You are on page 1of 2

DISKURSO

DIE BEAUTIFUL: ANG PAGRAMPA NG ISANG BAKLANG INA


Sa kasalukuyan, iba-iba na ang depinisyon natin kapag naririnig natin ang salitang ina o
nanay at ang unang pumapasok sa ating isipan ay isa itong babae na magiging ilaw ng
tahanan, ngunit sa pelikulang “Die Beautiful” binasag dito ang stereotipo na iyon sa
paraan ng pagganap ng isang homosexual na si Trisha Echavarria bilang ina ng
kanyang inampon at tinuring na anak na si Shirley Mae. Sa ngayon, ang mindset ng
mga tao sa lipunan ay heterosexual lamang ang may kakayahang tumayo at gumanap
bilang isang magulang ngunit para kay Trisha, kaya niyang gampanan ang ganitong
klaseng responsibilidad. Ayon naman sa isang pag-aaral, marami ang sumasalungat sa
pagiging magulang ng isang homosexual tulad na lamang ni Trisha. Ayon kina
Cramer(1986), Falk(1989), Gibbs(1988), at Patterson(1996), “Beliefs that homosexual
adults are not fit parents likewise have no empirical foundation”, sinasabi nila rito na
hindi angkop na magampanan ng isang homosexual ang ganitong gampanin, ngunit sa
ipinakita ni Trisha sa pelikula, masasabi ng nakararami na siya ay mayroong kakayahan
sa ganitong aspeto at hindi maaapektuhan ng kanyang kasarian ang pagiging
magulang niya kay Shirley Mae. Batay naman kina Hand (1991) at Patterson(1995),
“Recent evidence suggests that homosexual couples who are parenting together tend to
divide household and family labor relatively evenly”, isinasaad lang dito na kapag ang
dalawang homosexual ang naging magkasangga sa pag buo ng pamilya ay mas
maayos na maisasagawa ang paghahati sa paggawa ng mga gawaing bahay at ang
pagkayod para mapunan ang pangangailangan ng pamilya. Sa pelikula ring ito,
nagampanan ng maayos ni Trisha ang kaniyang pagiging ina sa kanyang anak at kahit
na siya ay nilayasan nito ay hindi niya pa rin magawang talikuran at sumbatan ang
kanyang anak dahil sa pagmamahal na mayroon siya para rito. Masusuri rin sa
pelikulang ito ang dahilan ng pag-aampon ni Trisha kay Shirley Mae na kung saan ay
ayaw niyang maranasan ng bata ang karanasan niyang hindi maganda sa kamay
kanyang ama. Minabuti rin ni Trisha na umalis nalang sa poder ng kanyang ama upang
maranasan niya ang kalayaan na matagal na niyang gustong matamasa at magkaroon
ng pagkakataon upang makabuo ng isang pamilya.

BORN BEAUTIFUL: KARANASANG NAG-UDYOK UPANG MAKAMIT ANG


KASIYAHAN

Sa ganitong teksto naging diskurso ang imahe ng mga bakla bilang tagapaghatid ng
aliw at kasiyahan, tagasuporta sa pangagailangan ng pamilya at tagapamagitan sa
usapin ng pag-ibig. Makakabasag-pinggan ang pelikulang katha ni Jun Robles Lana na
Die Beautiful at ang sequel nitong Born Beautiful, dito inilahad ang mga pagsubok na
kinakaharap ng mga bakla pag dating sa pamilya, paggalang at pag-ibig. Sa madaling
salita kilala lamang ang bakla bilang tumatayong tagapagsustento sa kanilang pamilya,
kalaguyo, at pamilya ng kalaguyo. (Pagkabarako:Sikolohiya ng mga Lalaking Nakikipag
Relasyon sa Beki) ang pakikipag relasyon sa beki ay kinapapalooban ng (1) pantustos
sa pangangailangan na nahahati sa dalawang bahagi: Luho at Kagipitan.

"Kasi nagawa ko lang naman iyon, kasi di ko kayang mabili yung mga gusto ko" (Kiko,
21). Sa kabilang banda,nakikipag relasyon lamang ang mga Juan sa mga beki para sa
materyal na satispaksyon at hindi sa bugso ng totoong pagmamahal.

Sa usapin palamang ng pagbibigay ng kasiyahan o sa komedya nangunguna dito ang


mga bakla sa mga malulupit na okrayan at punch line di maipagkakailang aabot sa
tenga ang iyong pag halakhak na bubuo sa iyong masayang araw. Sa usapin naman ng
pamilya, malaking kahihiyan sa parte ng ama ang magkaroon ng anak na bakla. Sa
paniniwalang ang anak nilang lalaki ang mag mamana ng lahi at apelyido ng ama
ganoon na lamang na napakasakit sa parte ng tatay na may anak syang isnag bakla at
isa pa dito kinatatakitan din ng ibang magulang na pagtawanan at laitin ang pagkatao
ng kanilang anak na beki ngunit hindi maipagkakailang pagdating sa issue ng
pagsustento at paghahanap buhay talaga namang maasahan ang mga bakla.

Sa usaping ng pag-ibig hindi nila natatamo ang tunay o pangmatagalang relasyon, dahil
pinapairal lamang ng mga lalaking umiibig sa kanila ay pinansyal at materyal na
satispaksyon.

Base sa pelikula, nakamit ni barbs ang tunay na kasiyahan sa muling pagpapakita sa


kanyang isip si trisha doon nya natamo ang tunay na kahulugan ng kasiyahan na
walang pinipiling kasarian, dahil sa troma at malulungkot na karanasan na pinagdaanan
sa buhay ni barbs pinilit nyang baguhin ang kanyang sarili at bumalik sa pagiging lalali
at tuluyang lisanin ang mapanghusgang mundo. Dahil sa pinagdaan, natututo tayong
baguhin ang ating sarili sa inaakalang mababago rin ang tingin satin ng ibang tao ngunit
makakamit mo lamag ang tunay na kasiyahan kung labis mong tanggap ang iyong sarili
at pagkatao.

You might also like