You are on page 1of 1

GAPAD,ROXANNE L.

BAFL 3A

REAKSYONG PAPEL

SAYAW SA KASAL

Ang dula ay isang uri ng panitikan.Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.Halimbawa na lang nito ay ang ginawang
dula-dulaan ng aming klase kung saan ito ay hinalaw mula sa mga maikling kwento at mga epiko
espisipiko sa rehiyon ng Mindanao.Sa pagsasadula ng mga ito,kinakailngan pa ring kumpleto,organisado
rin ang banghay nito.Halimbawa na lang ang isang maikling kwento na isinadula ng isang grupo na
tungkol sa Sayaw sa Kasal.

Sa akdang kanilang isinadula,kanilang ipinakita rito ang kultura ng Ifugao kung saan maaaring
makiapid sa ibang babae ang isang lalaki kung hindi maaring magkaanak ang napangasawa nito,para sa
akin hindi tama na ipagpatuloy pa ang ganitong kultura.Sa ngayong panahon,kailangang palitan na itong
kultura.Ito ay dahil kawawa naman ang iyong mapapangasawa kung ganito lang.Ang asawa ito ay
panghabambuhay,ito`y hindi isang laruan na pwede mong palitan kung kailan mo gusto.Sa una pa
lang,bakit mo ito pinaksalan kung may balak ka pa lang iwanan.Pinakasalan mo ito ,ibig sabihin tanggap
mo kung sino siya ganoon na rin ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay bilang mag-asawa.Ang
problema pinag-uusapan sa masinsinang usapan hindi iyong hinahanap mo ito sa ibang tao.Maaari ka
namang mag-ampon na lang ibang bata hindi iyong ganun na itatapon mo na lang ang iyong asawa at
iwan bigla.Babae ka man o lalaki ka dapat pangatawanan mo an gang iyong desisyon o papel mo bilang
asawa.

Sa Pilipinas hindi sinasang-ayunan pa rin ang diborsyo.Kung kaya`t hindi ka maaaring makipag-
asawa sa iba o makiapid kung kayo`y nakapirma ng isang kontrata na nagpapatunay na kayo`y mag-
asawa o ang inyong marriage certificate na sinasabi.Mayroon din tayong batas na naisagawa tungkol
dito kung saan ipinagbabawal talaga ang gawaing ito.Isa pa ito ay isang kasalanan sa ating Poong
Maykapal kung kaya`t ito`y hindi basta-bastang gawain.Ngunit ayon nga sa akda,ito`y isang kanilang
kultura espisipiko sa Ifugao.Kung kaya`t wala na tayong magagawa.Ang tanging gawin na lang natin ay
respetuhin ang kanilang kultura.Kung ating iisipin kultura nila iyon,hindi naman sa wala tayong pakialam
o sumasang-ayun sa kanila ngunit kung ating titingnan sa ibang anggulo ito`y parte ng kanilang
pamumuhay bilang mamamayan ng Ifugao.Ayon nga sa iba respetuhin mo ang kultura ng iba kung gusto
mo ring respetuhin ka nila.

You might also like