You are on page 1of 1

Die Beautiful patungkol ito sa isang beki na si Trisha (Paolo Ballesteros) na walang ibang pinangarap

kundi maging isang “beauty queen” o maging isang “title holder” bago sya ma tegi at kunin ni Lord.
Umiikot ang istorya kay Trisha na dumanas ng samut-saring pasakit at hamon sa buhay. Isa na dito ang
kanyang sariling tatay na hindi sya tanggap sa kanyang mga hilig o kinagawian, sa kabila ng mga sampal ,
masasakit na salita, at pisikal na pananakit ng kanyang ama mas pinili pa rin ni Trisha na maging masaya
at buong pusong tanggapin ang katotohanan.

Sa kinalaunan ay pursigido pa rin si Trisha na abutin ang kanyang pinaka-mataas na pangarap, ang
maging isang “beauty queen” , bumibisita si Trisha sa bawat baryo na meron patimpalak sa pag asang
maipapanalo nya ito kasama ang kanyang matalik at very supportive friend na sa Barbs na ginampanan
ni Christian Bables. Sa pelikula makikita mo kung gaano kakulay ang kanyang buhay kasama ang iba pa
nyang kaibigan, Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito ay ang mensahe, pagkakaroon nito ng boses
sa lipunan, pagtanggap at tunay na pagmamahal sa kapwa.

Hindi lamang dahil sa napatawa at napa-ngiti ako ng pelikulang ito kundi dahil nagbigay ito ng boses, ng
linaw sa mga taong mapang-husga at pagpapa-kita ng tunay na pangyayari at kalagayan ng mga na
aabuso na miyembro ng LGBT Community sa lipunan, nagustuhan ko din ang pagpapaka-totoo ng
pelikulang ito, may mga eksenang sensitibo o literal na pinakita tulad na lamang ng pang aabuso kay
Trisha, brutal at di angkop kung tutuusin, Sa paraan ng pagsasalita ng mga karakter, Oo nagmumura sila,
Oo gumagamit sila ng di kaaya ayang salita ngunit para sa akin punong-puno ng inspirasyon itong
pelikulang ito. Hindi lamang sa mga miyembro ng LGBT community bagkus pati na rin sa mga taong
nakaramdam ng tunay na mensahe nito. Isa lamang ito sa dami ng pe- likulang nagbibigay liwanang sa
kung ang dapat na trato sa mga kapwa nating naaabuso ng mapang-husgang lipunan. Sa huli ang
mahalaga ay ang pagsasa-puso sa lahat ng mga aral na binigay at inilahad sa atin ng istorya ni Trisha, na
maging normal at maging masaya sa buhay mahalaga ay ang pagsasa-puso sa lahat ng mga aral na
binigay at inilahad sa atin ng istorya ni Trisha, na maging normal at maging masaya sa buhay.

You might also like