You are on page 1of 2

Belmonte, Carl Muriel Y.

Percy Jackson and the Lightning Thief

Ang aking repleksyon patungkol sa pelikulang ito ay napakaganda nito magmula sa istorya
hanggang sa mga "special effects" ginamit sa pelikula. Wala akong masasabi na hindi maganda
patungkol dito. Marami rin mapupulot na aral dito lalo na base ito sa kasaysayan and mito ng
mga griyego at marami sa mga ito ay totoo liban lang sa mga karakter na ginamit dahil mga
bagong karakter sila at hindi galing sa istorya ng mga mito ng griyego.

Kung ipagkukumapra ko ang pelikula mula sa libro, at bilang nabasa ko na rin ang libro na ito at
natapos ang buong serye nito mula sa isa hanggang apng limang serye, masasabi na nagawa ng
maayos na pagsasalarawan galing sa teksto ng libro patungo sa pelikula. Kung ikaw man ay wala
masyadong alam tungkol sa mga mitolohiya ng griyego, huwag mag alala dahil naiapapaliwanag
naman lahat ng mga karakter na ginamit at naipapakilala naman dito sa pelikula ang bawat
nababangit na pangalan mula sa mitolohiya.

Sa kabuan ng istorya, walang aprte nito ang masasabi ko na napaka "boring" panoorin, hindi
lang ito tungkol sa kasaysayan kundi may romansa, pakikipaglaban, komedya at paglalakbay ng
mga mag kakaibigan. Bilang isa sa mga mahihilig sa mga ganitong uri ng pelikula at mahilig din
sa kasaysayan para sakin napaka interesante sa akin ang buong istorya nito, mas lalong pa nga
nadagdagan ang aking kaalaman patungkol sa mitolohiya ng griyegoa at binugyan pa ako nito
ng mas lalo konkretong paglalarawan sa mga karakter nito, lalo na sila medusa, ang minotaur
pati na rin kung gaano kalaki ang mga diyos nila, ang mga satyr, hydra at marami pang iba. Para
sa akin mas napupukaw ang aking atensyon dun sa mga bagay na iyon, bonus na sa akin ang
magandang storyline.

Nagustuhan ko rin dito kung pano sinunod ng awtor ang bawat kapangyarihan ng bawat
karakter sa mitolohiya, nagustahan ko rin ang mga parte kung saan ang mga "demigods" o anak
ng mga diyos ay nakakakuha ng mga ibat ibang kapangyarihan galing sa kanila. Hindi man kasing
lakas ng katulad ng mga diyos pero tama lang pra matulungan sila para talunin ang kalaban.

Patubgkol naman sa mga aral nito, marami rin akong nakuha lalong lalo na sa bida na si Percy
Jackson, kahit na anak siya ng diyos o kung tawagin ay demigod, bilang isang kalahating mortal
at kalahating diyos, hindi pa rin siya nakalusot sa lupit at pagpapahirap ng mundo. Oo may mga
abilidad siya o kapangyarihanna puwedeng gamitin pero iba pa rin ang realidad ng mundo.
Naghihirap din siya lalo na nung kasama niya pa ang kanyang step father niya napaka batugan
at piling hari, at mahilig pa uminom.

Isa rin sa mga napulot kong aral ay ang pagmamahal ng mga magulang ni Percy, sa kanyang ina
na tinago siya at malayo sa paningin ng mga ibang diyos na gusto siyang patayin, at hanggang sa
huli tulungan siya makarating sa kampo ng mga demigods kahit na alam niya na hindi na niya
ito makakasama at hindi rin siya makakapasok dito, sa kanyang ama ng diyos na si Poseidon,
kahit na ipinagbawal ng kapatid niya na si Zeus ang paglapit sa mga anak na demigod, ay
patuloy niya pa rin binabantayan si Percy at tulungan siya sa oras ng pangangailangan, yung
mga pagbulong niya at pagpapahiram ng konti sa kanyang kapangyarihan. Makikita na walang
kapantaya at wagas ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak ano pa man ang
mangyari at ano pa man ang maging problema, hahanap at hahanap sila ng paraan para
makatulong.

You might also like