You are on page 1of 3

GAPAD,ROXANNE L.

BAFL 3A

Ang Huling Hantungan

MGA TAUHAN:

Rhyan Paul & John-kuya ni Roxanne

Sherwin-pang-apat na anak

Roxanne-pangatlong anak

Rosita-nanay ni Roxanne

Noel-Tatay ni Roxanne

Tagpuan:

Dahil sa kahirapan ng buhay kinakailangan mag-doble kayod para maitaguyod ang sari-sariling
pamilya.Kinakailangan tayo`y magsakripisyo,kailangan nating kayang tiisin na lumayo muna sa kanila
para lang makahanap ng pagtrabahuan para mabigyan lang sila ng magandang buhay para sa kanilang
kinabukasan.

Si Noel at Rosita ay parehong masisipag na mag-asawa.Wala silang ginawa kundi kumayod ng


kumayod para sa kanilang pamilya.Sila`y walang sinasayang na oras sa pagtatrabaho.Para sa kanila kahit
na sila`y mahirapan basta`t may panustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.Noong nasa elementarya pa
lamang ang kanilang mga anak ay iniiwan na nila ang mga ito. Ngunit minsan nama`y pipasyalan nila
ang mga ito kapag inihahatid nila ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang pang-araw-araw at para
sa kanilang pag-aaral.

Minsan ng umuwi ang kanilang mga magulang ay kinausap agad ang mga ito.

“Kumusta na kayo mga anak?”,saad ng tatay.

“Inaasahan namin na nag-aaral kayo nang mabuti,ah?”,saad naman ng kanilang ina.

“Maayos naman po kami ,tatay,at huwag po kayong mag-alala dahil nag-aaral naman po kami nang
mabuti.”sagot naman ni Rhyan.

Sa bawat pag-uwi nila ay umaalis rin sila sa kinabukasan.Sa tuwing umaalis ang mga ito ay
walang magagawa ang mga anak dahil para rin naman sa kanila ang ginagawa ng mga ito.
Bawat araw ay ang kanilang mga anak lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit na hindi
nila sinusubaybayan ang mga ito.Sapagkat dahil palaging wala ang mga ito ay sa bawat gawain ay nag-
aaway away ang mga ito.

…………………..Isang araw………………………

“Hoyyyy!!Roxanne,maghugas ka na nang pinggan doon.”,utos ni John.

“Ayoko,Ako na lang palagi ang inuutusan ehhhh”,sagot naman ni Roxanne.

“Ehhhh,ikaw ang babae sa atin ehhh.”,Sabi naman ni John.

“Bakit?Porket ako ang babae ako na lahat,hindi ba pwedeng ikaw naman.”,saad naman ni
Roxanne.

Nagalit si John at linapitan si Roxanne at pinaltusan ito.

Araw-araw ay ganito na ang set-up nila.Ngunit minsan naman mabuti ang kanilang pagsasama
sapagkat minsan hindi pa rin maiiwasan na sila`y magkakasagutan.

Dumaan na ang mga araw at taon,nang sila na ay mayroong tamang edad na ay nagsimula na
silang humanap ng kanilang pagkakakitaan.Imbes na mag-aral ay pinili na lang nilang magtrabaho.Ang
panganay na si Rhyan ay nagtatrabaho sa isang grocery store at ang pangalawa at pang-apat ay
nagtatrabaho naman bilang magsasaka.Hindi man ganoon kataas ang kanilang kinakayod ay kahit
papaano raw ay may maitutulong sa kanilang mga magulang at sa kanilang kapatid.Minsan rin sa
pagiging magsasaka ay hindi naging madali para sa kanila.Minsan dahil sa kababaan ng presyo ng gulay
ay nawawalan na sila ng gana para magtrabaho.Ngunit ayon sa kanila “magtrabaho lang tayo nang
magtrabaho at malalampasan din natin ito.Hindi lang naman tayo ang nakakaranas ng ganito”.Ito ang
kanilang sandalan upang magpatuloy sa kanilang buhay.

Ngunit sa kabilang banda hindi pa rin nawawala ang obligasyon ng kanilang mga magulang sa
kanilang anak kahit ang iba`y nagtatrabaho na.Sila`y patuloy pa ring sinusuportahan kahit papaano.Sila pa
rin ay nandodoon sa oras na kinakailangan ng kanilang mga anak ng payo o pagdidisiplina.Bilang mga
magulang ay kinakailangan pa rin na tingnan o bantayan ang mga ito.

Noon ang saya-saya nang kanilang mga anak dahil para sa kanila swerte sila dahil may nanay at
tatay silang palaging sumusuporta sa kanila.Sa oras ng kanilang pangangailangan ay kapag sila`y
nagtatanong ay ibinibigay agad sa kanila.Ngunit akala nila ay palaging andiyan ang kanilang mga
magulang ay palaging andiyan sa kanilang tabi na palaging sumusubaybay sa kanila.Ang hindi nila alam
ay may pangyayaring magpapabagsak sa kanila.

Isang gabi,pagkarating nina Roxanne at ang bunsong kapatid nito na si Bryan sa kanilang bahay
ay may kapitbahay silang pumunta sa kanila.

“Maglinis raw kayo sa inyong bahay”,ani ni James.

“Huh?Gabing-gabi na po.Hindi ba pwedeng bukas na lang?”Saad naman ni Roxanne.


Sa totoo lang,may kutob na si Roxanne noon kung ano ang totoong dahilan pero hindi niya
inaasahan na ang kutob na iyon ay isang katotohanan.

“Iuuwi na raw nila ang labi ng iyong ama mamaya,iayos niyo na ang mga iyan at baka sa
anumang oras ay darating na sila dito.”saad ni James.

Nasaktan si Roxanne noon sa balitang iyon.Dahil wala ehhh biglaan lang nangyaring ito.Lalo na
at tatay niya na ang naging kanyang sandalan noon pa.Para sa kaniya ay pinagsakluban siya nang langit at
lupa.Para sa kanya ay gumuho na ang kanyang mundo.

You might also like