You are on page 1of 5

Balita: Pormal na ipinahayag ni Mr.

Marco Chua ng Chua Corporation sa isang business


conference ang pagtatag ng Chua's Orphan FOundation. Sa isang interview ay ginawa niyang
halimbawa ang kanyang kabataan bilang pangunahing rason sa pagpapatatag ng nasabing
organisasyon.

(Interview)

Marco: Nakikita ko ang kabataan ko noon sa mga batang ito. Kahit man na mayroon akong mga
magulang ay masasabi kong ako'y ulila sa kanilang pag-aalaga. Simula bata pa lamang ay yaya na
ang aking kasama sa bahay dahil laging nasa business trip ang mga magulang ko. Ayokong
maging katulad ang mga batang ito sa akin na sobrang lungkot ang buhay. Kaya kahit hindi man
ako ang mga magulang nila--atleast maipapadama ko na may nagmamahal parin sa kanila katulad
ng pagmamahal na binibigay ng isang magulang.

(Round of applause-----then flashback)

Narrator: Masayang gumising ang batang c Marco. Bukod sa karawan niya ay pinangakuhan siya
ng kanyang mga magulang na sila ay pupunta sa Enchanted Kingdom upang i.celebrate ang
kanyang kaarawan.

Marco: Nani!Nani! Today's my birthday Nani!

Nani: Ang saya natin ngayon ah.

Marco: Mom, Dad and me are going to EK today Nani! I'm very excited.

Nani: Ahh ehh iho halika.

(went to sofa)

Nani: Hindi makakauwi ang mga magulang mo ngayon iho. May urgent meeting kasi kaya sa
susunod na linggo pa sila uuwi. Pero huwag kang mag-alala dahil tadaaah! may regalo ka oh.

(Marco will be sad)

Marco: I don't want any gifts Nani. (sigh)Ang gusto ko lang naman ay ang i.celebrate ang birthday
ko na kumpleto kami.

(will go to his room crying while saying)

Marco: I hate them! I hate them soo much! Hindi nila ako mahal.

Nani: Marco!iho. Buksan mo ang pinto. Gusto mo tayo nalang ang pumunta sa Ek?
Marco: Ayoko! Ayoko! Ayoko Nani!

Narrator: Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nagbago ang pag-uugali ni Marco. Naging


malamig na ang kanyang pakikitungo sa kapwa, di pumapasok sa klase at nasasangkot lagi sa
gulo. Isang araw umuwing lasing na lasing ang binata sa bahay nito.

Nani: Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo Marco. Hindi mo man lang ba naisip ang
pagpapakahirap ng mga magulang mo sa pagtatrabaho mabigyan ka lang ng magandang
kinabukasan tapos ganito ang igaganti mo sa kanila ha?

(act like a real drunk man)

Marco: Hindi ko kailangan ang pera nila. Ang kailangan ko ay sila Nani! Mahirap bang ibigay
iyon Nani?Sobrang hirap ba?

(Nani will hug Marco)

Marco: Ang gusto ko lang naman ay ang atensyon nila. Noong bata pa ako ay palagi akong
naiinggit sa mga kaklase kong hatid sundo ng kanilang mga daddy. Gusto kong sa tuwing
nasusugatan o nilalagnat ako ay si mommy ang nag-aalaga sa akin. Sobrang hirap ang lumaki na
walang magulang sa tabi Nani.Sobrang hirap.

Nani: Tahan na iho. Tahan. Huwag kang mag-alala kakausapin ko ang mga magulang mo.Matulog
ka na.

(Marco hugs Nani)

Marco: Maraming salamat po.

(Nani will call Marco's parents)

Nani: Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya Roberto. Gabing-gabi na kung umuwi
at minsa'y lasing pa. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sana'y
bigyan niyo naman siya ng panahon. Nagkakaganyan siya dahil sa inyo. Ang gusto lang naman
niya ay ang atensyon niyo. Gawin niyo naman ang tungkulin niyo bilang magulang niya. Ipakita
niyo sa kanya ang pagmamahal at pag-aalagang matagal na niyang hinahanap Roberto. Unahin
niyo naman sana ang anak niyo bago ang trabaho niyo.

Nani: Sa ilang beses na pagpapayo ni Manang Silvia ay hindi parin nagpapatinag ang mga
magulang ni Marco. Kaliwa't kanang trabaho parin ang inaatupag ng mga ito. Maraming
mahahalagang araw din ang lumipas na ipinagdidiriwang ni Marco ng mag-isa. Mapa birthday,
father's day, mother's day, family day o kaya'y pasko at bagong taon paman. Pero kahit na ganoon
palagi ang sitwasyon, ay umaasa at umaasa parin ang binata na mabigyan siya ng kahit konting
panahon lamang na makapiling sila ngayong araw ng pasko.

Nani: Ang aga mo yata gumising ngayon iho? May hinihinytay kaba at naka.abang ka dyan sa
pintuan?

Marco: Hinihintay ko po ang pag-uwi nila mama at papa.Pangako kong kapag nakasama ko sila
kahit saglit lang ngayong pasko ay hihinto na ako sa mga kalukuhang ginagawa ko. Mag-aaral ako
ng mabuti at gusto kong maging katulad ni daddy paglaki ko.

Nani: Iho. Alam mo namang sobrang busy sila ngayon hindi ba?

Marco: (sigh)Kaya ko nga po ginagawa ito dahil masakit po isipin na hindi ko sila kasama sa araw
ng pasko. Hindi ko na po matandaan pa kung anong taon ako ng huli kaming magkasama-sama.

(Nani will tap his shoulders)

Nani: Anong gusto mong lutuin ko iho?

Marco: (sad tone) Kahit ano po?

(Christmas Eve)

Narrator: Naghahanda ng masasarap na pagkain, pagsisimba ng sabay-sabay, salo-salo,


pagbibigayan ng mga regalo,at kung ano ano pang mga bagay na nagpapasaya ang karaniwang
ginagawa ng mga magkakapamilya sa pagsapit ng gabi. Ngunit, kabaliktaran ng mga ito ang
nararanasan ni Marco tuwing araw ng pasko.Noong gabing iyon at dala narin ng impluwensya ng
barkada ay pinaasok sa unang pagkakataon ni Marco ang paggamit ng droga. Naging magaan sa
kanyang pakiramdam ang mga pangyayaring iyon dahil narin sa pagrerebeldi ng binatilyo sa
kanyang mga magulang.

Marco:(act like a drug addict) (sudden laughter)

Narrator: Sa paglipas ng panahon ay di na nagawa pang itigil ni Marco ang kanyang bisyo. Alam
ito ng mga magulang niya ngunit kagaya parin ng dati---negosyo ang inaatupag ng mga ito. Dahil
sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nawala sa tuwid na landas ang binatilyo. Minsa'y
nawawala ito sa tama nitong pag-iisip na humahantong sa pagwawala at minsan nama'y buong
araw na walang kainan. Minsan na lamang kung pumasok sa paaralan at pagkauwi ay lasing o
kaya nama'y nakahit-hit.
Isang gabi ay nagkaayaan ang pitong magkakabarkada sa isang club. Isang club na kilala
bilang tambayan ng mga drug addicts. Dahil galing sa mga maimpluwensyang pamilya ang mga
ito ay walang takot kung gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

(Using the drug)


Marco: (sniff) Woah!!! Party! Party! Woah!!

(Sound of a gun)

Narrator: Nilusob ng mga pulis ang nasabing lugar at doon ay dinakip ang pitong
magkakabarkada. Matapos malaman ang nangyari ay agad na tinawagan ni Manang Silvia ang
mga magulang ni Marco.

Nani: Kita niyo na? Kayo ang may kasalanan ng lahat ng ito.Kung binigyan kiyo lamang siya ng
oras at pagmamahal ay hindi ito mangyayari sa bata. Ngayon mamili kayo Roberto--ang anak niyo
o ang negosyo niyo? Huwag na huwag kayong magkakamali dahil sa oras na mangyari iyon ay
kalimutan niyo nang may anak pa kayo.

Narrator: Nag-uumapaw sa galit si Manang Silvia ng mga sandaling iyon. Iniisip niya ang
kapakanan ng binatilyo dahil sa mga nangyayari. Sa kabila nama'y galit sa sarili at pagsisisi ang
nadarama ng mga magulang ni Marco. Wala ang mga ito sa oras na kailangan sila ng kanilang
anak kaya nama'y halos kamuhian ang mga ito ng binatilyo ng dumating prisinto.

Marco: Look whose here!THE EVER FAMOUS CHUA COUPLE.I'm so proud to the both of
you!!So,kailangan ko pa palang makulong para lang puntahan niyo ako. (Talk while crying)Sana
sinabi niyo noon pa man na ito lang pala ang kailangan para di na sana ako naghirap pa. Mga wala
kayong kwentang magulang. Umalis kayo sa harapan ko.Wala akong ina't ama na puro negosyo
ang nasa utak.ALIS! Hindo ko kayo kailangan!

Nani: Marco! Huwag mong ipagtabuyan ang mga magulang mo. Balibaliktarin mo man ang
mundo magulang mo parin sila.!

Marco: Yun nga eh! Magulang ko parin sila! Mga walang kwentang magulang ko sila at kahit
anong galit ang gawin ko'y mahal ko parin sila.Mahal na mahal Nani. Mahal ko sila.

Nani: Tama na iho tama na. Magiging maayos rin ang lahat.

Narrator: Matapos noon ay nakumbinsi ng mga magulang na magparehab ang binatilyo.


Pagkalipad ng ilang taon ay nagsimulang mag-aral muli si Marco sa kolehiyo. Di tulad ng
dati,ngayon ay suportadong suportado ng mga magulang si Marco.Walang sinayang na oras ang
mga ito sa pag-aalaga at pagtulong sa anak na mahanap ulit ang sarili nito. Naging tama ang
pagpapalaki ng mga ito kay Marco kung kaya't nagtapos ito bilang Cum Laude sa kursong
Business Management.

Siya ang sumunod sa yapak ng mga yumaong magulang at gaya ng mga ito'y naging sikat na
business tycoon ang binata sa buong mundo.

Marco: Hindi naging maganda ang buhay ko noon kaya sobrang laki ang pasasalamat ko sa Poong
Maykapal sa pagbigay ng pangalawa pang pagkakataon. Kaya nama'y ginagawa ko ang mga
bagay na makakabuti di lamang sa akin kundi pati narin sa aking kapwa bilang kabayaran sa mga
mali kung gawain noon. Naniniwala ako sa kasabihang "NOTHING IS IMPOSSIBLE WHEN
YOU PUT GOD IN THE CENTER OF EVERYTHING"natutunan ko ito sa aking munting Yaya
dahil alam kong kahit ano paman tayo bastat may tiwala sa diyos ay magiging posible ang
imposible. Dahil noon inaakala kong sa prisinto ang hantong ko pero tingnan niyo naman ngayon
isa na akong sikat na businessman. Masasabi ko narin sa wakas na ako'y isang matagumpay na
tao.

THE END

You might also like