halimbawa

Noong basketbolista si Jaworski, pikon, marumi, nananagi ng kalaban maglaro.


Ngayon, pag ganito ang gawang kanyang basketbolista, dahil coach na siya, sinisibak
niya.

MGA MABIBISANG PANIMULA

• PAGSASALAYSAY - nasa anyong malumanay na pagkukwento.

• Halimbawa

18
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

Bago pa man dumating ang acid jeans at Levi’s ay uso na ang maong.

Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para sagutin ang


telepono.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• ANEKDOTA– panimulang nagkukwento ng imaikling istorya para pasiglahin ang


babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan .

• Halimbawa

Kinagiwian na ng mag-ina ang pagsisimba tuwing Linggo. Ngunit minsan, nang


oras na ng pangungumunyon at hinihila na ng ina ang anak para pumunta na sila sa
altar at kakaunti na lamang ang nakapila, nagulat na lamang ang ina sa pag-ayaw ng
anak.

“Bakit anak?” tanong ng ina.

“Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring iyan.” ang sagot ng anak.

Piningot ng ina ang walong taong anak.

• MGA MABIBISANG PANIMULA

• PAGSASALITAAN - dinaraan sa usapan o dyalogo.

• Halimbawa

“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente! Ang walang kamayawang pagbati ng


nagsisisiksikang madla sa harap ng Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang
bagong halal na pangulo na abot –tainga ang mga ngiti ng “Maraming salamat mga
kababayan! Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala ninyo!”

• Diskusyon/gitna

• Dito matatagpuan ang kabuuang kalamnan ng iyong paksa. Ang mga talata ay
kinapapalooban ng mg pangunahing kaisipan at mga pangtulong o pamunong

19
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

kaisipan o detalyeng maayos ang pagkakauri-uri at pagkakasama-sama, at


makatwiran ang pagkakahanay-hanay at pagkakasunud-sunod para sa lubos at
kalinawan ng paksa.

• Gitnang bahagi

• PAKRONOLOHIKAL – nakasaayos ayon sa tamang pagkakasunud-sunod mula


sa pinakamatagal hanggang sa pinakakasalukuyan.

• PAANGGULO - nakasaayos batay sa personal na masasabi o reaksyon ng


bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong
paglalagom. Tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng akda.

• Gitnang bahagi

• PAGHAHAMBING at PAGTATAMBIS – pagbibigay ng mga katangiang


maaaring magsimula sa pagkakatulad at pagkakaiba o di kaya’y vice versa.

• PANGWAKAS NA BAHAGI

• Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng komposisyon. Ito ay sinasambit sa ilang


pananalita na lamang dahil kung pahahabain pa , bukod sa hindi kasisiyahan, ay
hindi na magiging mabisa. Dapat ay kasimhaba lamang ito ng simula at
naglalaman ng pangkalahatang palagay pasya ukol sa paksa batay sa mga
katibayan at katwirang inisa-isa sa gitna.

• MABISANG PANGWAKAS NA TALATA

• TUWIRANG SABI

• PANLAHAT NA PAHAYAG

• PAGBUBUOD

( mga paraang nabanggit na sa panimulang talata )

• MABISANG PANGWAKAS NA TALATA

20
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main- Campus- Tandag

• MAHALAGANG INSIDENTE – madulang pangwakas na maaaring magpakita ng


pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa katauhan ng mga nasangkot sa
katha.

• Halimbawa

Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang naging mailap noong


sila’y nagsasama pa, nang magtagpo silang muli… sa morgue.

• MABISANG PANGWAKAS NA TALATA

• PAGSISIPI – pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o mahigit pa


sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay angkop sa tinatalakay
na paksa.

• Halimbawa

Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa mundo. Tila


pakawalang bahala sa mga kumbensyon ng lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa
paglipad ng ibong pipit. Paglipad upang salubungin ang umagang nagpapangako ng
mas magandang bukas.

21

You might also like