You are on page 1of 15

THY WOMB

Direktor: Birllante Mendoza


Mga Tauhan

Shaleha Bangas-An Mersila


(Nora Aunor) (Bembol Roco) (Lovi Poe)
SIMULA
Sa isang komunidad ng mga Badjao sa Sitangkai,
Tawi- Tawi namumuhay ng payak ang mag-
asawang Shaleha at Bangas-an. Paghahabi ng
banig, pangingisda, at pagiging kumadrona ang
kanilang ikinabubuhay. Mithiin nilang mag-
asawa ang magkaroon ng anak ngunit hindi iyon
kayang ibigay ni Shaleha
TUNGGALIAN

Labag man sa loob ni Shaleha sa gusto ni Bangas-an


na mag-asawa ng iba aytiniis niya ito sa
kadahilanang gusto niya ring magkaroon ng
anak. Kaya imbes namagloko ang asawa, si
Shaleha na mismo ang naghanap ng babaeng
maaaring pakasalan ni Bangas-An
KAKALASAN
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa
natagpuan nila si Mersila na agad namang
pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang
tagapamagitan. Inubos nila ang lahat ng kanilang
ari-arian upang matugunan ang dowry ni Mersila.
Ngunit may usapan silang sa oras na maisilang ang
kanilang anak ay kailangan na niyang hiwalayan ang
kanyang unang asawa
WAKAS
Nagluwal ng isang malusog na sanggol
si Mersila at si Shaleha mismo ang
nagpaanak sa kanya. Nasiyahan si Shaleha sa
iyak na kanyang nasaksihan subalit nabalot
din siya ng kalungkutan dahil alam niyang ang
iyak na iyon ang hudyat na kailangan na
niyang lumisan

BUOD
Si Shaleha at Bangas-An ay mag-asawang Badjao na nakatira sa
Tawi-Tawi. Maayos ang kanilang pagsasama. Bukod sa
pagiging mangingisda, si Shaleha ay isa ring kumadrona.
Kung kaya’t ganun na lang lalo ang kalungkutan nila sa hindi
pagkakaroon ng anak sa haba ng kanilang pagsasama. Dahil
dito’y nagpasya si Shaleha na kunsintihan ang asawa sa
kagustuhan nitong mag-asawang muli upang magkaroon ng
anak at batang kagigiliwan sa bahay. Tinulungan ni Shaleha
si Bangas-an na humanap ng

mapapangasawa at kasama rin siya sa pagsusumikap na mag-ipon ng


pera bilang dowry na pambayad sa pamilya ng babaeng pakakasalan ni
Bangas-an. Ilang babae rin ang kanilang tinungo pero si Mercila ang
agad na pumayag. Hiling ni Mercila na sa oras na isilang niya ang
kanilang anak ay hihiwalayan na ni Bangas-an ang unang asawa. Nang
magsilang ng sanggol si Mersila ay si Shaleha mismo ang
nangasiwa kanyang panganganak. Nag-uumapaw siya sa magkahalong
emosyon. Masaya siya dahil sa wakas, napaligaya na niya si Bangas-An sa
pagkakaroon nito ng supling. Subalit, malungkot din siya dahil ang
sanggol na kapapanganak pa lamang ni Mersila ang tanda na kailangan
na niyang tumupad sa usapan. Iyon ay kailangan na niyang hiwalayan
ang lalaking kanyang pinakamamaha.

TEMA/ MENSAHE

Ang tema ng pelikula ay tungkol sa


pagsasakripisyo ng isang babae para sa ikasasaya
ng kanyang asawa. Iba ang nagagawa ng pag-ibig.
Makita lamang na masay ang iyong minamahal ay
masaya ka na rin. Kahit na ikasasakit rin ng iyong
damdamin ang sakripisyong iyong ginawa.
MGA TEORYA
Feminismo: Mula sa parteng tumutulong maghanap si Shaleha ng
mapapangasawa ni Bangasan hanggang sa araw ng pagsilang ni Mercila sa
anak nila ni Bangas-an ay sumasalamin sa pagiging matatag ng babae at
lubos na pagmamahal sa asawa sa katauhan ni Shaleha.
Realismo: Mula sa pinangyarihang lugar, pagsasalita, pagkilos, at mga
ipinakitang tradisyon at kultura ay nakakatulong upang mas maging
makatotohanan ang pelikula.
Formalismo: Nais ipaabot ng pelikula kung paano magmahal ang isang
babae sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. At ang
mayaman na tradisyon at kultura ang ipinakitang lugar na pinangyarihan at
patuloy na pinapayabong at isinasabuhay iyon ng mga taong
naninirahan doon.
Marxismo: Ang ipinakitang hanapbuhay sa pelikula upang
patuloy na mamuhay ang mga tauhan ay paghahabi ng banig,
pangingisda, at pagiging kumadrona. Sa parte ng pelikulang
nabaril si Bangas-an ng mga armadong lalaki at ninakaw
ang kanilang nakuhang isda, tinulungan at ginamot siya ni
Shaleha at parang walang nangyari sa kanila at sanay na sila sa
pangyayaring ganoon. At pati na rin sa pagtulong ni
Shaleha kay Bangas-an na humanap ng paraan at
kumayod para sa dowry na iaalay sa mapipiling mapapangasawa
ni Bangas-an ay maituturing napag-ahon.
FEMINISMO
• Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o
pagtatagumpay ng babaeng
karakter?
- Ang kagustuhang magkaanak nina Bangas-an at Shaleha ngunit hindi iyon
maibibigay ni
Shaleha.
• Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o
inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
- Shaleha (bida, inapi), Mercila (nagsamantala gamit ang kakayahang magkaanak)
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng
karakter?
- Nagparaya si Shaleha dahil alam niya ring hindi niya kayang ibigay ang
hangad ng asawang magkaanak sila.
Realismo
• Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
- Payak ang pamumuhay, mayaman sa kultura at tradisyon.
• Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
- Matapat dahil iyon ang karaniwang buhay ng mga Pilipino.
• Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
- Sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pamumuhay,
pananamit, pagsasalita, at lugar ng pinangyarihan.

PAGPAPAHALAGA
Layon ng pelikula na mag-iwan mensahe sa mga manonood. Ang pabiling
ipinapahiwatig ng Sa Iyong Sinapupunan ay ang sari-saring paraan ng
pagkamit ng kasiyahan nating mga tao. Gaya ni Bangas-An, ilan sa atin ay
hindi marunong umintindi sa pakiramdam ng iba. Makakaya nilang
pabayaan na lamang ang sinumang nasasaktan basta mataglay lang nila ang
kanilang adhikain. Ang iba naman ay maihahalintulad kay Shaleha. Kinikilala
na rin nilang kasiyahan ang lahat ng makakapagguhit ng ngiti sa mga labi ng
mga taong kanilang iniibig. Ang iba naman ay maihahambing kay Mersila. Sa
pagmamay-ari ng pagsinta ng isang tao, wala na silang iniisip pa kundi ang
pansariling galak. Sila ay makasarili. Sa oras na mapasakamay nila ang isang
bagay ay hindi na nila ito ipinapasa sa ibang nangangailangan nito basta ang
mahalaga, nakikinabang sila.
TAGA ULAT- VEGRARA, JONNALYN

You might also like