You are on page 1of 2

GAPAD,ROXANNE L.

BAFL 3A

1. Sa papaanong paraan pumapasok ang ideyang Kanluranin sa pagsasalin ng mga

akdang pampanitikan at ang mga akdang teknikal/ siyentipiko. (10 puntos)

Pumapasok ang ideyang Kanluranin sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan at ang


mga akdang teknikal/siyentipiko sa pamamagitan ng pagdagsa at pagpasok ng mga modernong
teknolohiya sa pamamagitan ng mass media, edukasyon, telekomunikasyon ay nagbunga
nga mga pag-aaral, pananaliksik at produksyong may sensibilidad ng pinanggalingan ng
mga teknolohiyang ito pero hindi maiiwasan at ayaw talikuran ng mga mamamayan. Ang
iba’y pilit na nag-aangkop ng mga pag-aaral na ito sa lokal na milyu bagamat ang teorya,
hipotesiss at mga batayan ay sa kanluran pa rin. Karaniwan pang nakasulat ang pag-aaral
na ito sa mga wikang kanluranin, pangunahin ang wikang Ingles.

2. Paano pahahalagahan ang mga kaisipang Filipino tulad ng paniniwala, wika,

kaugalian, kultura at iba pa gayong ang pagsasalin ay ideolohikal? (15)

Pahahalagahan ang mga kaisipang Filipino tulad ng paniniwala,wika,kaugalian,kultura at iba pa


gayong ang pagsasalin ay ideolohikal sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga akdang napapatungkol dito
sa Wikang Filipino. Sa pamamagitan nito, maisasabansa ang mga panitikan ng ibang etnikong grupo at
makilala, at atin ring mauunawaan pa lalo kung ano ang bawat kultura ng mga Pilipino. Sa pamamagitan
din nito, maipapasok sa ating pambansang wika, ang mga salita mula sa iba’t ibang wika.

Ang mga akdang sinulat sa Ingles an Espanyol ay dapat ding isalin sa Filipino bilang mga
pamana at tagapagpaalala ng masaya at mapait na nakaraan. Ang mga akdang pumapsok sa atin mula
sa ibang bansa bunga ng pag-unlad ng mass media, edukasyon, at teknolohiya ay dapat ding isalin sa
wikang pambansa. Lahat ng ito - mga akda mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, sa Espanyol, Ingles at
iba pang mga wikang banyaga, ay tutulong sa pagbuo, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansang
Filipino.
3. Paano mo babalansihin ang gamit ng Wikang Ingles at Filipino dahil ang Ingles ang

kinikilalang wika ng daigdig upang hindi mapag-iwanan ang Filipino? (15)

Babalansihin ko ang gamit ng Wikang Ingles at Filipino dahil ang Ingles ang kinikilalang wika ng
daigdig upang hindi mapag-iwanan ang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng Ingles lamang sa mga
larangang kinakailangang gamitan nito.At kapag ang kausap natin ay talagang hindi makaintindi ng
wikang Filipino ay doon lang gagamit.Kasi hindi naman sa lahat ng bagay ay kinakailangang tayo ay
gumamit ng Wikang ito.Isipin natin na tayo ay isang mamamayan ng Pilipinas.Tayo ay isang Pilipino.Ang
atin ay atin.Huwag nating kaligtaan na mayroon tayong wikang kailangang tangkilikin at kailangan ding
paunlarin.Sapagkat hindi naman masama ang pagtangkilik ng ibang wika ng ibang bansa o paggamit nito
ay kailangan pa din nating laging alalahanin na mayroon tayong nag-iisang wika.

You might also like